Chapter 1

3027 Words
Chapter 1 “Disappointed”     “Nabasa ka?” Nagtatakang tanong ni Joy nang makasalubong ko papasok ng mansyon. Nagtagal ang tingin niya sa basa kong dibdib. Natatawa pa siya.   “Sumisid ka ba sa pool, ha?”   “Hindi. Natisod kasi ako. Kaya ayon…”   Napailing naman siya.   “Halika, magpalit ka muna.” Hinila niya na ako papuntang maids quarter.   “Iniwan ni Alaiza, iyong pinalitan mo ang uniform niya. Mukhang kasya naman sa ‘yo ‘yon. Iyon muna ang suotin mo.”   Lumapit siya sa cabinet at kinuha ang sinasabi niyang uniform. Mabuti na lang talaga may extra. Basang-basa kasi ang uniporme ko. Hindi naman ito agad matutuyo.   She handed me the blue uniform.   “Magpalit ka na. Sumunod ka na lang pagkatapos mo.”   Agad akong nagpalit sa bigay niyang uniform. Nang tingnan ko ay mukha namang kasya pero nang suotin ko na medyo masikip. Mas payat siguro ang mayari nito. Isinawalang bahala ko na lang. Wala rin naman akong choice. Mas mabuti na ‘to kesa sa basang damit. Binilisan ko na ang pagpapalit at sumunod agad.   “Nagpasabi si Sir Raikko na darating ang mga kaibigan niya kaya maghanda kayo,” mando ni Aling Susan.   Medyo kumalabog pa ang dibdib ko pagkarinig ng pangalang iyon. Raikko pala! Si Sir Rurik ang panganay. Dalawa lang kasi silang anak. Magkahawig kasi sila. Malamang dahil magkapatid sila at nagmana sa ama, kay Engineer Jose.   That was embarrassing! Hindi ko alam kung kaya ko pang humarap pagkatapos ng kahihiyang nangyari. Paulit-ulit sa isip ko ang pagngisi at tunog ng tawa niya. I really have to pull myself together. Sa huli ay ipinagkibit balikat ko na lang.   Tumulong ako sa paglilinis ng mansyon. Kung siguro mag-isa lang itong lilinisin baka abotin pa ng buwan bago matapos. Ang daming pintuan. Ang daming kanto, nakakalito. Kaya hindi ako humihiwalay sa mga kasama baka mawala pa ako. Hindi ko pa talaga mamemorya lahat ng pasikot-sikot. Although, it's understandable dahil unang araw ko pa lang naman.   Hindi ko mapigilang paulit-ulit na mamangha sa mga nakikita, ganito rin daw ang pakiramdam ng mga kasama ko noong unang silang makapasok sa mansyoon ng mga Montalba. Lahat ay nagsusumigaw ng karangyaan, mula sahig hanggang ceiling. Karamihan sa mga muebles ay antigo. Mostly it’s made of expensive woods with accent of golds, kung hindi man ay gawa sa iba pang mamahaling mga bato. There are lots of antique jars too, naglalakihan. Ang iba rito halos kasing tangkad ko na. Puwede na nga akong ipasok sa loob!   “Iyang banga’ng pinupunasan mo galing pang Europa ‘yan,” ani Ate Trina.   “Milyones ang halaga!” dagdag ni Ate Maria.   Mahina akong napasinghap. Imagine, kapag nakabasag ako ng isa sa mga ito, kahit pa siguro kuba na at kulubot na ang balat ko sa pagtatrabaho hindi pa ako bayad! Kinilabutan ako at naging mas maingat pa sa ginagawa.   “Masasanay ka rin, Denny.”   Marami pa silang naikuwento sa akin. Gaya na lang ng tungkol sa negosyo ng pamilya. May-ari sila ng pinakamalaking construction at real estate developer company dito sa bansa. Hindi lang nagtatapos ang saklaw nila, marami pa raw silang ibang negosyo na konektado sa ganoong larangan. It reminded me of my dream of becoming an engineer. Subalit mananatili na lang iyong pangarap. Hindi kaya. Kahit pa nakapag-ipon na ako, hindi rin ako puwedeng kumuha ng kursong engineering. Masyadong magastos at sigurado akong hindi ko kayang tustosan ang pag-aaral. Ang mahalaga na lang sa akin ay makakuha ng kursong makakatulong sa akin na makahanap ng magandang trabaho kalaunan. Ganoon naman talaga ang buhay, limitado ang opsyon kapag nasa mababang antas ka ng lipunan. Hindi lahat ng naisin mo ay makukuha mo.   Natapos siguro kami ilang oras bago ang tanghalian. Wala naman daw ang pamilya kaya hindi abala ang kitchen. At kung nandito raw sila may chef naman na magluluto. Grabe talaga! Papasa na silang royal family.   Nagpupunas ako ng mga baso samantalang si Joy naman ay sa mga pinggan. Tinawag siya ni Aling Susan at sinama sa labas kaya ako na lang ang naiwan. Focus ako sa ginagawa, nakakatakot naman kasing makabasag. Kahit baso ay mamahalin. Siguradong walang gamit dito na mumurahin. Baka pa kahit basahan ay mahal din!   Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang pagbukas ng pinto. Pumasok si Ate Yolly. Dumiretso siya sa cabinet na may lamang mga malalaking pinggan.   “Denny punta ka muna do’n sa kitchen,” aniya.   Binitawan ko ang hawak na pamunas.   “Opo.”   Lumabas ako at tinungo ang kusina, iyong. Naroon si Manang Selya. Siya ang head cook kung wala ang chef. Nasa late forties na at katamtaman lang ang pangangatawan. Siya rin ang namamahala ng pagkain naming. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya na kasalukuyang naglalagay ng pagkain sa isang tray.   “May ipag-uutos po kayo?”   Bumaling siya sa akin.   “Ah, oo… pakidala nitong tanghalian ni Sir Raikko sa kuwarto niya.” Umikot siya at tinungo ang ref.   “P-po?” Medyo napalakas pa ang boses sa gulat. Namimilog din siguro ang mga mata ko. Hindi pa ako handa na harapin siya pagkatapos ng nangyari kanina.   Nakakunot ang noo niya nang bumaling sa akin kaya agad akong umayos.   “Sige po.”   Nilagay niya ang isang baso ng juice roon sa tray bago inabot sa akin. Kinakabahan ko naman itong tinggap. Mahigpit agad ang hawak ko sa tray. Lumabas ako ng kusina at tinungo ang staircase at umakyat sa second floor. Huli na nang matantong hindi ko pala alam nasaan ang kuwarto niya. Para tuloy akong tanga na nakahinto sa tuktok ng hagdan.    Sa gitna ng second floor ay may maluwag na sala. May mga sofa at coffee table. Sa unahan ay pinto patungo sa balkonahe. Ito ang unang beses kung umakyat dito. Gaya sa ibaba marami ring muebles na may hawig sa desenyo sa ibaba.   Palipat-lipat ang tingin ko sa kaliwa at kanan. Nalilito ako saan ba banda ang kuwarto niya. Ang daming pinto. Hindi naman puwedeng buksan ko lahat iyon para mahanap ang kuwarto niya. Aabotin ako ng siyam-siyam.   I am hesitant to go down and ask someone.   I keep on biting my lip. Kinakabahan na naman ako. Paano na ‘to? Bumaba na lang kaya ako? Paglingon ko naman sa baba walang dumadaan. Muli akong bumaling sa mga pasilyo. Sa kaliwa ba iyon o kanan?   Mga limang minuto na siguro akong nakatayo nang umakyat si Joy. Nagmamadali itong umakyat. Nakahinga naman ako ng maluwag na nandito siya.   “Denny? Ano pang ginagawa mo riyan?” tanong niya nang makalapit sa akin.   “Hindi ko kasi alam saan ang kuwarto ni Sir Raikko.”   Napailing si Joy.   “Halika, dito tayo.”   Lumiko kami sa kanan. Habang mabagal na naglalakad ay sinasabi niya kung kaninong kuwarto ang bawat pinto. Kay Sir Rurik daw ang pinakadulo. Katabi nito ay guest room na ginagamit ng sekretarya niya. Dalawang kuwarto pagkatapos ng library ang kuwarto ni Sir Raikko.   “Ipasok mo na ‘yan. May naiwan pa akong trabaho, e,” sabi ni Joy.   Basta niya na lang akong iniwan nang nasa tapat na ng pinto ng kuwarto. Hindi ko na siya napigilan dahil nagmamadali na siyang umalis. Napahugot na lang ako ng malalim na buntong hininga.   Umayos ka Denny!   Hindi ako maka-katok dahil may hawak akong tray. Baka matapon kapag isang kamay lang ang ipanghahawak ko. I calm down myself first. I licked my lower lip and swallowed the lump on my throat.   Wala lang ‘yong kanina. Ano naman ngayon kong tinawanan niya ako? Normal lang namang matisod, a. I sighed again.   “Sir? Nandito na po ang pagkain niyo.”   Walang sumagot.   Ang hina naman kasi ng boses ko. Inulit ko pa at muntik na akong mapatalon sa gulat nang bumukas ang pinto. Mabuti na lang at mahigpit ang hawak ko sa tray, kung hindi nabitawan ko na.   Agad ang pag-iwas ko ng tingin nang masalubong ang malalim niyang mga mata. Naalala ko na naman iyong pigil niyang tawa kanina. Hindi na naman ako mapakali.   “Pakilagay na lang sa lamesa.”   Napakurap-kurap ako. Kumalabog ang dibdib ko sa pinaghalong kaba at hiya.   He opened the door wider and turned his back.   I swallowed hard again before stepping inside his room.   “Saan po ito ilalagay?” Pormal kong tanong habang ang mga mata ay pasimpleng sinusuyod ang buong kuwarto.   Ang laki nito at napakaganda ng pagkakaayos. Panlalaki ang ginamit na mga kulay. Kaonti lang ang mga muebles. The large bed is placed at the center. Sa magkabilang gilid nito ay magagandang lampara na nakapatong sa lamesa. There is one couch, study table, bookshelf… and a glass cabinet. Sa loob ay isang napakagandang miniature bridge. Nakuha noon ang atensyon ko.   “Put it there.”   I tore my gaze off the bridge and turned to the table he pointed. Mabilis akong napakilos nang natantong nakahinto na pala ako. I put the tray on the table near the big window. Medyo nanginig pa ang kamay ko nang ilapag ito.   “What’s your name?”   I stiffened when I heard his voice. Lumingon ako. Mas lalo lang kumalabog ang dibdib nang nasa likuran ko na pala siya. His presence kind off rattle me. Hindi ko alam, masyadong malakas ang presensya niya. He has a playful grin on his face but it’s making me more uncomfortable. Pakiramdam ko kasi pinagtatawanan niya ako. Paranoid lang siguro ako pero hindi ko talaga mapigilan ang kaba at pagiisip ng kung anu-ano.   “D-Denny po, Sir.”   I can’t stand his stare again so I look at the door instead, wanting so bad to go out immediately.   “Kailan ka nagsimula?”   “K-kahapon po.”   He nodded.   “Ah, wala na po ba kayong k-kailangan?” I asked nervously.   “Wala na… Thank you, Denny.”   “Aalis na po ako.”   Humakbang ako pero dahil humakbang din siya nagkasalubong kami. I step to the other side and he did the same thing kaya nagkasalubong ulit kami. Pakiramdam ko mahihimatay na ako. Nag-full blast ang kaba ko.   I heard him chuckled kaya mabilis akong nagangat ng tingin sa kanya. I just confirmed my thoughts. Pinagtatawan niya nga ako!   “B-bakit po?”   He shook his head and stepped aside.   “You look tense,” aniya.   “H-huh?”   “Relax. I don’t bite,” nakangisi niyang sinabi.   My face heated. Obviously, it was a joke but I can’t afford a laugh, not when my palm is sweating. Gusto ko ng lumabas.   “S-sorry po.” I said out of my mind. Hindi na alam ang gagawin o sasabihin. Hindi ako makatingin sa kanya. There is this something, some feeling I can’t name that he makes me feel. Dahil ba guwapo siya? Hindi naman siguro. Hindi lang naman siya ang unang guwapong nakaharap ko. Ah, ewan!   “Alis na po ako.”   Mabilis ang paglalakad ko papunta sa pinto. Binuksan ko ito at nagmamadaling lumabas. Doon lang gumaan ang pakiramdam ko. Kahit nasa pasilyo na ay malalaki pa rin ang hakbang. Ramdam ko ang pamamawis ko. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuloyang makalayo.   Ilang beses akong umiling bago nagpatuloy sa paglalakad.   Sa laki nitong bahay at sa dami naming katulong sana naman hindi na kami magtagpo o kahit huwag na lang madalas. Tingin ko tuwing magkikita kami ay lagi na lang akong mapapahiya. Bakit naman kasi ako kinakabahan? At bakit ba iniintindi ko pa kung nakakatawa nga ang tingin niya sa akin?   Frustrated akong bumalik sa kusina para sabihing naibigay ko na ang pagkain.   Bandang alas dos ng hapon nang dumating ang inabisong mga bisita. Doon daw sila sa may gazebo. Tumulong ako sa paghahanda ng gazebo bago sila dumating.   “Ang guwapo rin talaga ng mga kaibigan ni Sir Raikko.” Bulong sa akin ni Joy. Dala namin ang mga ni-request nilang inomin. Patungo kami sa pool area kung saan naroon na ang mga bisita.   Bahagya akong napalingon sa kanya. Hindi ko pa nakikita ang mga bisita. Narinig ko lang sa usapan ng mga kasama kanina na dumating na nga.   “Crush na crush ko talaga si Sir Illias,” kuwento niya sa akin na parang kilala ko ang tinutukoy niya. Hindi naman ako nagkomento. Iniisip ko pa rin kasi ang nangyari kanina sa kuwarto ni Sir Raikko.   May tatlong lalaki at tatlong babae na mga ka edaran lang din yata ni Sir Raikko. Nasa tubig na ang mga ito kasama si Sir. Ang isa ay nakaupo lang sa sun lounger.   “Iyan si Sir Illias.” Sabi sa akin ni Joy.   “Saan?”   “Iyong nakaupo sa sun lounger.”   Tiningnan ko naman iyong tinutukoy ni Joy na nagiisang nakaupo sa sun lounger. Illias pala ang pangalan niya. Guwapo nga ito gaya ng bukambibig ni Joy. Kung ikukumpara silang dalawa ni Sir Raikko ay mas mabait itong tingnan. Hindi ko maikumpara kung sino ang mas guwapo sa kanila. Both of them are handsome but with different air and features. Ganoon pa man hindi mo naman pupwedeng husgahan ang isang tao base sa itsura lang. Patunay na riyan si Clifford. Sa isang tingin aakalain mong matino. Lalo na kapag tumitig ka sa singkit niyang mga mata at kapag ngumingiti.   I heave a sigh. Ngayon na wala na ako sa amin malamang ay nagpatuloy na ang dalawang taksil sa kung ano man ang mayroon sa kanila. Wala naman na akong pakialam. Nakakainis pa rin talaga isipin na nagpaloko ako.   Naagaw ang atensyon ko sa mga babaeng naghahagikhikan. Magaganda ang mga ito, makikinis din ang balat. Lahat sila ay halatang anak mayaman. Sanay sa maginhawang buhay. Umahon ang isa sa kanila. She walks confidently, flaunting her white two piece. Maganda ang hubog ng katawan. Mukha siyang nasa beauty pageant habang eleganteng naglalakad.   “Si Sir Illias din ang pinakamabait,” Joy said meaningfully.   Muli akong napabaling sa kanya dahil sa pagsasalita niya.   Nakalapit na kami kaya hindi na ako nagtanong ano ang ibig niyang sabihin. May lamesang inilagay sa tabi ng sun lounger kaya doon nilapag ang mga incoming dala namin.   Sinalubong ni Sir Illias ang kamay kong naglalapag ng baso kaya napatingin ako sa kanya. Nagkatinginan kami. He gave out a friendly smile kaya napangiti na rin ako. He has bright smile. Pantay at sobrang puti ng mga ngipin niya. Papasa na siyang modelo ng toothpaste.   “Yelo po?” Nahihiya kong alok. Natagalan kasi ang pagtitig ko sa kanya… and maybe I am blushing too.   Umiling siya. “Ako na.”   Tumango ako. Pagkatapos ma-i-ayos ang mga inomin ay tumalikod na kami ni Joy. Naglakad na kami paalis. Pagdating sa unahan pabiro niya akong siniko.   “Ang guwapo niya diba? Lalo na kapag ngumingiti,” ngisi niya.   Sinundot-sundot pa ni Joy ang tagiliran ko kaya natawa na lang ako. Tama naman siya. Hanggang sa makapasok kami ay iyon lang ang bukambibig niya. Naikuwento na yata niya ang biography nito sa akin. Tila pa iniingganyo ako na magustohan din ito.   Naisip ko tuloy, bakit hindi naman ako kinabahan noong kinausap ako ni Sir Illias?   Pagkatapos namin ay wala na akong ginagawa. Nakaupo lang ako naghihintay ng susunod na utos.   “Denny,” tawag sa akin ni Aling Susan.   Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo at lumapit sa kanya.   “May checklist doon sa storage room sa pool area. Tingnan mo kung ano ang kulang doon. Para ma-ilista nang maisama sa paggo-grocery bukas.”   “Okay po.”   Lumabas na ako ng mansyon. Habang dumadaan sa may pathway, hindi ko maiwasang tingnan ang mga nagkakasayahan sa pool. Mukha silang mga walang problema. Nagsasaya lang walang inaalala. They look carefree and happy with their lives. Mabilis akong nagiwas ng tingin nang makitang may naghahalikan. The other's even cheered. Aware naman ako na normal lang ang ganoon dito pero nagugulat pa rin ako.   