Eight

3103 Words
"Hindi ka pa uuwi?" nilingon ko si Denise at umiling. May kailangan pa kasi akong tapusing paper kaya hindi ako pwedeng umuwi. Medyo late na pero kailangan ko talagang tapusin ito. Bukas ko na kasi ito ipapasa. "Late na, oh? Hindi ba pwedeng sa bahay niyo nalang mo gawin iyan?" muli akong umiling kasabay ng paghikab ko dahil sa pagod at antok. "Hindi pwede. Nandito kasi lahat ng reference ka kailangan ko. Magpapasundo nalang siguro ako kay Daddy kung late na talaga. Mauna ka na baka magalit pa ang Stepmom mo," kinamot ni Denise ang batok niya at muling umupo. "Hintayin nalang kita. Mas nagaalala ako sa'yo, eh. Alam mo namang delikado na sa labas kapag nagpagabi ka pa lalo!" ngumiti ako dahil sa concern niya. Denise is the sister I never had. Pakiramdam ko talaga ay magkapatid kami pero magkaiba lang ang magulang. "Mauna ka na. Baka hindi ka na naman palabasin ni Tita kapag nalate ka pa ng uwi. Magpapasundo talaga ako kay Dad tsaka mabilis nalang naman ito. Ilang pages nalang ang tatapusin ko. Sige na," pagpipilit ko. Mukhang ayaw niya talaga akong iwanan pero pinilit ko siya. Istrikto kasi ang stepmom niya. Ayaw nitong nalelate ng uwi si Den o kahit lumalabas ng hindi patungkol sa pagaaral. Nang minsang nalate ng uwi si Den ay halos isang linggo itong hindi pinapasok. Natanggal pa mga ang scholarship niya dahil don. "Mauuna na ako pero magtetext ka sa akin! Keep me updated!" tumango ako para maniwala na talaga siya. Ilang minuto niya pa akong tinitigan bago tumayo at humalik sa aking pisngi. "Itext mo ako!" paninigurado niya pa. Natatawang tumango ako, "Oo nga! Ang kulit mo. Kapag hindi ka pa umalis paniguradong gagabihin ako. Mauna ka na at mag-ingat ka!" "You're too noisy! This is library, Miss!" nanlaki ang mga mata ko at maging si Denise ng bigla kamingand sitahin ng kabilang table namin. "Una ka na kasi. Mapapagalitan pa tayo!" bulong ko kay Denise at tuluyan na nga talagang umalis. Huminga ako ng malalim at nilingon ang kabilang table kung saan nanggaling ang paninita sa amin. Tumaas ang kilay ko ng makitang ang lalaking nanita sa amin ay nakadukdok at nakapikit ang mga mata. Tignan mo ito, kung makapagsabi ng bawal ang maingay akala mo ay isang magaaral na nabubulabog namin, iyon pala ay natutulog lang! Bawal kaya ang matulog sa library! Akala nito! Tsk! Imbes na magpaapekto ay pinabayaan ko nalang. May mga tao talagang napakagaling manita pero ang sarili nila hindi nila magawang sitahin. 'Di bale, mas madali naman talagang makita ang pagkakamali ng iba kaysa sa sariling pagkakamali. Tahimik kong itinuloy ang ginagawa ko. Akala ko ay minuto nalang at matatapos na ako pero nagkamali ako. Halos alas otso na pero hindi parin ako tapos. Nangangalay na ang mga daliri ko sa kaka-type. Maging ang leeg ko ay nananakit na rin dahil sa kakayuko. Marahan kong hinilot ang batok ko at pumikit. Antok na antok na rin talaga ako. "You're the laziest person I know, Montefalco! Iba ka talaga!" agad kong minulat ang mga mata ko ng makarinig ng ingay. "Pagod kami tapos ikaw tulog tulog lang? H'wag kang madayang Montefalco ka!" sabi ng isang lalaki sa lalaking natutulog sa tabi ng table ko, ang lalaki ding sumita sa ingay namin kanina. Mas maingay pa nga sila! Hindi na ako nagkumento pa. Hinayaan ko silang magingay kahit na sobra silang nakakaabala sa akin. Ilang minuto pa ang nilaan ko doon hanggang sa matapos na ako. Inayos ko ang mga gamit ko. Kinamot ko ang batok ko ng hindi malaman kung paano bubuhatin ang mga gamit ko. Kanina kasi ay tinulungan lang ako ni Denise magbuhat. Kung pwede lang