"Got'ya, baby!" nagtititili ako sa sobrang gulat. Isama mo pa na umangat ako at pinaikot ikot niya sa ere. Lalong lumakas ang hangin, tinatangay ang bawa+ hibla ng aking buhok.
I looked at him. Tawa siya ng tawa hanggang sa maibaba niya ako. Inis ko siyang pinagpapapalo pero lahat ng iyon ay walang epekto sa kaniya. Tumigil nalang ako at sinamaan siya ng tingin.
Itinaas niya naman ang dalawang kamay na parang sumusuko na pero iyong ngiti niya naman kasi abot hanggang tainga! Paano ako maniniwala na sincere nga iyang pagsyko niya?
Inirapan ko siya at bumalik sa pagkakasalampak sa buhangin. Kaninang umaga ko lang napansin na malapit pala ang Mansion nila sa dagat. Actually, kitang kita ang roof ng Mansion nila mula sa kinauupuan ko.
Sinimulan kong buuin ang sand castle na nasira dahil sa pagbuhat niya sa akin. Umupo rin siya sa harapan ko at pinanood ako sa ginagawa ko. Hindi naman ako makagalaw ng maayos dahil tuwing nakikita kong gumagawi sa akin ang mga mata niya ay para akong nakukuryente. Nagsisitaasan ang mga balahibo ko.
Ilang minuto kaming tahimik. Pilit ko kasing nililipat sa ginagawa ang atensiyon ko pero mukhang hindi talaga ako magtatagumpay doon. Kinamot ko ang batok ko at nilingon siya na titig na titig na ngayon sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay hanggang sa may pumasok sa aking ideya. Ngumisi ako na siyang ikinataas niya naman ng kilay. Pinuno ko ang kamao ko ng buhangin at ibinato sa kaniyang katawan bago mabilis na tumayo at tumatawang tumakbo.
Nilingon ko siya ng makalayo ako pero halos sumigaw ako ng makitang tumatakbo na siya palapit sa akin. Mabuti nalang at walang gaanong turista. Wala akong makakasalubong sa daan.
Nagpatintero kami sa dalampasigan, parang mga batang naghahabulan. Natatawa ako dahil kahit na halatang binabagalan niya lang ang takbo ay ito ako at game na game sa laro. Minsan binabato niya ako ng buhangin pero halatang pinapatamaan niya lang ang katawan ko at ni halos h]ndi nga iyon umaabot sa akin.
"Ayaw ko na!" sigaw ko ng tuluyan na akong mapagod.
Iiling iling na lumapit siya sa akin, "Napakakulit mo kasi. Pawisan ka tuloy."
Ngumuso ako ng nagsimula siyang punasan ang pisngi ko gamit ang isang puting panyo. Kung sana kasi hindi niya ipinilit na isuot ko ang damit niya, hindi ako pagpapawisan ng ganito.
Ayaw niya kasing lumabas ako na naka-two peace lang. Nagbanta pa siya na hindi nalang kami lalabas kung hindi ko isusuot ang long sleeves niya niya kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang sundin siya. Nagmukha nga iyong dress sa akin dahil umaabot ito hanggang sa gitna ng mga hita ko. Maliban don, talagang ibinutones niya pa ito hanggang sa may dibdib ko.
Dati naman ay wala siyang pakialam basta nasa tabi ko lang siya. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan niya pero hinayaan ko nalang siya. Mas ramdam ko kasi ang pagiingat niya ngayon sa akin at mas naging sweet pa siya. Naisip ko tuloy na parang nakabuti sa kaniya ang pagiging busy dahil mas naging sweet siya sa akin ngayon.
"Turn around. I'll braid your hair," sabi niya at mabilis akong umikot.
"You used to braid my hair. Noong bata tayo kaya nga pinagisipan kita na bakla noon," sabi ko kahit alam kong hindi niya naaalala ang mga kabanatang iyon ng buhay namin.
Itinikom ko ang biBig pagkatapos dahil ayaw kong sirain ang araw namin. Baka mamaya ay ikagalit na naman niya ang pagbanggit ko sa nakaraan.
Kahit kasi nagaaway kami noong bata kami dahil ganid ako sa medals noon ay hindi niya ako pinapatulan. Mas maganda atang sabihin na inaaway ko siya dahil hindi niya nga ako pinapatulan.
"Yeah. Kinukurot mo ako noon kapag nasasaktan ka. Hindi pa naman ako marunong noon kaya nabubuhol ko ang buhok mo. Pagkatapos mo akong at kurutin ay iiyak ka at isusumbong ako," sarkastiko niyang tugon.
"Siyempre para magka-bad record ka at ako ang maging top one!" natatawang bulalas ko hanggang sa ma-realize ko kung ano ang nangyari at ang sinabi niya. Tama ba ako ng narinig?
"Done," sabi nito at humarap sa akin.
"Naaalala mo na?" natutulalang tanong ko. Kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng kilay na para bang nagtatanong kung ano ba iyon.
"Iyong nangyari noong bata tayo! Sabi mo nakalimutan mo na? Bakit alam mo iyon?" sabi ko habang nanlalaki parin ang mga mata ko. Maging siya ay biglang nanlaki ang mga mata. Narealize siguro niya ang nasabi niya.
"It slipped from my mouth," sagot niya bago umiwas ng tingin at bumulong ng mga salitang hindi ko maintindihan.
Hindi ko iyon pinansin dahil natutuwa ako na kahit papaano ay may naaalala na siya. Hindi na lumalabas na parang ilusyon ko lang ang mga alaalang iyon. Iyon din kasi ang nararamdaman ko noon kapag nagsasabi ako sa kaniya ay parang ilusyon ko lang iyon, gawa gawa ika nga nila.
"At least you remembered something. Hindi na ako mukhang nagiilusyon lang," sabi ko habang nakangiti ng maluwag.
"Hindi ka naman nagiilusyon," makahulugang sabi niya bago siya yumuko at dinampian ng halik ang aking noo.
Nawala ang ngiti sa labi ko ng maramdaman na naman ang kakaibang t***k sa aking puso. Ganito ba talaga kapag sobrang saya mo? Halos marinig mo na ang t***k nito sa sobrang lakas? I wonder if he can hear it?
"You wanna take a dip or let's eat before that?" nilingon ko ang dagat bago muling lumingon sa kaniya. Gustuhin ko mang maligo na, nagwawala na ang tiyan ko.
"I'm hungry," sagot ko.
Dinala niya ako sa malapit na seafood restaurant. Tahimik kaming kumakain pero panaka naka ang paglingon ko sa kaniya. Hindi ko lang mapigilan lalo na at nasa harapan ko siya.
Parang ibang lalaki talaga ang kasama ko sa paraan niya ng pagtrato sa akin. Sweet na naman siya, noon pa, pero mas grabe ngayon. Mas inaalala niya ako at mas inaalagaan niya. Minsan nga pakiramdam ko ay isa akong mamahaling bagay sa sobrang ingat niya sa akin.
"What?" kumurap kurap ako sabay ng pagiinit ng pisngi ko.
"Wala!" sabi ko bago yumuko ngunit nilingon din siya ng marinig ko ang tawa niya. Kinunutan ko siya ng noo at sinimangutan.
"Pinagtatawanan mo ako?!" singhal ko.
Mabilis siyang umiling sa akin. Halata na nga, oh! Dinedeny niya pa!
Inirapan ko siya at tinuloy ang pagkain. Nakita ko sa gilid ng aking mata na tinitigan niya ako bago ngumiti at kumain nalang rin.
Ilang minuto kaming kumain at nagpahinga bago napagdesisyunan na maligo. Habang papalapit sa dagat ay unti unti ko namang tinatanggal ang pagkakabutones ng suot ko. Hinahangin ito kaya hirap na hirap ako.
"What are you doing?!" napaigik ako ng marinig ang madiin niyang boses.
Nilingon ko siya. Kunot na kunot ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa akin... o sa katawan kong na-expose na dahil kahit may dalawa pang hindi natatanggal na butones ay nililipad naman ng hangin ang tela nito sa baba.
Lumunok ako bago sumagot, "Nagtatanggal ng butones?" hindi ko siguradong sagot.
Napunta sa akin ang mga mata niya at tinaasan ako ng kilay. Tumindig ang mga balahibo ko ng humakbang sa palapit sa akin. Iyan na naman siya! Jusko!
Napahakbang ako patalikod ng dumikit angand dibdib ko sa kaniya. Hinaplos niya ang aking baywang na talaga namang nagpahina sa mga tuhod ko. Ano na naman bang problema nito?
Yumuko siya. Nakagat ko ang labi ko ng maramdaman ang labi siya punong taynga ko.
"Bryan..."
Halos hindi ko makilala ang boses ko. Ang mga kamay niya ay marahang humahaplos sa aking balakang. Namumungay ang matang t[mingin ako sa kaniya.
"Take that off and I'll cover you... with my body. Here. Now." lumayo siya sa akin pero nananatili siyang nakatitig sa bawat galaw ko.
Hindi ako pinanganak kahapon para hindi siya maintindihan pero kaya niya ba talagang gawin iyon?
Lumingon ako sa paligid at kahit kakaonti ang tao, at least meron parin. Magagawa niya ba talagang gawin iyon dito?
Nanlalaki ang mga mata ko ng tanggalin niya ang suot niyang tank top sa harapan ko na parang sinasabi niya na kayang kaya niya nga iyong gawin. Mabilis na gumalaw ang mga kamay ko at ibinutones ang dapat na ibutones.
Napamura ako sa aking isipan ng may isang natanggal na butones dahil sa rahas at pagmamadali ko. Pinanood ko iyong malaglag sa buhangin.
"Good. Let's go," rinig kong bago sabi niya bago hinila ang kamay ko.
Ano? Ganito akong maliligo?!
"Dati naman pwede, ah!" pagmamaktol ko.
Tumaas ang kilay niya at ilang beses na umiling. "That was before. Ayaw ko na palang may makakitang iba. Gusto ko ako lang."
"Bryan—"
"Babe. It's Babe, Amber Mikael." nagbabantang sambit niya. Kinuha niya ang aking kamay.
Halos panawan ako ng ulirat ng tanggalin niya ang isang butones ng long sleves hanggang sa umabot iyon sa pangalawa.
Nagtatangis ang kaniyang mga bagang habang ginagawa iyon ngunit hindi ko siya pinigilan. He left two buttons untouched before holding me.
"Just don't remove it, baby..." sambit niya habang matamang nakatingin sa aking dibdib. "Hanggang diyan lang ang pwede."
He then looked away.