bc

Stubborn Love

book_age16+
20.3K
FOLLOW
102.3K
READ
second chance
playboy
sweet
lighthearted
city
weak to strong
Writing Academy
engineer
naive
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Denny Lao is a young provincial girl who seeks opportunity in the big city. She works as a maid under one of the richest families in the country, the Montalbas. At first, everything was simple. She will work to earn money so she could enroll herself in college, earn a degree and find a good job later on. But her straight plan turned to a slope when she falls in love with the youngest Montalba, Raikko.

Love was sweet but when all her hopes and dreams failed, everything turned bitter. She fell in love and broke her heart after. She picked herself up, moved on, and learned how to play. Now, will she believe in love again when she already enjoyed playing? With her new stubborn heart, will she still entertain an old love?

chap-preview
Free preview
Simula
Simula     Malalaki at mabibigat ang mga hakbang ko paakyat ng hagdan sa second floor ng aming bahay. Maingay ang bawat apak ko gawa ng may kalumaan at marupok ng tabla ng hagdan, kasama na rin ang pagkakausli ng mga pako nito. Agad akong pumasok sa kwarto namin ng kapatid ko at sinara ang pintong gawa sa plywood.   Ang sakit. Nakita ko ang boyfriend kong may kahalikang ibang babae at ka-klase ko pa! Sa lagay na iyon parang hindi lang halikan ang ginawa nila. Pinuntahan ko siya para sana magpaalam ng tuloyan dahil maaga ang alis ko bukas. Luluwas ako ng Maynila para mag-trabaho doon.   Hindi pa man ako nakakaalis may naipalit na siya!   We are together for two years now. Nasa-third year highschool ako at fourth year highschool naman siya nang naging kami. Si Clifford ay anak ng may pinakamalaking tindahan dito sa amin. May sabungan din ang papa niya. Guwapo at matangkad kaya marami ang may gusto sa kanya pero sa akin siya nanligaw.   Wala naman sana akong balak na magkaboyfriend kung hindi lang siya pursigido sa panliligaw. Itinigil na raw niya ang pagkakaroon ng kaliwat-kanang girlfriends. Ipinakita niyang seryoso talaga siya sa akin.   Mapanlinlang!   Natigilan sila sa paghahalikan at paghahawakan nang mapalingon sa akin si Clifford. Nadatnan ko sila sa may manggahan sa ganoong ayos. Ang siraulo wala ng pang-itaas. Iyong babae naman bukas na ang blouse at wala na sa ayos ang bra. I was glaring at the both of them. Guilty na guilty ang mga mukha. Nahuli ba naman sa akto!   “Kasalanan mo naman Denny, kahit halik ang damot mo.” Iyon ang sabi ni Clifford nang tanongin ko siya bakit niya nagawa iyon.     Napamaang ako. Ang ibig bang sabihin ay niligawan niya lang ako para sa ganoong bagay? Hindi ako sanay sa pagiging pisikal at inaamin kong umiiwas nga ako tuwing nagtatangka siyang halikan ako. Hindi nga ako komportable tuwing nang-aakbay siya o hinahawakan ang kamay ko. Gayun paman, hindi naman siguro iyon ang basihan ng isang relasyon.   Just because I don’t let him kiss me, his cheating would be acceptable. Niloko niya pa rin ako.   “Mabuti pa si Edna.” He meant the girl he was kissing. Ang kaklase kong matagal niya na palang sidechick at bali-balitang kung sinu-sino na lang raw ang lalaki.   Traydor! Ang kapal ng mukha. Hindi talaga ako naniniwala sa mga sabi-sabi noon tungkol sa kanya, na nanunulot siya ng boyfriend. Totoo pala! At totoo rin ang kalandian niya. Nagiinit ang ulo ko pero hindi naman ako mapanakit kaya hanggang pagpukol na lang ako ng matalim na tingin.   “Gago! Ang babaw mo! Diyan ka na nga!”   Nagwalk out ako at nagtatakbo pabalik sa bahay namin.   Akala ko iba siya. Akala ko seryoso siya. Iba pala ang habol niya. Puro lang ako akala! Hindi nga naman ibig sabihin na dahil puro mabuti lang ang ipinapakita niya sa akin ay nagtino na nga siya. Sa likod ko pala ay kung anu-ano na ang ginagawa niya. Naninawala naman ako.   