sanang iwanan ang mga ito sa locker ay ginawa ko na kaso kasi kailangan ko pa itong pagaralan. Lumingon ako sa harapan ko ng mapansin na may nakatayo doon. Kumunot ang noo ko ng makitang isa iyon sa mga lalaking kasama ng masungit na sumita sa amin kanina. "Need help?" tanong nito. Umiling ako at nilagay na sa likuran ko ang backpack ko. Kinuha ko ang limang libro bago binuhat ang bag ng laptop ko. Hirap man ay mas pinili ko nalang iyon kaysa humingi ng tulong sa mga lalaking iyon. Wala akong tiwala sa kanila kahit pa sabihing may mga itsura sila. Sa panahon ngayon, hindi na mukha ang basehan kung inosente o hindi ang isang tao. Minsan kasi kung sino pa ang inaakala mong gagawa ng masama ay siya pa ang mabuti. Mahirap magtiwala. Ilang metro palang ang layo ko sa library ng bigla akong mapagod. Inilapag ko ang laptop sa sahig bago kinuha ang phone ko sa bulsa at tumawag kay Daddy na sakto namang pauwi na galing sa opisina na hindi na kalayuan dito sa university. Naghikab akong muli. Antok na antok at pagod na pagod na talaga ako. Gusto ko ng humiga at ibalot ang sarili sa comforter. 'Di bale at malapit na si Daddy. Nagpapasalamat ako na hindi na kasing bigat ng araw na iyon ang mga sumunod kong araw. May mga araw pa nga na pagkatapos ng klase ay umuuwi na akoand which is unsual para sa kagaya kong puro major subjects ang kinukuha ngayong term. "Saan ka?" tanong Denise ng maihatid ko siya Room niya. Hindi kasi kami magkaparehas ng kurso kaya hindi kami magkaklase. Swerte lang talaga na parehas kami break time, vacant periods at uwian kaya nagsasabay kami. NgayonI naman ayand nagkataon na wala ang professor namin sa Physics kaya wala akong pasok. "Sa library. Ibabalik ko lang 'tong mga hiniram kong libro. Due na nito bukas, eh." tumango siya at nagpaalam na papasok na. Ako naman ayand dumiretso na sa library. Ipinakita ko iyon sa librarian. Binalik niya sa akinand ang library card ko at inutusan na ibalik ang mga ginamit kong libro sa bookshelves na kinuhanan ko. Nasa pinakadulong pasilyo na ako ng library ng bigla nalang akong mapatid at sumalampak sa sahig. Nagkalat angis dala dala kong libro. Mabuti nalang at naitukod ko ang mga kamay ko kung hindi ay nahalikan ko na ang sahig. Sumimangot ako ng maramdaman ang hapdi ng tuhod ko. Umupo ako ng maayos at doon nakita ko ang magkabilang tuhod ko na may gasgas. Ang isa ay dumudugo habang ang isa ay hindi. Nagsisisi na ako na nag-dress ako ngayong araw. "I'm sorry," doon ko lang napansin na may tao palang nakaupo sa dinaanan ko. Naka-stretch ang paa niya sa sahig na siya sigurong ikinapatid ko. Hindi ko alam kasi hindi naman ako tumitingin sa dinaanan ko kanina. Imbes na sagutin siya ay naningkit ang mga mata ko makaramdam ng muling paghapdi. Gusto kong iyupi ang mga paa ko pero dahil nasa harapan koand siya ay di ko magawa dahil paniguradong masisilipan niya ako. Napansin kong lumapit siya sa akin. Hindi ko siya matignan dahil pakiramdam ko ayand muling hahapdi ang sugat ko. "You want me to take you to the clinic or hospital?" tanong niya. Nang hindi ako sumagot ay bigla niya akong binuhatniya ako, bridal. Agad akong kumapit sa kaniya sa takot na malaglag. Hindi naman ako makatili dahil gusto ko ng umiyak ng pakiramdam ko ay mapupunit ang balat sa tuhod ko sa ginawa niyang pagbuhat sa akin. Sobrang hapdi! "Sorry! Masakit ba? I'm really sorry. Hindi ko alam na may dadaan doon. Nagulat nalang ako ng may sumalya sa paa ko," Pinagtitinginan kami ng mga estudyante sa library ng dumaan kami buhat niya ako. Wala naman akong pakialam sa kanila dahil mas may pakialam ako sa hapdi ng sugat ko. "Okay lang. Bilisan mo lang kasi masakit," tumango siya. Pagkarating namin sa clinic ay agad na ginamot ang sugat ko. Naibsan naman ang sakit pero sa tuwing gagalaw ako ay humahapdi parin talaga. "Wala bang way para matanggal iyong pain?" tanong ng lalaking kasama ko. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon na tignan siya. Malalim ang mga mata niya. Makapal ang mga kilay niya. Para siyang may foreign blood kung tititigan mo. Yes, he's undeniably handsome. Kumunot ang noo ko. Parang nakita ko na siya? "May mga painkillers kami. Take this one," sabi ng nurse bago ako binigyan ng tubig. Agad ko iyong ininom. "Take a rest," abiso nito bago kami iniwan. Muli akong tumingin sa lalaki, "Thank you" sambit ko. Hindi ko naman kasi siya masisisi sa nangyari. Hindi ko naman kasi talaga tinitignan ang mga dinadaanan ko. Parehas lang kaming may kasalanan. "It's nothing. Kasalanan ko naman," nakangiting sabi nito. Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya, "Amber Mikael Lopez," pakilala ko. Inabot niya ang kamay ko. "By—" "Nandito ka lang pala Montefalco! Kanina ka pa hinahanap ni Coach!" sigaw ng lalaking basta nalang nilislis ang kurtina. "Patingin!" sabi ng isa pang boses. Ito ang mga lalaking maingay sa library noon. Montefalco? Siya iyong masungit na sumita sa amin? 'Yong natutulog sa library? "Inaantok pa ako. Mamaya nal—" "Hindi pwede. Mamaya na iyan! Halika na!" sabi ng dalawa at basta nalang hinigit ang lalaking tinawag nilang Montefalco. Lumingon ito sa akin at tipid na ngumiti bago nagpahila sa mga kaibigan niya. At least I know he's Montefalco? "Amber!" kumurap ako bago lumingon sa harapan ko. "Ah?" tanong ko. Tinuro niya sa akin ang plato ko. Halos kumalat na ang laman nitong kanin at ulam. Hindi ko maalalang ginalaw ko ito. "Ano bang nangyayari sa'yo? Simula nong bumalik ka galing sa bakasyon parati ka ng tulala! May sakit ka ba?" umiling ako. Wala akong maisagot sa kaniya. Sana kung sakit lang ito. Mas kakayanin ko atang magkasakit kaysa ang namngyari sa akin ang mga nangyari. Ilang araw na akong nakabalik pero pakiramdam ko ay nasa Mansiyon parin ako. Bryan and that guy keeps on coming here. Hindi ko alam kung paano ko naman tatanggapin ang isang taong hindi ko naman alam kung siya nga ang taong minahal ko? Gulong gulo ang isip ko dahil sa mga katanungan pero hindi ako handang magtanong at mas lalong hindi ako handa sa sagot. Hindi ko na alam kung ano pa ang mararamdaman ko. Hindi ko nga alam kung magkasabwat ba sila sa larong ito. Ako naman itong si tanga na napakadali nilang napag-laruan. Kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, hindi na maibabalik ang dati. Marami na ang nagbago. Alam ko at ramdam na ramdam ko ang pagbabagong iyon. "Aakyat lang ako," sambit ko bago tumayo at umakyat. Ito na ang naging routine ko simula ng umuwi ako. Ni hindi pa nga ako lumalabas simula noon. Gustuhin ko man, wala akong lakas ng loob. Pakiramdam ko ay wala na akong tiwala sa mga taong nasa harapan ko. Umupo ako sa mismong gitna ng kama ko at tumingin sa kawalan. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nasa ganung pwesto hanggang sa makarinig ako ng kalabog at pagbukas ng pinto. Tumingin ako sa pinto ko. Halos manlamig ang buong pagkatao ko ng makitang nakatayo doon si Bryan... o si Byron? Hindi ko alam kung sino. Agad siyang lumapit sa akin. Kusang gumalaw ang katawan ko palayo sa kaniya. "Amber," nanginginig ang katawan ko sa takot. Kitang kita ko ang dumaang sakit sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. "Who are you?" tanong ko gamit ang nanginginig kong mga boses. Tumiim ang mga bagang kasabay ng pagtayo niya sa kama ko. Ginulo niya ang buhok niya sa inis. "Anong ginawa niya sa'yo? Anong ginawa ni Byron?!" gali na galit ang mga mata niya. Tumitig ako sa kaniya kahit sobrang sakit mg nararamdaman ko. Doon ko narealize kung gaano nga ako katanga. Ang dami nilang pagkakaiba. Nangilid ang mga luha ko pero pinigil ko ang mga ito, "Tell me the truth Bry. Ikaw ba si Ronron?" Nagulat siya sa ginawa kong pagtanong. Lumapit siyang muli pero sumiksik ako sa pinakadulong parte ng aking kama. Bumuntong hininga siya at hindi na ako nilapitan pa. "Amber..." umiling ako. "Ikaw ba! Sagutin mo! Ikaw ba si Ronron, Bryan! Please naman huwag niyo na akong paglaruan!" sigaw ko sa kaniya kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Yumuko siya at ilang beses na huminga ng malalim. "I wasn't Ronron, Amber. Hindi ako iyong batang iyon. Hindi ako iyong lalaking nakilala mo sa Library. Hindi ako ang Montefalco na kasama mo noong foundation day. Hindi rin ako ang ka-date mo noong Student week. Hindi ako iyong sinagot mo noong graduation day," tinitigan ko siya, umaasa na wala iyong katotohanan pero hindi man lang siya umiwas ng tingin. Kaya pala. Kaya pala ganun nalang siya kung makaiwas sa mga kwento ko. Kaya pala nagagalit siya. Kaya pala. "I didn't pretend to be him. I am me when I'm with you. I just used his—" hindi ko napigilan ang sarili ko at sinampal ko siya. "Kaya pala tuwing nagkukwento ako ay wala kang alam! Nakalimutan mo dahil sa gamot?!" patuloy na tumutulo ang luha ko. All this time niloloko lang nila ako. Paulit ulit siyang humingi ng tawad sa akin pero pakiramdam ko ay namanhid ako sa sobrang sakit ng paglalaro nilang magkapatid sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako?! Sa lahat ng tao sa mundo bakit ako pa?! "I love you, Amber, please... Listen to me!" umiling ako, "Get out! Simula ngayon ayaw ko ng nakita ang kahit na sino sa inyong magkapatid—" "No! Please. Please listen to me—" "Umalis ka na! Umalis na kayo! Please lang! Parang awa mo na! Tama na! Ayoko na!" Pagkalabas na pagkalabas ni Bryan ay siyang pagpasok ni Denise at Desteen sa kwarto ko. Humagulgol akong muli at sa pagkakataong ito ay hindi ko na iyon itinago sa kanila. Ngayon, mas naiintindihan ko na ang lahat. Kaya pala ganun ang reaksiyon ni Bryan kapag nagkukwento ako. Niloko nila akong dalawa, pinaglaruan. "Amber..." sambit ni Denise habang pilit akong pinapakalma. Maging si Desteen ay hindi na alam ang gagawin sa akin dahil sa sobra kong pag-iyak. Namamanhid na ang mga mata ko, maging ang pisngi ko dahil sa kakaiyak at kakapunas ko pero hindi parin ako tumatahan. Sa loob ng ilang taon, nagawa akong paglaruan ni Bryan. Sa loob ng ilang linggo, nagawa akong paglaruan ni Byron. Sa lahat ng babae, bakit ako pa? "Ano ba kasing nangyari, Amber? Bakit ka ba nagkakaganyan? Naghiwalay na ba kayo ni Bryan? Ano bang nangyayari?" nagaalalang tanong ni Denise. Kinagat ko angang labi ko at nilingon siya. Pinunasan ko ang luha ko, "Ang tanong ay kung anong totoo sa lahat ng mali. Kung ano ang totoo sa lahat ng kasinungalingan..." Natagpuan ko na lamang ang sarili kong kinukwento ang lahat ng nangyari sa amin. Lahat ng nalaman ko. Wala akong itinago kahit ang nangyari sa pagitan namin ni Byron na dapat hindi ko ipagsabi ay sinabi ko. Hindi nila ako hinusgahan, bagkus, nakinig sila at dinamayan ako sa aking problema. Nakaramdam ako ng ginhawa pero nanatili ang sakit sa akin. Pagkatapos ng paguusap namin ay nakatulog ako. Nagising na lamang ako ng makarinig