Chapter 31 "Feel" "Hindi pa ba tayo uuwi?" Sumulyap ako sa labas. Madilim na. I am sitting on his lap, nakatagilid ako. Ang dalawa niyang kamay nakapulupot sa baywang ko. I can feel his lips on the side of my head. Somehow, I feel at peace after that breakdown. "Hmm?" "Ang sabi ko, hindi pa ba tayo uuwi? Gabi na." "We'll stay here for tonight," kalmado niyang sabi. "May trabaho pa ako at hahanapin nila ako." "I already informed them." I turned to face him a bit. Nabahala ako. "Anong sinabi mo?" "You need to rest." He ignored my question. "Ha? Ayos naman na ako. Umuwi na tayo." Tatayo sana ako pero pinigilan niya ako. Nanatili ang kamay niya sa akin. Umiling siya. "Nagugutom ka na ba?" Ngumuso ako, then I sighed. I don't know why being intimate with him is so easy and natural. I

