Ang dami ko pa pala talagang hindi alam sa kaniya. He knows how to maneuver a yacht. I didn't even know na may ganito pala siyang ka-luxurious na pagaari. Tinuruan niya nga rin ako kung paano!
Mukha ngang hirap na hirap siya sa pagtuturo sa akin pero hindi man lang nagreklamo hanggang sa sumuko nalang ako dahil hirap talaga ako. Kapag pinapanood ko siya ay parang napakadali lang pero kapag ako na ay hindi ko magawa.
Sa ilang taong relasyon namin, ilang beses na din niya akong dinala sa mga resort nila pero ni minsan hindi niya nabanggit na may yate siya. Hindi naman big deal iyon pero kasi pakiramdam ko ay alam na niyang lahat sa akin habang ako ay nakikilala palang siya kahit napakatagal na namin.
Sinuklay ko ang buhok ko at bumuntong hininga. Nakahinto ang yate niya. Hindi ko alam kung saang parte na ito dahil ang alam ko ay nasa gitna kami ng dagat. Sabi niya kasi bukas na kami umuwi.
May sariling kwarto, bathroom, living room at kitchen ang yate niya at katulad ng Mansion ay napakaelegante rin ng yateng ito.
Lumabas ako ng kwarto pagkaraan at hinanap ng mga mata ko si Bryan. Nang hindi siya makita ng mga mata ko ay umakyat ako sa view deck. Madilim na ang buong paligid at tanging ilaw nalang mula sa yate niya ang nagiging ilaw namin.
Doon ko siya nakita. Nakatalikod siya sa direksiyon ko. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa railings habang ang isa ay may hawak na baso na sa tingin ko ay alak ang nilalaman.
Agad na kumunot ang noo ko at sumimangot. Ayaw ko siyang umiinom. Ayaw ko siyang naninigarilyo. Ang mga iyon kasi ang dahilan kung bakit nagkasakit sa bato ang Daddy ko. Ayaw kong mangyari din iyon kay Bryan!
Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang baso na hawak hawak niya bago tinapon ang laman non sa dagat. Pagkatapos kong gawin iyon ay tsaka ko lang binalik ang baso niya.
"Sabi ko huwag ka na iinom 'di ba? Wala naman maibibigay sa'yo ang alak! Ang tigas tigas talaga ng ulo mo, Montefalco!" singhal ko sa kaniya.
Salita lang ako ng salita sa harapan niya tungkol sa sakit na kayang ibigay ng alak sa kaniya hanggang sa mapansin ko na titig na titig siya sa akin. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. Galit ako, eh!
"Go on, babe. Sermunan mo lang ako. It feels like someone really cared for me," hinampas ko siya sa sinabi niya. Ano tingin niya wala akong pakialam sa kaniya?
"Of course I care! Girlfriend mo po ako. I will be the first one to cry when something bad happens to you!" sabi ko pa.
Nagulat nalang ako ng hilain niya ako at isandal sa railings bago yumuko at siniksik ang mukha niya sa leeg ko. Nagsitindigan ang mga balahibo ko. Pilit akong kumakawala dahil sa kiliting nararamdaman ko kapag dumidikit ang labi niya sa leeg ko pero hindi ako makawala lalo na ng yumakap sa akin ang dalawang braso niya.
Dumagundong ang puso ko. Hindi ako makahinga ng maayos, pakiramdam ko pa ay dudugo na ang labi ko sa diin ng pagkakakakagat ko. D*mn, Montefalco.
"Bry—"
"It's babe, Amber Mikael!" giit niya, hindi pa man ako natatapos sa sasabihin ko. Hindi ko na rin naman ata kakailanganin na sabihin iyon dahil nilisan na niya ang leeg ko.
Pumikit siya at umiling iling. Pinanood ko siyang gawin iyon habang nasa bisig parin niya ako at nakatingala sa kaniya. Kusang umangat ang mga kamay ko. I traced his jaw line. Mula sa ilaw na nangagaling sa buwan, nakita ko kung gaano kadilim ang titig niya sa akin.
Parang nakukuryenteng lumayo siya sa daliri ko. Suminghap siya ng ibinagsak ko nalang ang braso ko sa balikat niya. I gently caressed his neck down to his shoulders. Ilang beses siyang suminghap habang ginagawa ko iyon. Nilingon niya ang kamay ko doon. Napansin ko ang malalim niyang paghinga kasabay ng malalim niyang tingin sa kamay ko papunta sa akin... o sa labi ko?
Pakiramdam ko ay papanawana ko ng ulirat sa lakas ng t***k ng aking puso.
Is he going to kiss me, now?
Pumikit ako ng tumama sa mukha ko ang mainit niyang hininga na agad ko ring iminulat. Titig na titig siya sa akin at ganun din ako sa kaniya, naghihintay sa mga susunod niyang gagawin. Hanggang sa hindi na ako nakapagpigil.
Tumingkayad ako at pilit na inaabot ang labi niya. Hindi niya naman ako tinanggihan dahil sinalubong niya ang halik ko. Simula ng magkita kami ulit, ito palang ang una naming halik.
Hindi ko alam kung na-miss ko lang ba siyang halikan o talagang iba ang paraan niya ng paghalik ngayon. His kisses were full of gentleness and love. Ramdam na ramdam ko ang pagiingat niya. Hindi ko alam kung para saan ba iyon. Hindi naman ako masasaktan o aayaw dahil aminado akong gusto kong mahalikan niya.
Nalukot ang mukha ko sa pagkabitin ng huminto siya. Pilit ko paring inaabot ang labi niya at kapag dumidikit iyon sa labi niya ay tinutugon niya rin ang halik ko.
"Enough... D*mn!" hirap na hirap niyang tugon.
Nakakalasing. I don't know what's in me. Pakiramdam ko ay may bagay akong gustong makuha pero hindi ko iyon makuha kuha. My body starts to heat up like a boiling water. Idiniin ko ang sarili ko sa kaniya. I've heard him mumble some foreign curses.
"Let's talk first... I'm going to tell you something..." hinawakan niya ang pisngi ko upang patigilin ako. Sumimangot ako. "Listen to me, Baby," sambit niya habang ako ay titig na titig sa mga labi niya. What's happening to me?
Pinaglandas ko ang kanang kamay ko sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib. Hinuli niya ang aking kamay upang pirmihin at makapag-usap. I bit my lower lip and tried to focus on him but I just can't.
"Amber?!" itinuloy ko parin ang ginagawa ko. Bumaba ang mga kabilang kamay ko sa dibdib niya. Pinigilan na naman iyon ng kabilang kamay niya kaya naman ngumuso ako at nilingon siya.
"What?!" tanong ko.
"Mag-uusao muna tayo, Amber!"
"Can't we just talk later?"
Tumingkayad akong muli.
"Little witch," that's the last thing I've heard before he crashed my lips with his.
Huminto ako sa paghalik sa kaniya ng maramdaman ang marahang pagtaas-baba ng magkabilang kamay niya sa bewang ko. Nihindi ko napansin na hindi na pala niya hawak ang kamay ko. Bumaba ang halik niya. Dumaan ito sa pisngi ko pababa sa aking leeg.
Halos bumigay ang mga tuhod ng maramdaman ang marahan niyang pagkagat at paghalik sa leeg ko. Ipinilig ko sa kabilang parte ang ulo ko upang bigyan siya ng espasyo para ituloy ang ginagawa.
I bit my lower lip when he pushed his body to me. Gone was my gentle, Bryan. I made him a beast who wants nothing but me.
Kusang umikot ang mga hita ko sa kaniya ng iangat niya ako. Binalik niya ang labi sa akin. Hindi ko siya mahalikan ng maayos dahil pagdiin niya sa kaniyang sarili sa akin kahit na may tela pang bumabalot sa amin! Hindi ko alam kung paano pero naramdaman kong nakahiga na ako sa isang malambot na higaan.
Mabilis niyang tinanggal ang suot na polo. Pinanood ko kung paanong nagsitanggalan ang mga butones nito dahil sa marahas niyang pagtanggal. Yumuko siya. Sinalubong ko ang halik niya at sabay na bumagsak ng itulak niya ako pahina.
Bumabang muli ang halik niya. I don't know what to do. Ni hindi ko alam kung ano ang pagtutuunan ko ng pansin. His both hands are roaming around my body. Para siyang isang mabangis na hayop at ako ang natitirang pagkain niya.
"Babe..." pumikit ako ng mariin ng maramdaman ang labi niya sa puno ng aking dibdib. He reigns soft kisses between my peak. Halos mabaliw ako sa ginagawa niya lalo na ng dumaan ang mga kamay siya sa aking dibdib.
"I love you. I love you so f*cking much, Amber..." hindi ko na maintindihan ang ang mga sumunod niyang sinabi. Nakarinig ako ng telang napunit.
Nilingon ko iyon at nanlaki ang mga mata ko ng makitang mismong damit ko iyon at ang isang kamay niya hawak ang taling tanging makakapagtanggal ng suot kong bikini top. Namula ang buong mukha ko ng ma-expose ang dibdib ko. I was about to cover it when his mouth did the honor. Napaliyad ako sa init na dulot ng labi niya doon.
"You're mine. You're mine to f*cking begin with. You will be my Montefalco. Sa akin ka."
Nagsisisi ba ako? No. Sa tagal namin ni Bryan, alam kong mapupunta at mapupunta iyon sa kaniya. Mahal ko siya at handa naman ako. 'Tsaka bakit ako magsisisi? Ako naman ang nag-initiate non.
He became extra careful after that. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Kulang na nga lang ay itago niya ako sa bulsa niya para walang mangyari sa akin.
Naramdaman ko ang marahang paghaplos sa aking buhok. We're inside his room. Nakakatamad ang lumabas dahil sa lakas ng ulan.
"Aren't you hungry?" umiling ako at sumiksik sa kaniya. Nanatili parin ang mga mata kong nakapikit. Inaantok pa talaga ako.
Akala ko nga ay makakatulog pa ako pero maya maya ay naramdaman may kamay na umaakyat na marahang humahaplos sa hita ko. Dumilat ang mga mata ko at sinalubong ng kaniyang ngisi! Aba! Kakatapos nga lang niya ulit! Hindi ba napapagod ito?
Hinampas ko ang dibdib niya kung saan ako nakaunan bago tumalikod at yumakap na lamang sa mga unan na nilalagay niya doon dahil baka daw malaglag ako bago pumikit. Hindi pa man nagtatagal ay naramdaman ko ang pag-uga ng hinihigaan. Niyakap niya ako mula sa likuran.
"I love you, baby..." bulong niya na nagpataas na naman sa mga balahibo ko. Pilit kong hinahanap ang inis na nararamdaman ko kanina ngunit para itong bulang biglang maglaho.
Ang hina hina ko pagdating sa kaniya pero ganun naman kasi talaga kapag nagmamahal, nagiging mahina ka.
"Gusto ko pa matulog," bulong ko. "Pinagod mo ako!"
He sighed, "Sleep, then, baby. I'll be making some calls in my office. Will you be okay here?" tumango ako.
Kanina pa naman kasi niya ipinapaalam sa akin na may tatawagan siya patungkol sa business nila. Pumayag naman ako dahil alam kong importante iyon at isang linggo na kami dito.
Bigla ko tuloy naalala ang cellphone ko na hindi ko naman ginamit simula ng dumating kami dito dahil medyo mahina ang signal ngunit dahil sa tinatamad at inaantok pa ako ay ipinagpaliban ko nalang muna iyon.
Nagising ako na medyo madilim na ang buong paligid. Umupo ako at kinusot ang mga mata ko. Wala parin si Bryan sa tabi ko. Tumayo ako at mabilis na nilinis ang katawan ko bago lumabas.
Ang sabi niya kanina ay sa office niya siya pupunta. Kaya naman iyon ang una kong pinuntahan. Nasa pinakadulong kwarto iyon ng second floor kaya naman hindi ko maiwasang lingunin ang iba't ibang kwartong nadaanan ko.
May mga numbers na nakaukit sa pinto, hindi ko alam kung para saan ba ang mga numerong iyon. Maya maya ay narating ko ang pinakadulong pinto. Hindi ko pa ito napapasok. Nalaman ko lang na ito ang office niya dahil iyon ang sinabi niya noong una siyang magpaalam na may gagawin siya.
Kumatok ako ng ilang beses ngunit wala akong narinig na pagtugon kaya naman binuksan ko ang pinto.
"Bryan?" tawag ko ng makitang wala naman siya sa table doon. Pumasok ako at tinignan pang muli ang loob at tumawag pero wala paring sumasagot.
Nagdesisyon akong bumaba nalang dahil baka nandoon na siya. Pumihit ako paharap sa pinto ng biglang mahagip ng mata ko ang isang napakalaking portrait ng dalawang bata sa wall malapit sa pinto.
Pamilyar sa akin ang larawang iyon dahil may ganoong larawan din sa kanilang bahay sa Metro. Gusto kong magtanong tungkol doon pero tuwing mababanggit ko iyon ay umiiwas si Bryan kaya hindi na ako nagtanong pa.
Hindi ko alam kung anong meron sa larawang iyon at parang hinihila niya akong tignan siya. Naglakad ako palapit doon. Pamilyar sa akin ang mga matang iyon. Lumapit pa akong mabuti hanggang sa mapansin kong parang may nakasulat sa ibaba non.
Bryan Anthon and Byron Atlas. Sempember 1992.
Byron Atlas? Siya ba iyong kuya ni Bryan?
Tinitigan kong muli ang larawan hanggang sa mapansin kong magkahawig na magkahawig ang dalawang bata. Ibig bang sabihin nito ay si Bryan ito at kambal ba sila?
"Miss!" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita. Tumingin ako sa pinto at doon nakadungaw ang isa sa mga maid. "Nandiyan lang pala kayo. Kanina pa po kayo hinahanap ni Sir! Palabas na nga po ng mansiyon iyon dahil akala niya umalis kayo!"
Nanlalaki angang mga mata ko, "Saan? Akala ko kasi nandito siya! Kakalabas lang ba niya?!" nagaalalang tanong ko. Malakas kasi ang ulan sa labas at kung lumabas siya ay paniguradong mababasa siya. Sakitin pa naman siya!
Mabilis akong bumaba kasama ang maid. Sa baba ay nakita ko ang kumpulan ng mga maids niya at bodyguards.
"Nasaan siya?!" tanong ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang biro lang ako sa mga mata nila.
Gulat na gulat sila habang nakatingin sa akin. May mga ilang tumingin sa labas ng pinto kaya naman tumingin ako doon. Huwag mong sabihin na sinuong niya ang ulang ito?
"Lumabas po siya kaninang hindi niya kayo nakita," sagot ng isa sa kanila. Napasapo ako sa aking noo. Ano bang pumasok sa isipan niya at naisipan niyang iiwanan ko siya?
Naglakad ako at akmang susundan siya ng biglang may humawak sa braso ko. Nilingon ko iyon, "Huwag po kayong lumabas, Miss Amber. Mas magwawala po si Sir kapag hinayaan pa namin kayong lumabas." magwawala? Anong gusto nilang gawin ko dito, hintayin siya ganun?
"Kailangan ko po siyang sundan. Sakitin po iyon. Malakas pa ang ulan!" giit ko pero hindi talaga nila ako hinayaang makalabas.
Tinatawagan naman nila ang cellphone niya pero namamatay daw iyon kaagad. Umakyat ako sa taas at kinuha ko ang sariling cellphone. Halos maibato ko iyon sa inis ng makitang low battery iyon. Chinarge ko kaagad pero dahil matagal na atang walang battery ay hindi agad iyon bumukas.
Inis akong bumalik sa baba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil nakaharang sa may pintuan ang mga guards niya.
"Find my woman! D*mn you! Kung kailangan tawagan si Figueroa, tawagan mo! Yes! I'm crazy and I will f*cking kill you— No need. She's here," sambit nito bago pinindot ang phone at mabilis na lumapit sa akin.
"Saan ka pumunta? Are you okay? May nangyari ba? I'm sorry, okay? Hindi ko sinasadyang gawin iyon. Don't leave me, Amber... I'm sorry. I didn't—"
"Anong nangyayari? Bakit ka ba lumabas? Pumunta lang naman ako sa office mo kasi akala ko nandoon ka—"
"Hindi ka aalis? Hindi mo ako iiwanan?" kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. Hindi ko siya maintindihan.
"Hindi. Saan naman ako pupunta?" Takhang tanong ko.
Mukhang nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko. Hinigit niya ako at basta nalang niyakap. Dahil nga sa basang basa siya, maging ang mga damit ko ay agad na nabasa dahil sa higpit ng yakap niya.
Hindi ko alam kung nanggagaling ang takot niya na iwanan ko siya. Wala naman akong maalalang iniwanan ko siya. Parati ko nga siyang hinihintay kahit wala akong inaasahan.
"You scared me. God..." bulong niya.
Mukhang hindi parin ito nakuntento sa sinabi ko dahil pilit parin nitong tinitignan ang parte ng katawan ko, chinicheck kung may mga sugat ba ako.
"Kailangan mo ng magpalit. Basang basa ka na!" sambit ko. Nilingon niya ako at tumango.
"We are going to talk. Magpalit ka rin. Let's go," sabi niya ng hindi pinapansin ang mga kasambahay niya.
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Maguusap lang naman kami at alam kong sasabihin niya lang naman na huwag kong ulitin iyon pero bakit ang lakas lakas parin ng kabog ng dibdib ko?
Ayaw niya akong bitawan. Kung hindi ko lang paulit ulit na sinabing hindi ako aalis ay hindi siya papasok sa bathroom para maligo at makapagpalit. Umupo ako sa bed ng matapos akong magpalit, hinihintay siyang matapos.
Pagbukas niya ng pinto ay agad na umikot ang mga mata niya sa kwarto. Nang makita niya ako ay saka lamang siya nakahinga ng maluwag. Mabilis siyang lumapit sa akin, umupo sa gilid ko at yumakap sa akin.
Kumunot ang noo ng mapansing parang mainit siya. Kinalas ko ang yakap niya at sinalat ang noo niya.
"I'm going to tell you something. Listen to me, ba—"
"May sinat ka! Bakit ka ba kasi nagpaulan!" sambit ko ng maramdamang talagang mainit siya. Tinanggal niya angand kamay ko doon at hinarap ako sa kaniya.
"Amber, let's talk. Makinig ka muna," kinamot ko ang batok ko.
"Pero may sinat ka nga! Pwede bang mamaya na 'yan? I'm not going to leave you. Hindi naman ako umalis, e. Okay na?" bumuntong hininga siya at tumango.
"Take a rest. I'll take some medicine and cook for you—"
"What?! No! Dito ka lang. I don't need that," masungit niyang sabi habang hawak hawak ako. Umirap ako sa hangin.
"You need that! Baka mas lumala pa ang sakit mo! Kukuha ako ng gamot at magpapaluto nalang. Give me five minutes," kinamot niya ang batok niya at tumango.
Pagkababa ko ay agad akong naghanap ng gamot at maid na mauutusan. Hindi naman ako nabigo dahil halos nasa kusina silang lahat.
"Chicken soup nalang po at gatas" sabi ko dahil mas mabilis iyong maluto. Kumunot ang noo ko ng magtinginan sila na para bang may hindi ako alam.
"Hindi po iyon pwede kay Sir, Miss. Lactose intolerant po si Sir bawal ang pagkaing may gatas," lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ng isa sa kanila.
"Kailan pa nagkaroon ng ganoong sakit si Bryan?!" takhang tanong ko. Ilang buwan ba kaming hindi nagkita at bakit ang dami naman yatang nagbago sa kaniya?!
"Po? Matagal na po iyon!" tumaas ang kilay ko.