“Oo sis. Si Marcos nga ang nakita ko, siya ang muntikang makabangga sa sasakyan ni Jake kagabi.” Hindi ako makapaniwalang ito ang lumabas sa bunganga sa ni Melyn. Kaninang madaling araw ay wala si Marcos sa tabi ko. Ayokong mag-isip ng masama. Ayokong magalit kay Marcos alam kong hindi niya kayang maglihim sa akin. Alam kong sasabihin niya sakin ito mamaya or sa susunod mag-aantay nalang ako. Napatigil ako sa kakaisip ng kinalabit ako ni Melyn at sinabi niya na tumingin sa pinto. Akala ko si Marcos. Hindi pala si Clay na may dalang red box. “Goodmorning.” Bati niya sakin. Nginitian ko siya at lumapit siya sakin. Iniabot niya ang pulang kahon. “For you princess.” Medyo nabawasan ang tampo na nararamdaman ko kay Marcos at napalitan ng pagtataka kung ano ang laman ng pulang kapon.