ng ingay mula sa labas. Bumangon ako at dali daling tumingin sa bintana. Kumunot ang noo ko ng makitang may kumpulan ng tao sa mismong harapan ng gate namin. Tinignan ko iyong mabuti. Nanlalaki ang mga mata ko ng makita si Denise na sinisigawan ang isang... wtf! Anong ginagawa ng lalaking iyan dito? Kusang gumalaw ang mga paa ko pababa. Nang makalabas ako sa pintuan ng apartment ay siya namang pagpasok ng dalawa kong kaibigan sa aming gate. Namutla pa sila ng makita ako. "Gising ka na pala! Gutom ka na ba?" tanong ni Denise at akmang lalapit sa akin ng biglang bumukas ang gate. Sabay sabay kaming lumingon doon. Doon, nakatayo si Byron na blangko ang mukha. I know it was him. I can see the difference now. Pumasok siya at lumingon sa paligid. There is something in him that really makes me uneasy. That's the difference between him and Bryan, napapalambot niya ang tuhod ko at napapakabog niya ang dibdib ko ng walang kahirap hirap. "Sinabi ko na na hindi ka welcome dito, e!" bungad ni Denise ngunit hindi 'yon pinansin ni Byron. Nakatitig lang siya sa akin kasabay ng paglabas ng mga emosyon sa mukha niya na hindi ko maintindihan. Pinatatag ko ang sarili at nilingon ko siya ng taas ang aking noo. I'm hurt, but that doesn't mean I'm weak. "Babe," sambit niya. Kinunutan ko siya ng noo. Kung makatawag siya sa akin non, akala mo siya ang naging boyfriend ko... pero sino ba talaga sa kanila ang naging boyfriend ko? "Anong ginagawa mo rito? Umuwi ka na. You're not welcome here," malamig kong tugon. Tumaas ang kilay ko ng bigla siyang humakbang palapit sa akin. "Unuwi na tayo..." Nanubig ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha. Hindi ko alam kung bakit bigla kong gustong umiyak pero hindi pwede! Ayaw kong umiyak sa harapan niya! "Let's talk, baby, please... umuwi ka na sa akin. " nanlalaki ang mga mata ko ng bigla niya akong niyakap. Isinubsob niya ang mukha niya sa aking leeg na nagdulot ng maliliit na bultahe ng kuryente. Ilang beses niyang inulit ang salitang sinambit niya hanggang sa bumalik ako sa huwisyo. Pilit kong tinanggal ang kaniyang kamay sa akin. Hindi naman ako nabigo dahil hinayaan niya akong tanggalin iyon. "Please—" "Para 'yan sa pagyakap mo, wala kang karapatan!" gigil kong turan matapos ko siyang sampalin. Gusto kong maawa sa kaniya ng makitang nagmarka ang palad ko sa kaniyang pisngi pero wala iyan sa sakit na nararamdaman ko dahil sa panloloko nilang magkapatid. "You can hurt me, kick me... whatever you want, babe. Tatanggapin ko lahat because that's the consequences of my actions but I'm not going to apologize. What we had in our mansion is the best thing that ever happened to me. Kung mauulit man 'yon, pipiliin ko ring paulit ulit ang makasama ka—" hindi niya natapos ang sasabihin pa niya dahil sinampal ko siyang muli. "I love you, Amber Mikael. Sa akin ka din uuwi..." Hindi ko nakuntento sa isa. Paulit ulit ko iyong ginawa hanggang sa bumagsak muli ang mga luha ko. Ano, paulit ulit niya akong lolokohin, ganun ba? Kung makahingi hingi siya ng pagkakataon na magusap kami, napakagaling niya! Akala ko pa naman hihingi siya ng tawad pero hindi pala! "Tama na, Amber. Halika na sa loob," awat sa akin ni Desteen ng magsimula kong bayuhin ang dibdib ni Byron ng suntok. Maramdaman man lang niya ang ginawa nilang magkapatid sa akin! "I love you—" "Sinungaling! Kung mahal mo ako hindi mo ako lolokohin! Ano pa bang kailangan mo! Nasaktan mo na ako! Kinuha mo na nga lahat sa akin tapos nandito ka pa—" "Baby, you are all that I need..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD