Seven

2671 Words
Something is not right. Pakiramdam ko ay may mali na talaga. Pinipili kong hindi pansinin ang ibang bagay dahil maaari iyong baguhin pero ang nangyari kanina... imposible. Nilingon ko ang katabi ko ng marinig ko siyang umungol. May sakit na siya at lahat, nakakapit parin siya sa akin na para bang tatakasan ko siya. Isa pa iyang takot niya. Wala naman siyang dapat ikatakot dahil wala siyang ginawang kasalanan na dapat kong ikalayas pero bakit takot na takot parin siya? Ibig bang sabihin nito... Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Sa mga nalalaman at nakikita ko ay mas lumalakas ang hinala ko pero natatakot ako. Natatakot akong tama ang hinala ko dahil naibigay ko na lahat. Ibinigay ko ng kusa... Hindi pwede... Bumuntong hininga ako at pumikit ng mariin. Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hininga sa mga iniisip ko. Unti unti kong kinalas ang kamay siya sa baywang ko. Kumunot ang kaniyang noo pero hindi naman siya nagising. Sumunod kong tinanggal ang paa niyang nakadantay sa hita ko bago umupo at unti unti na namang tumayo. Itinaas ko ang comforter hanggang sa leeg niya at sinalat ang noo niya. Mainit parin siya. Nagdududa man ako ay hindi ko maiwasang hindi magalala sa kaniya at sa kalagayan niya. Pinasadahan ko ang buhok niya bago tumayo at kumuha ng roba na siyang ibinalot ko sa aking katawan. Lumabas ako ng aming silid. Sumalubong sa akin ang katahimikan ng gabi. Tulog na siguro ang mga maids niya. Kusang humakbang ang mga paa ko pababa ng hagdan. Dumiretso ako kusina upang doon sana makapagisip ng makitang may dalawang maid doon. Huli na para tumalikod dahil agad nila akong napansin, "Magandang gabi po, Miss," bati nilang dalawa. Pilit akong ngumiti at umupo sa harapan nilang dalawa. Ang isa ay bata bata pa habang ang isa naman ay medyo may edad na. I wonder kung matagal na ba sila dito? "May kailangan po ba kayo, Miss? Ipaghahanda po namin kayo," sambit ng isa. "Kape nalang. Salamat," tumango siya at agad na kinuha ang kailangan ko. Nahihiyang tumayo naman ang isa ngunit pinigilan ko. Bigla ay ayaw kong mapagisa. Ayaw kong bumalik sa isipan ko ang mga iniisip ko kanina. Natatakot ako. "Samahan niyo muna ako hanggang maubos ko ito. Kumuha nalang rin kayo ng makakain niyo kung gusto niyo," sabi ko pero umiling sila at sinabing sapat na ang mug ng kapeng iniinom. Tahimik lang kaming tatlo. Hanggang sa basagin nila ang katahimikan sa pagitan naming tatlo. "Gaano na po kayo katagal ni Sir By—Bryan," tanong ng mas bata sa akin. Napansin ko ang pagsiko ng mas nakatatanda sa kaniya. Hindi ko alam kung para saan iyon. "Hindi po ba pwede magtanong? Pasensiya—" "It's okay. We know each other since we were young tapos nagkahiwalay kami but we were together since my college days, tatlong taon na rin" sagot ko. Kumunot ang kaniyang noo sa sagot ko. "Po? Hindi po ba at ngayon lang kayo nagkita ulit—" "Ang tagal na po pala! Tapos po 'di ba magkakilala na kayo simula noong elementary? Magkaklase daw po kayo noon sa isang taon bago sila umalis?" sabi naman ng mas matanda sa akin, pinutol niya ang sinasabi ng kasamahan niya. Hindi nakaligtas sa akin ang masamang tinging pinukol ng mas matanda sa mas bata. Lalo tuloy akong naghihinala. Pilit kong tinatago ang gulat ko sa sinabi niya. Paanong alam nila iyon? Akala ko ba ay nakalimutan na iyon ni Bryan? Ano 'yon, lumabas na naman sa labi niya? Isang taon lang naman kaming magkaklase noong elementary. Grade three kami parehas noon. Hindi ko naaalala ang pangalan niya noon maliban sa tinatawag ko sa kaniyang Ronron. Kung hindi ko nga nakita ang isang larawan sa bahay nila noon na naka-school uniform ay hindi ko malalaman na siya pala ang batang inaaway ko noon. "Yes—" "Ang galing galing talaga ng destiny. Akalain niyo po na nagkita kayo pagkatapos ng ilang taon. Sana po talaga dito nalang kayo parati. Ang saya saya po kasi ni Sir kapag nandito kayo!" kinikilig niyang tugon. "Mahal na mahal ka po kasi ni Sir, Miss Amber." sabat din ng isa. Tumango ako, "Kilalang kilala niyo talaga si Bryan, no?" sabi ko. Umiwas sila ng tingin sa akin. Ito na naman ang pakiramdam ko na may tinatago talaga sila sa akin. "O-Opo. Matagal na rin po kami rito. Simula po ng ipatayo niya ito nandito na po kami," humigop ako sa aking kape. "Noong una po ay sa Tarlac pero pinalipat po kami rito para bantayan ito. Sabi niya po kasi para sa inyo ito..." "At simula po non, kayo lang naman ang bukambibig ni Sir. Hindi po siya tumingin sa iba kahit na bigla pong pumasok ang kamb—" "Nahihilo ako Hilda! Tara na at matulog!" "Saglit lang. Anong biglang pumasok? Sino? Hindi kita maintindihan—" "Hilong hilo na po talaga ako! Ang sakit!" sabat na naman ng mas nakatatanda. Aligagang inalalayan ito ng tinawag na hilda ng bigla itong bumagsak. Maging ako ay napatulong na din dahil mukhang hindi ito kaya ni Hilda. "Ako na po rito, Miss. Salamat po!" gusto ko pa sanang tanungin si Hilda pero hindi ko na nagawa pa dahil inasikaso na nito ang kasamahan. Pakiramdam ko ay lalong gumulo ang isipan ko sa kanila. Kung alam naman pala ni Bryan ang lahat bakit kapag binabanggit ko iyon sa kaniya ay naiinis siya noon? Mas lumakas ang pakiramdam ko na may mali nga. Wala akong nagawa kung hindi pumanhik nalang sa itaas. Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan si Bryan. Ang gulo gulo na. Sobra. Unti unti akong humiga at pumihit patalikod sa kaniya. Ilang segundo palang akong nakahiga at naramdaman ko ang paggalaw ng bed at ang mainit na yumakap sa akin. Naguguluhan na ako at lahat pero ramdam na ramdam ko parin ang mabilis na t***k ng puso ko sa simpleng galaw niya, maging ang pagtayo ng mga balahibo ko sa simpleng pagtama ng hininga niya sa aking batok. Pinikit ko ang mga mata ko upang kalmahin ang sarili ko nang makarinig ako ng isang tunog. Akala ko ay mawawala rin iyon agad ngunit ng sunod sunod na ang pag-ring nito at umungol na si Bryan ay agad kong tinanggal ang yakap niya. Umupo ako at lumingon lingon hanggang sa matagpuan ng mga mata ko ang cellphone niya sa bedside table. Umiilaw iyon at walang tigil sa pagtunog. Inabot ko iyon at akmang papatayin dahil sa ingay ngunit halos manlamig ang buong katawan ko ng mabasa ko kung sino ang tumatawag. Kumurap ako ng ilang beses dahil akala ko ay niloloko lang ako ng mga mata ko pero hindi. Klarong klaro. Hindi ako binibiro lang ng mga mata ko. Namatay ang tawag dahil sa tagal kong nakatitig doon pero ilang segundo lang ay tumunog itong muli. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Bryan Anthon Calling... Nilingon ko ang katabi ko bago nanginginig ang mga kamay na sinagot ang tawag niya. Sino ito? "F*ck you, Atlas! Where's my girl?! Where the f*ck are you! D*mn you! Akala ko ba pababayaan mo na siya sa akin?! We made a deal?! I love her and she loves me. Ako, Byron so f*cking give her back. Huwag kang lumaban ng patago! Where are you?!" kumurap kurap ako ng marinig sa kabilang linya ang boses ng boyfriend ko. Wala sa loob na nilingon ko ang katabi kong patuloy parin sa pagtulog. Gulong gulo ako. Nabitawan ko ang cellphone dahil sa sobrang panginginig ng kamay ko. "Alam kong naririnig mo ako! Where the f*ck are you!" Agad kong kinuha ang cellphone dahil sa paggalaw ng lalaking nakahiga sa kama. "B-Bry-yan?" utal utal kong sambit. "Amber? Is that you? Where are you? Saan ka niya dinala?!" muli kong nalaglag ang callphone mula sa pagkakahawak ko. Ang kotse. Ang pabango. Ang katawan niya. Ang takot niya. Ang ilang beses na pagkakamali ng mga maids niya sa pagtawag sa kaniyang Byron And then... the picture. Bakit ang tanga