Paiyak na sana ako at padausdos sa sahig nang marinig ko ang boses ng nakababata kong kapatid sa ibaba.   “Ate! Mag-saing ka na, lagot ka kay Mama at Papa! Pabalik na sila!”   Natigilan ako at umurong ang nagbabadyang luha. Padabog akong tumayo at sumimangot na lang.   I was about to have my moment. Damang-dama ko na ang emosyon, ang sakit at pait ng pagkabigo, e. Kaya talaga ang unfair kapag mahirap ka lang. Hindi puwedeng unahin ang problema sa puso.   “Nandyan na!” Asik ko.   Muli akong lumabas ng kuwarto at bumaba na para makapaghanda ng haponan. Kinalimutan ko na ang balak na pagdadalamhati.   Anyway, he is not worth it. Hindi siya kawalan. Magsama sila ng malanding si Edna. Humanda talaga sa akin ang lalaking ‘yon. Makikita niya ang sinayang niya. Kapag nakapag-ipon na ako sa pagtratrabaho, mag-aaral ako ng college. Pagsisikapan kong makapagtapos. Kapag nakapagtapos naman na ako magtatrabaho ako sa siyudad at maghahanap ng mas guwapong boyfriend. Ipapamukha ko sa lokong ex ko na ‘yon na hindi siya kawalan.   Tuloyan na nga akong nawalan ng pagkakataon na magluksa sa nawasak kong puso dahil kinailangan ko ng umalis kinabukasan. Bumuo rin naman ako ng pangarap kahit papaano sa aming dalawa. Paniwalang-paniwala kasi ako sa una at huli gaya ng mga magulang ko. Ayon, nahuli pala!   Baon ang sama ng loob at pangarap ko para sa aking sarili at sa pamilya ko, bumiyahe ako kasama si Aling Rosita. Siya ang kapit bahay namin na nagtatrabaho sa isang mayamang pamilya sa Maynila. Siya ang nagpasok sa akin sa trabaho. Mapagkakatiwalaan naman siya kaya nga napapayag ko sila Mama at Papa. Aminado sila na hindi na nila kayang tustosan pa ang aking pagkokolehiyo ko pero hindi naman sinabi ni Papa na kailangan kong magtrabaho. Pinagisipan ko itong mabuti. Ito ang gusto ko.   The moment I reached Manila, napagtanto ko kung gaano pala talaga kalawak ang mundo. There are a lot of things behind the tall mountains in our province. Dito para ring malaking kagubatan ngunit hindi nagtataasang puno ang nakapalibot kung hindi nagtatayugang mga gusali. Maraming mga tao at sa aking napansin tila ba lagi silang nagmamadali at may hinahabol. Nakakamangha na nakakatakot din. Lahat ng ito ay bago sa akin.   “Sa wakas may kaedad na rin ako!”   Nagulat ako nang bigla na lang akong yakapin ni Joy. Isa rin siyang katulong sa tahanan ng mga Montalba, ang pamilyang pagsisilbihan ko. Kulot ang kanyang mahabang buhok at kulay kayumangi naman ang balat. May maaliwas na ngiti sa kanyang labi, tanda ng pagiging masayahin niya. Naalala ko sa kanya ang kaibigan kong si Kathryn sa probinsya. Parehas kasi sila ng personality.   “Magdi-dyese otcho pa lang ‘yan,” natatawang sabi ni Aling Rosita.   “Twenty-three lang naman po ako,” depensa niya.   Napailing na lang ako. Mukhang magkakasundo naman kami. Natutuwa rin ako na mukhang may kaibigan na agad ako. Marami kaming katulong dito. Hindi na iyon nakakapagtaka, sa laki ba naman ng bahay na ito. Mansyon na nga ito. Ganitong-ganito kasi ang mga napapanuod kong mga bahay ng mayayamang pamilya sa mga palabas. Nasa labas pa lang ako kanina nalaglag na ang panga ko. Sobrang ganda ng mansyon ng mga Montalba. Mas lalo naman ang loob. May nakita pa nga akong totoong ginto! Tapos iyong mga chandelier daw may diamonds!   “Oh siya, siya, ikaw na muna ang bahala kay Denny at may gagawin pa ako.”   “Sure po!”   Pagkatapos ng maikling pagkikipagkilala, hinila niya na ako papuntang sa maids quarter. Nakabukod ito sa mismong mansyon. Kahit maids quarter napaka ganda! Walang alikabok at sira-sirang bubong at pader. Paniguradong wala ni isang bahagi nitong lugar ang hindi maganda.   “Ito ang mga uniform mo. Dark blue tuwing MFW, gray naman kapag TTh at Saturday. Sa Linggo ‘yang green.” Sabi sa akin ni Aling Susan, siya ang tumatayong mayor doma.   Tumango ako at tinandaan lahat ng sinabi niya.   “Ang gagawin mo hija ay maglilinis sa may pool area tuwing umaga. Kapag naman general cleaning ng pool ay hindi ikaw ang gagawa noon. Tutulong ka rin sa ibang gawain kung kinakailangan.”   “Opo,” magalang kong sagot.   “Kung may katanongan ka pa, pwede mo naman tanongin si Joy matagal na rin ‘yan dito.”   Sumaludo pa si Joy.   “Sige po. Marami pong salamat.”   She dismissed me after that. Tama nga si Aling Rosita hindi gaanong mabigat ang trabaho rito. May kanya-kanya kasing assignments at maraming katulong.   The following day, I was up early. Hindi ko alam kung excited lang ako o nininerbyos. Baka kasi pumalpak ako. Unang beses ko pa naman itong manilbihan, sa napakarangyang pamilya pa! Agad ko namang pinaalaala sa sarili ko kung bakit ko ito ginagawa. Somehow it comforted and cheered me up.   Naligo ako pagkatapos ay nagbihis na ng kulay blue na uniporme. Parang button-down dress na hanggang tuhod ito at may apron sa baywang. Kailangan din daw na malinis na nakapusod ang buhok. Malinis at presentable dapat.   May sarili kaming kusina at kainan karugtong ng maids quarter. Nang matapos sa pagaayos, sabay na kami ni Joy nagtungo roon. Sumalo kami sa mga nag-aagahang mga kasamahan. Nakilala ko ang iba pa na hindi ko nakilala kahapon. Mukhang sanay na sanay na sila sa isa’t-isa.   Pagkatapos ng almusal hinatid na ako ni Joy sa pool area. Hindi ko pa kasi nalibot ang buong bahay kaya hindi ko kabisado ang bawat parte. Natatakot nga ako baka maligaw ako pero pinilit ko namang tandaan lahat nang ipakita sa aking ang directory kahapon.   Namangha ako nang makita ang malawak na pool area. Ang lawak ng infinity pool! May anim na magagandang sun loungers at may gazebo pa! Pakiramdam ko nasa sa isang resort ako na sa TV o libro ko lang nakita.   “Doon ang cleaning materials.” Tinuro ni Joy ang storage room sa may unahan lang ng pool area. Naglakad kami papunta doon para kunin ang gagamitin sa paglilinis. Pagpasok naming nakita ko agad ang mga racks kung saan maayos na nakalagay ang mga kagamitan. Pinaliwanag niya sa akin bawat bagay, para saan at ang tamang paggamit.   “Tuturuan kita paano itong vacuum.”   Siya ang nagdala noong vacuum at ako naman sa skimmer. Bumalik kami sa pool. She started instructing me what to do. Nakinig akong mabuti at isinantabi muna ang pagkakaaaliw sa paligid. Nakuha ko naman agad.   Tinapik ni Joy ang balikat ko. “Maiwan na kita. Yakang-yaka mo ‘yan.”   “Salamat Joy.”   “Walang problema. Balik na ako sa mansyon.”   Tumalikod siya at iniwan na ako.   Wala naman masyadong lumulutang. Malinis din ang tubig. Sobrang linaw pa nga. Kitang-kita ko ang sahig. Napakalalim siguro nito.   Ginamit ko ang skimmer pangkuha ng mga lumulutang doon sa pool. Para akong nanghuhuli ng isda, iyon nga lang mga dahon ang hinuhuli ko. Hindi naman marami kaya mabilis lang akong natapos. Nang masigurong wala na akong nakikitang palutang-lutang, ginamit ko naman ang vacuum. Nakakatuwa pala iyon. Palakad-lakad ako habang hila-hila ang rod nitong nakalublob tubig. Inikot ko ang buong pool.   Tinapos ko agad ang pagva-vacuum para iyong gazebo naman ang malinis ko. Nagwalis din ako sa paligid at nagmop. I also checked the sun loungers lalo na iyong may foam kung malinis ba. Satisfied naman ako sa kinalabasan ng paglilinis ko. Sinuguro kong walang duming maiiwan.   Binalik ko iyong mga kagamitan sa storage room.   Nagpupunas ako ng pawis gamit ang likod ng palad ko habang patalbog-talbog na naglalakad. Naglalakad ako sa pathway. Pabalik na ako sa loob ng mansyon. I stop midtrack when I saw someone walking towards the pool. Sa tingin ko ay kagigising niya pa lang, magulo pa ang buhok but the face… the face!   He has a perfect square jaw gaya ng mga lalaking inilalarawan sa mga nobela. He has high cheek bones making him more masculine. Makapal ngunit maayos ang dalawang kilay. He has deep-set and sharp eyes. Iyong titig palang natutunaw ka na. Ang kanyang ilong, napakatangos nito na hindi mo basta-bastang makikita sa kung saan. His thin lips look luscious. Is he even human? Mukha kasing ang perpekto niya.   “Ang guwapo,” anas ko.   He removed his shirt from the back. Dahan-dahang umawang ang labi ko nang masilayan ang katawan niya, specifically, those firm six rectangular shapes on his abdomen. He stepped near the side of the pool and made a perfect dive. Halos hindi man lang gumawa ng ingay ang pagbagsak niya sa tubig. When he emerged, he was already cutting through the waters using a butterfly stroke. Ang galling! Ang alam ko ay mahirap gawin iyon.   Napako na ako sa kinatatayuan ko. He was able to do three fast laps. Mabilis ang kanyang paglangoy na para bang ang gaan-gaan ng katawan niya taliwas sa nakita kong muscles doon. Para siyang atletang sanay sa larangan ng swimming.   Pagkatapos nang huling lap, umakyat siya sa steel stairs. Nang makaahon ay mas napagmasdan ko pa ang kagandahang nilalang niya. The water from his hair trickled down to his face, to his jaw, to his neck and then it dripped to the perfect cuts of muscle on his abdomen. Para iyong arrow na tinalunton ng mga mata ko.   I can almost hear myself sigh dreamily. Ang guwapo niya, ang lakas ng dating at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong adorasyon sa kanya. For a moment naisip ko na siya na siguro ang padalang pamalit sa walang hiyang si Clifford. He definitely looks like a Greek god who descended from Mount Olympus.   Kaya lang sobrang bilis lang n’on.   “Excuse me.”   Napakurap-kurap ako nang tumikhim pa siya.   “P-po?”   Then it dawned on me. Amo ko siya! Napatuwid ako ng tayo at agad na ginapangan ng hiya sa pagkakatulala at sa naiisip.   “Bakit po?”   “Can you get me a towel, please?” And he has thick baritone voice too!   Mas lalo akong nahiya nang tumuon sa akin ang mga mata niya.   “O-Okay po!”   Without thinking, kusa ng kumilos ang mga paa ko. Pagdating sa unahan ay tumakbo na ako. Hindi ko alam bakit ako nagmamadali gayong hindi naman niya sinabing magmadali ako dahil siguro sa panic.   Tumuloy ako sa mansyon, hinihingal pa ako kaya naman huminto ako at sinapo ang dibdib. My heart is pounding too fast.   “Oh, anong nangyari?” si Aling Rosita na may pagtatakang nakatingin sa akin.   “Ano po… nagpapakuha po ng tuwalya si…” Napakunot ang noo ko nang hindi ko maalala ang pangalan ng mga anak ng amo ko. Sinabi na iyon sa akin kahapon, ah. Pinilit kong isipin pero hindi ako sigurado kaya hinila ko si Aling Rosita at dinala sa may staircase. Tinuro ko iyong isa sa mga nakasabit na paintings sa itaas.   “Iyon po!”   “Ah… oh siya, ako na lang kukuha. Hintayin mo ako rito.”   “Opo.”   Umakyat siya sa grand staircase, ako naman nakasunod sa kanya ng tingin. Pagkaayat niya muling dumapo ang mga mata ko sa painting. Iyong bunsong anak pala iyon. Pinakaisip-isip ko pa at naalala ko na nga, Rurik ang pangalan niya. Naipakilala naman na sa akin ni Joy kagabi ang pamilyang pagsisilbihan ko. Wala pa rito si Mr. and Mrs. Montalba. Nasa abroad daw ang mga ito at sa Biyernes pa ang balik. Ang panganay naman ay may sariling condo. Iyong bahay na nasa matayog na building na may maraming floors.   Dalawang beses kong tinampal ang pisnge ko. Ang init ng mukha ko. Nakakahiya ka Denny! Nahuli kang nakatitig ng amo mo. Ngayong nataohan na talaga ako, hindi ko na alam paano pa babalik doon.   Hindi nagtagal nakabalik na si Aling Rosita dala ang towel. Inabot niya sa akin. “Ito. Dalhin mo na doon kay Sir.”   Hawak ko na pero nakatayo pa rin ako sa harap niya. Napakunot ang noo ni Aling Rosita. Tinaasan niya ako ng kilay nang hindi pa ako umaalis. Kaya tumalikod na ako at bumalik sa pool area. Kung kanina tumatakbo ako ngayon para akong nasa prosisyon sa bagal maglakad. Pero kahit sa bagal ko pakiramdam ko ang bilis kong nakarating.   I saw him. Nasa pool na ulit siya, lumalangoy. Sa bawat kumpas ng kamay niya umiigting ang kanyang biceps. Sanay na sanay ang bawat galaw niya.   “S-Sir… ito na-"   Dahil hindi ako nakatingin sa nilalakaran, natisod ako. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ko padapa habang hawak ng mahigpit ang tuwalya. Tama lang ang lapag ko. Nakatukod sa side ng pool ang siko ko, keeping the towel safe. Basa ang siko at bandang dibdib ko. Then, I lift my face, kaharap ko na si Sir Rurik. My eyes widen.   “Hey, ayos ka lang?”   Hindi ko alam kung natatawa ba siya o ano. Nakakunot ang noo niya pero bahagyang namang umangat ang sulok ng labi niya.   “P-po?”   Hindi ako nakagalaw agad kaya mas nauna pa siyang makaahon sa tubig. Tinulongan niya akong makatayo. Saka ko pa lang naramdaman ang hapdi sa tuhod ko. Masakit din ang siko ko. Naiiyak na ako, hindi ko lang alam kung dahil ba masakit ang tuhod at siko ko o sa kahihiyan… Siguro pareho!   “Are you alright?” Sinuyod niya ako ng tingin.   Marahas kong pinagpag ang buong katawan ko na para bang sa alikabok ako nadapa. Mabilis na tango ang ginawa ko. Napaatras pa ako nang akmang lalapit pa siya sa akin.   His brows furrowed.   “S-sir Rurik, ito na po ang towel niyo.” Hindi ko siya matingnan sa mga mata. Ang mga mata ko ay nasa malapad niyang dibdib. Ang lapad ng dibdib niya! Dumadaloy na naman ang tubig. Nakaumang lang ang kamay kong may hawak na tuwalya.   Hindi niya tinanggap. Rattled and panicking, I looked up to him. Ngayon sigurado na ako, natatawa nga siya! Pinilit niyang maging seryoso pero wala rin. Gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko. Ilang beses ba akong mapapahiya sa araw na ito? Sa harap ng amo ko?   “I believe that’s my brother,” aniya.   Ha?   Sa kaba ko hindi ko kaagad nakuha iyon. Ang nasa isip ko na lang ay ang makaalis sa kinatatayuan ko at sa sitwasyong ito.   “You’re new, right?”   Nakatitig lang ako sa kanya habang parang sasabog na ang mukha ko sa init.   Sa wakas kinuha niya na ang tuwalya sa kamay ko. Muntik pa akong mapatalon nang nagdantay ang mga darili namin.   “Thank you… I am Raikko by the way.”   Ano daw?   Isang segundo bago ko natanto. Namali pa ako ng pangalan! Denny, ano ka ba naman?! I want to hit myself.   I stare blankly at his face. Napalunok ako. Pakiramdam ko natuyuan ako ng laway. Halata na siguro sa mukha ko ang matinding nerbyos.   “S-sorry po… Sige, balik na po ako.”   Tumalikod agad ako at napapikit ng mariin. Gusto ko na lang tumakbo pero pinigilan ko ang sarili. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko. Para akong hinahabol.   “Ay!” Natisod na naman ako mabuti na lang naibalanse ko ang sarili.   “Careful.” Narinig kong sabi niya. I even heard him laugh. Siguradong natatawa siya sa katangahan ko. Hiyang-hiya ako lalo.   Doon na ako kumaripas ng takbo habang kinakastigo ang sarili. Denny Lao anong katangahan ito? Umuwi ka na lang kaya sa inyo?   So much for my first day!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
566.8K
bc

The Empire Series: Von Liam

read
597.5K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.3K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
474.8K
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.2K
bc

Unwanted

read
532.0K
bc

An Innocent Angel

read
178.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook