Chapter 24 "Bad day" Nahirapan pa akong lumabas sa quarter para huwag lang makahalata ang mga kasama ko tapos magpapakiramdaman lang naman pala kami rito. Marahan niyang hinila ang kamay ko kaya napaupo ako sa katabing sun lounger ng sa kanya. He look calm and thinking of something. Hindi ko lang mahulaan kung ano. I sighed. Bakit ba lumabas pa ako? Puwede ko namang sabihing abala ako o matutulog na. "Ano? Magtitigan na lang po ba tayo?" Nagsalita na ako dahil mukhang wala yata siyang balak. "I can certainly do that all day." He smirked. Umirap ako at binawi ang kamay kong hawak niya pa rin. "Ilan na kaya ang nabola niyo? Hindi na siguro mabilang?" He shook his head lightly. "I am not a fan of flattery." Umismid ako. "Well... I am trying," he trailed off. "But it doesn't work on