tanga ko? "Baby?" pumikit ako ng marinig ang pagtawag ng lalaking nasa tabi ko. Ilang beses akong umiling. Hindi pwede ito. "Amber!" rinig kong sambit ng nasa kabilang linya. Pabalik balik ang tingin ko sa cellphone at sa lalaki habang tuloy tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. "Hey! Why are you crying? May masakit ba sa'yo?" sabi nito ng makitang umiiyak ako. Bumangon siya at sinapo ang mukha ko. Pilit akong umiwas pero hindi niya ako hinayaan. Ramdam ko ang init ng balat niya tuwing dumidikit ang mga daliri niya sa akin pero para akong nawalan ng pakialam. Ganun ba talaga ako katanga? Pinunasan niya ang luha ko. Mas lalo akong lumayo sa kaniya na siyang ikinakunot ng noo niya. "Babe..." "Tell me that this is just a joke. Sabihin mong ikaw... ikaw si Bryan... sabihin mo," mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Naestatwa siya sa kinauupuan siya at parang hindi alam ang susunod na gagawin. Nakatitig siya sa akin at ganun lang din ako sa kaniya. Kahit alam ko na umaasa parin ako na mali iyon. Hindi ko alam kung bakit kahit wala na, pinipili ko paring umasa. "Who are you?" tanong ko ng hindi siya sumagot at umiling lang sa akin. Sinubukan niyang punasan ang mukha kong patuloy parin sa pagiyak pero iniwas ko ang mukha ko. "Baby—" "Who are you?! Sino ka nga?! Mahirap bang sagutin ang tanong ko?!" sigaw ko. Nagulat siya sa pagsigaw ko pero hindi niya iyon pinatulan. Nagsusumamo ang mga mata niyang nakatingin sa akin. "I can explain... It's not what you think, Babe—" "Who the f*ck are you?!" Pinilip niyang lumapit sa akin ngunit hindi niya magawa dahil sa pagpipiglas ko. Marahas niyang ginulo ang buhok at pumikit ng mariin. "Byron... I am Byron Atlas... Montefalco. I am Bryan's twin" pabulong niyang tugon na para bang ayaw niyang marinig ko. Kinagat ko ang labi ko at tumango tango. Gulong gulo parin ang isipan ko pero alam ko na na hindi siya si Bryan. Alam ko na ang sagot. Hindi ko alam kung bakit umasa pa ako ulit pero ngayon alam ko na. Ang tanga tanga ko talaga. Napakadali niya akong napaikot. Tumayo ako at naglakad palabas. Bakit? Bakit ako? Anong motibo niya? Napakaraming tanong ang biglang pumasok sa isipan ko pero gusto ko munang makaalis dito. "Sh*t! Amber!" sigaw niya pero dire-diretso ako sa paglabas. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ayoko dito. Ayaw ko sa kaniya! He's a liar! Manloloko siya! Ako naman itong si tanga at napakadali niyang naloko. Bakit ba ako? Bakit ba laging ako? Nakita ko naman, naramdaman ko ang mga pagbabago pero pilit kong inignora kasi nga mahal ko pero ngayon gulong gulo na ako. Hindi ko na alam. Wala na akong maintindihan. "Don't touch me!" sigaw ko ng maramdaman kong may yumakap sa akin pero hindi siya nagpatinag. Pilit akong kumakawala sa yakap niya pero hindi ko magawa dahil mas malakas siya kahit pa sabihing may sakit siya. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko o kung ano gagawin ko. Ang alam ko lang ay galit na galit ako. Galit ako sa kaniya dahil sa ginawa niyang panloloko sa akin. "Listen to me... Please—" "No! Ayoko sa'yo! Bitawan mo ako!" tili ko parin. Binayo ko ng suntok ang dibdib niya. Lahat ng galit ko inilagay ko doon. "Ang sama sama mo! Ang sama sama mo! Ang sama mo! Bakit ako? May nagawa ba ako sa'yo? Napakasama mo..." Paulit ulit ko iyong sinabi hanggang sa tuluyan na akong manghina at mapaupo sa sahig. Itinakip ko ang dalawang kamay ko sa aking mukha at humagulgol nalang. Naiintindihan ko na kung bakit ibang iba ang trato niya sa akin... dahil hindi siya ang boyfriend ko. Hindi siya si Bryan. Hindi. Hindi siya pero siya ang nakakuha ng lahat sa akin. Ang tanga tanga ko! "Amber, please. Listen to me, baby. I didn't mean to do that. Hindi ko sinasadya, please..." hindi ko pinansin ang bawat salitang lumalabas sa kaniya. Wala na iyong kwenta. Hindi maibabalik ng salita ang mga nangyaring panloloko. Hindi kailanman maibabalik ng mga salita niya ang p********e ko. Iyon ang pinakamasakit sa lahat. That I can never be whole again because he took the most precious thing to me. Isang bagay na hindi maibabalik. "Don't touch me! Don't touch me!" pilit akong lumayo sa kaniya ng maramdaman kong may humawak sa hita ko. "Hindi mo sinasadya? Ano iyon sa loob ng ilang araw lahat ng ginawa mo hindi mo sinadya? Hindi?! Huwag mo kong gawing tanga!" "Napakasama mo!" pinigilan niya ang mga paa kong sumisipa sa kaniya. Gustong gusto kong maramdaman niya lahat ng sakit na nararamdaman ko. Hindi man emotional pero at least masaktan ko siya physically. Nang hindi ako makuntento ay pati ang mga gamit na dumaan sa kamay ko ay ibinato ko sa kaniya. "Calm down, baby, please!" paulit ulit niyang sambit. "Hindi mo ako baby! Hindi! Ayoko sa'yo! Ang sama sama mo! Bakit mo ginawa iyon! Ang sama mo. Bakit ako? May nagawa ba ako sa'yo?" "At sino ang mabait? Si Bryan? Oo, Amber, niloko kita. I used his name to be with you! I used his name just to be with you because I f*cking love you! Masama na kung masama pero iyon na, eh. Iyon na 'yong chance ko para makasama ka ulit at kahit na ulit ulitin 'yong nangyari, hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon," sambit niya. "Ang sama mo!" nanlalaki ang mga matang sabi ko sa kaniya, gulat sa mga salitang sinabi niya. "Pangalan lang ang ginamit ko, Amber! Makinig ka naman—" "Wala kang karapatang utusan ako. Hindi kita kaano ano at mas lalong hindi kita kilala. You're a complete stranger to me. Huwag mo akong patawanin sa mga sinasabi mo dahil hindi ako maniniwala!" pinunasan ko ang pisngi ko at tumayo. Lalagpasan ko lang sana siya pero nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko. Kagat kagat niya ang labi niya na parang may iniindang sakit pero wala akong pakialam. Namumula ang mga mata niya hanggang sa tumulo ang luha sa mga mata niya. "I only wanted you. I never wanted anything in this life but you... Ikaw lang... please makinig ka sa akin." yumakap siya sa hita ko. Ang pagyakap niya ay nagdadala ng kakaibang epekto sa akin pero pilit kong iniignora lahat. "Ano ba! Hindi ka ba talaga titigil!?" galit kong sigaw pero umiling lang siya at nanatili doon. Sa sobrang higpit ng yakap niya ay halos hindi ko na maigalaw pa ang mga paa ko. "Tama na! Ano ba kasing gusto mo! Ano bang kailangan mo sa akin at ayaw mo akong pakawalan! Ano ba!" nagsimula na namang tumulo ang panibagong luha. "Maniwala ka hindi ko ginusto! I tried to tell you! God knows how much I want to tell you the truth pero kasi... kasi natatakot ako na mawala ka na naman. Katulad noon. Pagod na pagod na akong magbigay. Ako naman..." umiling ako dahil hindi ko siya maintindihan. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang mga sinasabi niya. "Let me go. Please... Please naman parang awa mo na!" sambit ko na muling ikinailing niya. Pagod na pagod na ako. "Ibibigay ko lahat. Name it... kahit na ano huwag mo lang akong iiwan. Please. Please, stay with me. Lahat ng meron ako ibibigay ko sa'yo kahit na ano, Baby, kahit na ano..." para akong naestatwa ng makita ko ang pagbagsak ng luha niya. Nakatingala siya sa akin at nananatiling nakaluhod sa harapan ko like he is begging for his life. "Just don't f*cking leave me... I'll do whatever you want. I'll give you anything you ask. I can be whatever you want me to be... d*mn it, please! Parang awa mo na!" "Ako naman Amber. Ako naman, please. Ikaw lang ang ginusto kong maging akin! Ikaw lang please..." Umiling ako, "I want you... to let me go. Gusto ko ng umuwi. Tapos na ang laro mo. I will never forgive you... never"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD