Chapter 48 "Cowardliness" “Uuwi lang ba ang mga tao rito tuwing isusugod ako sa ospital?” Madramang sabi ni Lola. We are eating our breakfast in the dinning. Si Lola, ako at Tita Leslie lang ang narito. Hindi pa umuuwi si Alexandrino mula sa transakyon niya sa Davao. Isang linggo na ang nakakaraan mula nang lumabas ng ospital si Lola. Mabuti na lang at minor fracture lang ang natamo niya at wala ng ibang iniinda. Mabilis naman siyang naka-recover pero iyon nga pinag-iingat na ng doktor dahil may edad na rin. “Mama,” Tita Leslie shook her head. “Denny,” Lola turned to me. “Po?” “Kailan ka babalik ng Maynila?” Napakurap-kurap naman ako. Nahinto ako sa pagbuhos ng chocolate syrup sa waffles na nasa pinggan ko. Naparami pa yata. “Dito lang po ako.” Kumunot ang noo niya. “Dahil may sa

