Ayaw ko ng umuwi. Iyon ang paulit ulit na bumabalik sa isipan ko habang pinapanood si Bryan na nagluluto sa harapan ko.
Napakasaya ko nitong mga nakaraang araw. Minsan nga'y hindi ko na maramdaman ang oras dahil nasa kaniya at sa mga ginagawa nalang namin ang nasa isipan ko. Halos hindi ko nga napansin na apat na araw na pala kami dito.
"Marunong ka ba talaga?" tatawa tawang tanong ko habang pinapanood siyang bumubulong bulong ng mura dahil hindi niya ma-perfect ang nilulutong sunny side up egg.
Kanina pa siya diyan at nakailang itlog na rin siya. Kapag kasi hindi niya nagustuhan ang pagkakaluto o nabasag ang dilaw nito at kumalat ay tatawag siya ng maid at ipapakain doon ang niluto. Ayaw niyang ]bigay sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa kaniya at bigla niyang naisipan na ipagluto ako. Hindi niya ito ginagawa dati dahil hindi naman talaga siya marunong. Ngayon lang talaga at sa totoo lang ay natutuwa akong panoorin siya.
Natutuwa akong makita ang noo niyabg kumukunot kapag hindi nakukuha ang gusto.
"Fine! I can't do it!" inis niyang sabi bago binaba ang sandok at sumimangot na humarap sa akin. Umupo siya sa harapan ko at nangalumbaba. "I'll call Gini to cook-"
"Ako na," prisinta ko. Halatang gusto niyang tumutol pero pinanlakihan ko ng mata.
Inayos ko ang pan at hininaan ang apoy na hindi niya pinatay at nilagyan ng egg. Hindi iyon nawarak katulad ng mga gawa niya at hindi rin nag-bubbles.
Ilang minuto lang ang nilagi ko doon at natapos na akong iprito lahat ng para sa breakfast namin. Simangot na simangot parin ang mukha niya kahit ng ilapag ko ang pagkain sa harapan niya.
"I said I'll cook for you..." sambit niya habang nakasimangot.
Umupo ako sa harapan niya pagkatapos kong ayusin lahat at nilagyan ng kanin at ulam ang plato niya. Nang hindi parin siya natinag ay kumuha ako ng kanin at iniumang sa labi niya iyon. Susubuan ko nalang. Nagiinarte, eh.
Nilingon niya ako. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa kutsara. Dinikit ko iyon sa labi niya kaya wala siyang nagawa kung hindi isubo iyon.
"Ako na," sabi niya kaya naman hinayaan ko na.
Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming umakyat. Ang sabi niya kasi ay may pupuntahan kami. Katulad ng palagi niyang ginagawa ay todo alalay siya sa akin habang paakyat sa hagdan.
"I'll wait for you at the shore. Kung saan tayo unang huminto kahapon," nilingon ko siya ng sabihin niya iyon. Nasa tapat palang kami ng kwarto namin ng sabihin niya iyon.
Kumunot ang noo ko, "Why? Sabay nalang tayo," sagot ko.
Umiling siya at nilagay sa likuran ng tenga ko ang mga tumakas kong buhok, "I'll wait for you there. May aayusin din ako. See you?" tumango nalang ako, wala naman akong magagawa.
Pumikit ako ng maramdaman ang labi niya sa aking noo. Simula ng dumating kami rito ay tanging noo ko lang ang hinahalikan niya. Gusto kong magtanong pero ayaw kong isipin niya na gusto kong halikan niya ako sa labi. Nagtataka lang talaga ako.
Pinanood ko siyang bumaba ng hagdan bago tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.
Agad kong nilapitan ang bed ng mapansin akong may nakalagay doon. It's an off shoulder bohemian dress. Sa gilid nito ay may nakalagay na koronang gawa sa bulaklak at isang gladiator sandals. Pinulot ko ang papel na nakalagay sa gitna ng damit.
See you later, my little Amber Mikael.
Wala sa sariling napangiti ako. Itinaas ko ang bohemian dress at pumasok sa walk in closet niya. Humarap ako sa salamin at tinapat sa akin iyon. Hanggang kalahati lang iyon ng hita ko pero ang ganda ganda.
Puti ang dress, ang sandals ay naghahalo sa puti at brown habang flower crown ay gawa sa puting ross. Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa sa suotrosas. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok bago nag-apply ng manipis na make-up.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sa mga naiisip ko ay lalo akong naeexcite. Handang handa ako. Beneath my dress is a two piece. Malay mo kasi pumayag na siya na maligo ako na hindi nakasuot ng long sleeves niya. 'Yon ay kung maliligo kami.
Nilingon ko pa ang sarili ko ng huling beses sa salamin bago lumabas. Halos takbuhin ko pababa ang hagdan dahil sa excitement na nararamdaman ko.
"Ang ganda ganda niyo po, Miss!" sabi ng kasambahay ng makita ako.
"Kaya patay na patay si Sir Byron sa inyo, eh!" sabi naman ng isa. Kumunot ang noo ko. Sinong Byron?
"Byron?" takhang tanong ko. Nanlaki ang mga mata ng kasambahay. Umiwas ito ng tingin at parang hindi mapakali.
"Bryan po iyon, Miss. Nagkamali lang po siya. Nabubulol lagi sa pangalan ni Sir," paliwanag ng kasama nito. Tumango tango ako at hinayaan na lamang.
"Pasensiya na po. Hinihintay na po kayo ni Sir Br—yan," nakayukong sabi nito.
Tinapik ko ang likuran niya na parang sinasabing okay lang iyon bago tinahak ang daan papunta sa dalampasigan. Memoryado ko na ang daan dahil sa ilang beses na kaming dumaan rito.
Mabuti nga at hindi ganun kainit katulad ng mga nakaraang araw. Hindi ko kailangan sumilong sa mga puno para makarating sa kaniya.
Ilang segundo pa akong naglakad hanggang sa tuluyan ko na siyang makita. Alam kong siya iyon dahil wala namang ibang tao sa dalampasigan.
Nakatalikod siya sa direksiyon ko. Katulad ko ay puti rin ang suot niyang long sleeves na nakatupi hanggang sa kaniyang siko. Napangiti ako. Pakiramdam ko tuloy ikakasal na kami dahil sa suot namin.
Napangiti ako sa naisip. I've been dreaming about this for so long.
Muli akong naglakad palapit sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit nagtindigan ang mga balahibo ko ng bigla siyang pumihit at humarap sa direksiyon ko. Pilit akong ngumiti ng magtama ang mga mata namin dahil pakiramdam ko ay naiiyak ako.
Yumuko ako upang kalmahin ang nagwawala kong sistema at upang maiahon ang sarili ko sa pagkalunod sa kaniyang mga mata ngunit ng iangat ko ang aking mata ay titig na titig parin siya sa akin. Hindi ko mabasa ang mukha niya. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat kong gawin.
Huminto ako halos isang metro nalang ang layo ko sa kaniya. Kumurap siya bago ako muling tinignan. Ngayon ay ginawaran na niya ako ng isang matamis na ngiti. Inabot niya ang kamay ko. Napatingin ako doon kahit ng iangat niya ito at dalhin sa labi niya.
"Ang ganda mo, Amber Mikael" sambit niya na siyang mas lalong nagpapula sa akin. Hindi ko alam kung ang pisngi ko ba, ang puso ko o ang sistema ko ang bibigyan ko ng pansin dahil sa ginagawa niya.
"Th-thanks," nahihiya kong sagot. Umiwas ako ng tingin. Naramdaman kong muli ang mainit na labing dumampi sa kamay ko.
"Let's go?" tanong nito pagkaraan.
Kumunot ang noo ko, "Ah? Saan?" takhang tanong ko pero nginisihan niya lang ako. Nagulat ako ng maglabas siya ng usang puting panyo.
"Close your eyes, baby. Mabilis lang ito," iiling iling na sumunod nalang ako sa kaniya.
Wala akong ibang ginawa kung hindi ang pakiramdamam ang nangyayari. Naramdaman kong tapos na siya sa p*******i ng puting panyo sa may mata ko. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya hanggang sa may maramdaman akong mainit na dumadampi sa balikat ko.
"B-Bry!" mahina pero madiin kong tugon ng mapagtanto kung ano iyong dumadampi sa balikat ko. Ano ba kasing nangyayari?
"It's babe for you, baby. I want you to call me babe. Just babe," lumunok ako dahil sa paos niyang boses at dahil sa pagtama ng hininga niya sa aking tenga.
Sh*t na malagkit. Bakit ba kasi ganito?
Naramdaman kong humawak siya sa kamay ko, bahagyang hinihila ako. "Walk, baby." utos niya sa akin.
Sumunod lang ako hanggang sa maramdaman ko na naman ang kamay niya sa bewang ko. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mga kamay ko dahil wala naman akong makita.
Naramdaman kong umangat ako. Dahil sa takot ay kumapa ako at kumapit sa unang matigas na bagay na nahawakan ko. Narinig ko siyang suminghap hanggang sa maramdaman ko uli ang pagbaba ko.
"Saan na tayo?" tanong ko.
"Diyan ka lang. Don't move. I'll be right back,"
"Ano? Saan ka pupunta? Pwede ko na bang tanggalin? Huwag mo akong iwanan!" natataranta kong sabi habang mahigpit paring nakahawak sa matigas na bagay.
"Wait for me. I'll be quick. Pagbalik ko pwede mo nang tanggalin," hindi ko parin siya binitiwan.
Ayoko! Narinig ko siyang tumawa kaya naman sumimangot ako. Kainis! Tatawanan pa ako!
"Give me a minute, baby. Just a minute..." wala akong nagawa kung hindi ang bitawan siya.
Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayang umupo sa isang malambot na upuan. Pagkatapos non ay may telang tumakip sa hita ko. Kanina ko pa paulit ulit na nararamdaman ang pagangat nito dahil sa lakas ng hangin.
Maya maya ay naramdaman kong parang gumalaw ang kinalalagyan ko. Kinagat ko ang labi ko at naghintay hanggang sa makarinig ako ng mga yapak papalapit sa akin.
"Take off your blind fold, babe," utos niya na agad kong sinunod.
Minulat ko agad ang mata ko pero agad ko ring pinikit dahil sa hapdi ng mga mata ko. Kumurap kurap ako hanggang sa tuluyan ng maka-adjust sa liwanag ang mga mata ko.
"Oh my..." sambit ko ng makita kung nasaan kami. Tumayo ako at naglakad hanggang sa railings. Wala akong ibang makita sa harapan ko kung hindi ang tubig at papalayong isla.
Paano kaming napunta dito?
Hinanap ng mga mata ko si Bryan. Natagpuan ko siya sa mas mataas na bahagi ng yate. He looked like a king while maneuvering the yacht. May mga pinindot ito bago lumingon sa akin at matamis na ngumiti.
Sobrang lakas ng t***k ng aking puso na para bang gusto nitong kumawala.
Bigla na namang akong naluha. Ayaw ko na talagang matapos ang bakasyong ito. I want us to stay like this. Ayaw ko ng bumalik sa Metro.