Binilisan ko na lang ang paglalakad at hindi na muling tumingin sa pool. Diretso ako sa storage room at ginawa ang inutos sa akin. Kinuha ko ang checklist at tiningnan ang mga nakatala. Kumuha ako ng bakanteng papel ay nilista ang kulang o ubos ng stock. After listing down, I checked it again making sure I did not miss anything before going out.   Kalmado na akong naglalakad at nagawa pang tumingin-tingin sa paligid nang matigilan. I saw the huge bush move a bit kasunod ng mga halinghing. Nanlalaki ang mga mata ko. I squinted my eyes and look at it intently. Gumagalaw talaga!   “D-damn, Raikko… let’s go to your room, please,” malambing na sabi ng kung sino man ang nasa likod ng bush.   I gasp. Natutop ko ang bibig. A-anong meron sa likod ng bush? Tama ba ang narinig ko? Si Sir Raikko? I don’t want to conclude immediately but based on what I saw between my ex and my slut classmate parang alam ko na. At kung iisipin iyong nakita ko sa pool kanina malamang iyon din ang ginagawa nila or… higit pa?   I shook my head. I don’t know why I suddenly feel so disappointed.   I am curious and I am fighting the strong urge to check what’s going on behind the bush. I shook my head. Mind your own business, Denny! Kaya naman iniwas ko na ang tingin sa bush balik ulit sa pathway. Bago pa ako muling makahakbang may nakita na akong likod. Nagpanic ako. At nang lumingon ito ay mas lalo akong nanlamig. Si Sir Raikko!   Kumunot ang noo niya. Sunod na lumabas iyong babaeng naka white na bikini! Hindi naman sila mukhang nagtatago, pero ganoon lang siguro kung sa side ko titingnan. The girl is fixing her bikini top.   For split second, I was stunned and unable to move. Marahil namimilog pa ang mga mata ko. Baka isipin nilang naninilip ako! Agad akong yumuko at naglakad na paalis, isinantabi ko ang nakita dahil sa matinding kaba. Baka pa ma-fire ako. Hindi ko naman sinasadya, e. Paalis na nga ako.   “Oops! Watch out.”   Muntik ko ng mabangga ang kasalubong ko dahil sa ginawang biglaang paglingon. Titingnan ko sana kung nakasunod pa ba ng tingin si Sir. Ugh! Hindi ko nga sinasadya iyon.     Mabuti na lang nakahinto ako agad bago mabunggo. Pagharap ko ay si Sir Illias pala. Sumulyap siya sa likuran ko bago binalik sa akin ang tingin.   “Pasensya na po.” Bahagya akong yumuko.   “You look like you saw a ghost.” Nakangiti ulit siya gaya kanina.   I tugged my ear lightly.   “Ah… wala po.” I laughed awkwardly.   “Ngayon lang kita nakita. Bago ka ba?”   “Opo, Sir.”   Ngumiwi siya kaya nabahala ako sa reaksyon niya.   “Cut the formality. Pakiramdam ko ang tanda-tanda ko na.”   “P-po?” Nagugulohan kong tanong.   “Just call me Illias. What’s your name?” Sobrang friendly ng ngiti niya at pati paraan ng pakikipag-usap sobrang layo kapag si Sir Raikko ang nagsasalita. Ugh! Why am I comparing them?   “Denny po.”   Ngumisi siya at natanto ko kung bakit.   “Sorry…” Agap ko.   “No worries.”   Nagpaalam ako pagkatapos ng maikling pag-usap. Surprisngly, I calmed down a little. Nawala ang kaba ko sa pagkakakita kay Sir Raikko. Ang gaan naman kasing kausap ni Sir Illias. Mukhang palakaibigan talaga siya.   I continued walking. Nang nakailang hakbang na ay muli akong lumingon. I saw him still standing and looking at me. Kumaway siya kaya napangiti na lang ako. Muli kong nakita ang maganda niyang ngiti nang ngumisi siya.   Hindi tuloy mabura-bura sa labi ko ang ngiti. Tama nga si Joy, mabait si Sir Illias. Ngayon ko lang naman siya nakita at unang beses pa lang nakausap pero pakiramdam ko ay likas siyang mabait. I sighed and walked towards the mansion. Masyado yatang convincing si Joy. I think I like him already… or maybe I am already crushing on him. Wala naman sigurong masama. Crush lang naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD