Chapter 3
"Memorize"
I stared at him blankly. Hindi ko alam kung paanong interpretasyon ang gagawin sa mga sinabi niya. Pinangunahan ako ng matinding kaba kaya nanatiling nakaawang ang labi ko, walang lumalabas na salita. Mas lalo niya yata iyong ikinairita. Kita ko sa mukha niya.
"Forget it." He said with evident frustration in his tone. "Leave."
"Po? P-pero maglilinis pa... po ako," sabi ko sa maliit na boses.
"Hindi na."
"Okay po. Uhm, lalabas na po ako."
Mabilis akong humakbang. Mas gusto ko na nga lang umalis. Mabuti na iyon dahil hindi ko alam paano pa magtatrabaho kung nandiyan siya. Para bang ang hirap huminga kapag na sa iisang lugar kami. His presence never failed to make me nervous. He is always intimidating despite his smirk. Hindi ko naman alam sa anong dahilan bakit ganito na lang ang nararamdaman ko.
I turned the knob and pulled it to open the door.
"Huwag ka ng bumalik doon sa pool." aniya na nagpalingon sa akin. He is watching me with his intense eyes... again.
"Paano po kung may-"
Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin dahil sa bigat ng titig niya. Para bang sinasabi niyang huwag na akong magtanong at umalis na. Napalunok ako bago tumango. Lumabas na ako. Maingat kong sinara ang pinto pagkatapos.
I sprinted in the silent long hallway. Nang nasa hagdan na ay saka lang naglakad ng mabagal. Iniisip ko rin ang mga sinabi niya. Hindi ko alam ang punto niya. Paano niya nasabing iba ang trato ko sa kanya kumpara sa kaibigan at pinsan niya? Silang tatlo naman ay parehong nirerespeto ko bilang nakakaangat at amo ko.
Wala akong nahagilap sa maraming tanong sa isip ko kaya gaya ng madalas kong gawin nitong nakaraan, ipinagkibit balikat ko na lang.
Thankfully, hindi na ulit ako inutosan na magpunta sa pool. Tumulong na lang ako sa kitchen para sa paghahanda ng tanghalian ng mga panauhin. Magkatulong kami ni Joy na nagbabalat ng patatas at carrots sa kitchen.
Habang abala ang kamay, hawak ang kutsilyo ay panay naman ang kuwento ni Joy. Nakikisali rin si Ate Yolly na iba naman ang ginagawa.
"Bakit kaya hindi na dumalaw si Sir Illias?" tanong ni Joy.
"Umalis kasi sila, nagbakasyon sa ibang bansa." Wala sa sarili kong sagot. Nabanggit niya kasi sa akin noong huling punta niya rito. Pupunta raw silang Switzerland. Kung hindi ako nagkakamali sa susunod na linggo ang uwi nila.
Tinitigan ako ni Joy kaya nahinto ako sa pagbabalat at nagtataka siyang tiningnan pabalik. May mali ba sa sinabi ko?
"Ang daya talaga. Close na close na kayo ni Sir Illias, ilang buwan ka pa lang dito!"
Napailing naman ako.
"Hindi naman."
"Asus!"
"Joy talaga. Parang nagkakausap lang. Issue nito."
Natatawa na lang din ako dahil sa malaki niyang ngisi. Crush niya raw si Sir Illias pero kung manukso sa akin matindi.
"May something talaga eh," she insisted.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
"Sino ba talaga, Denny? Si Sir Illias o si Sir Montelo?" panunudyo pa ni Ate Minda.
Tuloy ang init-init na ng pisngi ko. Hindi ko na sila matingnan na dalawa. I feel awkward being linked to the two. Although, it's funny. Para bang isang malaking biro ang ma-i-ugnay sa kanila. I have no match to the two of them. Sige na crush ko nga silang dalawa, pero hanggang doon na lang iyon. Simpleng paghangya. Just like any normal girl.
Nagtawanan sila ni Ate Minda. Hindi na ako nagsalita pa dahil gagamitin lang nila iyon laban sa akin. Madalas talaga nila akong tuksohin kaya nasanay na rin naman. Pinapalampas ko na lang at hindi na lang binibigyang pansin.
Mula sa malakas na tawa ay biglang nahinto sila nang pumasok si Sir Raikko. Ako naman ay napatuwid ng upo at humigpit ang hawak sa kutsilyo. Nagpatuloy ako sa pagbabalat pagkatapos huminto saglit para lingonin siya.
"S-sir kayo pala. May kailangan po kayo?" medyo natatarantang ani Ate Minda.
"Kukuha lang ng tubig."
He walk towards the refrigerator. Gagalaw na sana si Ate Minda para kumuha ng baso nang pigilan siya ni Sir. Siya na ang kumuha ng sariling baso at nagsalin ng tubig doon.
Napalunok ako nang mapansin ang pagsulyap niya sa akin habang inuubos ang laman ng baso niya. Mabilis ang pagiwas ko ng tingin. Pinagtuonan ko ang binabalatang patatas. Gayun paman nararamdaman ko ang pananatili ng titig niya sa akin.
"Sa lanai kami kakain." Inilapag ni Sir sa sink ang basong ininoman.
"Opo. May iba pa po ba kayong idadagdag sa pagkain?" magalang na tanong ni Ate Minda.
"Wala na."
Naglakad na si Sir paalis ng kitchen. Sumulyap ako kaya nagtagpo ang mga mata namin bago siya tuloyang lumabas sa pinto.
I drew a deep breath. Nagpipigil na pala ako ng paghinga.
Tuloyan na akong naging tahimik kahit bumalik na sa pagkukuwentohan sila Joy. Nagsimula na ring magluto si Manang Susan para sa lunch ng mga panauhin.
Nang matapos sa kusina, tumulong ako sa paghahanda sa lanai. I put the placemats on the table pagkatapos ay bumalik sa kitchen para kumuha ng mga inomin. Dahil marami naman kami mabilis lang ang paghahanda. Tumayo ako sa gilid kasama ang iba pa para hintayin ang mga panauhing papunta na galing sa pool.
Nagsiupo na sila. Lima silang lahat hindi kasali si Sir Raikko. At hindi nila siya kasama. Hindi rin yata siya umalis sa kuwarto niya mula pa kanina.
"Where's Raikko?" tanong ng isa sa mga babae. She has long, blonde-dyed hair. Balingkinitan ang katawan at mapapansin din ang pagkakaroon ng ibang lahi gaya ni Courtney.
Nagkibit balikat si Sir Ceanroy.
"Hindi na siya bumalik. Why?"
"He might be doing something," si Sir Montelo ang sumagot.
"He is not joining us for lunch?" tanong naman ni Vanessa.
"Baka papunta na."
Lumapit ako para lagyan ng inomin ang kanilang mga baso. Kinuha ko ang pitsel na may lamang juice at sinalinan ang baso ni Sir Montelo dahil siya ang pinakamalapit sa akin.
"Thank you, Denny." he glanced at me and smiled.
I nodded and smiled too.
Pagkatapos malagyan lahat, bumalik na ako sa gilid.
"Yaya, can you call Raikko?" sabi noong nagtanong kanina kung nasaan si Sir.
Napatingin ako sa mga kasama. Ako ba ang tatawag? They must have understood my unspoken question kaya tumango sila. Aalis na sana ako sa hanay nang makitang dumating na si Sir. His eyes surveyed the table then to his friends who’s already settled on their seats.
"Akala ko iniwan mo na kami." The blonde hair said.
Umupo si Sir sa kabisera. Mukha namang dismayado ang babae dahil hindi ito umupo sa bakanteng upuan sa kanyang tabi.
Siniko ako ni Ate Grasya kaya naalala kong ako pala ang maglalagay ng inomin. Marahan akong lumapit at nag-excuse para abotin ang pitsel ng juice. Siniguro kong maayos ang pagkakahawak ko dahil baka maibagsak ko ito sa kaba. Nasa akin na ang tingin ni Sir Raikko ngayon. His brows are a bit furrowed. Nakatitig siya sa akin hanggang sa mapuno ko ang baso niya at bumalik sa gilid. Nabaling lang ang tingin niya nang kunin ang atensyon niya ni Sir Ceanroy.
I watched them as they eat. Panaka-naka ay naguusap sila. Ang mga babae ang madalas magbukas ng topic. They throw jokes also and laugh at it. They are engage with their talk, maliban kay Sir Raikko na seryoso sa kanyang pagkain. He is unusually quite. Napuna pa nga ito ng isa sa kanila.
"What's wrong Raikko? You're quiet."
"Just not in the mood." tipid nitong sagot bago uminom ng tubig. Tapos na pala siyang kumain.
Tumayo na siya kaya naman parang nagpapanic pa iyong blonde dahil sa pagtayo ni Sir at akmang pagalis.
"Hey. Babalik ka na naman sa loob?"
"May gagawin pa ako."
"Oh, come on Raikko. I am sure that can wait," malambing na sabi nito.
Sa halip na makinig sa usapan ay lumapit muli ako para kunin ang pitsel ng tubig. Nagpapalagay si Vanessa sa kanyang baso. Tinanong ko naman si Sir Montelo kung gusto rin ba niya dahil wala ng laman ang baso niya.
"Denny." Malamig na tawag ni Sir Raikko kaya marahas akong napabaling sa kanya. Mabuti na lang at hindi ko pa nasasalinan ang baso ni Sir Montelo kung hindi baka maitapon ko lang ang tubig.
"Go to the library. May ipapaayos ako."
Hindi pa man ako nakakasagot ay nagpapalagay naman ng tubig iyong si Courtney. Mabilis akong lumipat sa side niya para salinan din ang baso niya.
"Ngayon na Denny." Si Sir Raikko na mukhang naiinip na.
Nalilito na ako at hindi na maawat ang kabog ng dibdib. Mabilis kong nilapag ang pitsel. Sumunod ako kay Sir Raikko na iniwan na ang mga kaibigan kahit tinatawag pa siya.
Nang makapasok sa loob ng bahay ay nilingon niya ako. I stopped midtrack at bahagya pang napatalon sa gulat sa biglaan niyang pagharap.
"What did I told you?" Mariin niyang tanong. He looks like in a fouler mood now compared earlier.
"Alin po doon?"
"I said don't go out and don't entertain them. Didn't you get it?"
Namimilog ang mga mata ko. Hindi naman siya nakasigaw pero pakiramdam ko galit siya. Mabilis ang pagalala ko kung kailan niya iyon sinabi sa akin. I am sweating bullets already.
"Damn." He cursed and turned his back. Nagsimula ulit siyang maglakad. Dahil mahahaba ang biyas niya ang hirap humabol sa kanya. Mabils niyang narating ang hagdan habang pinipilit ko namang sabayan ang lakad niya ng hindi napapatakbo.
He opened the door when we reached the library. Pumasok siya, ganoon din ang ginawa ko. Huminto lang siya nang nasa gitna na ng malawak na library. The huge bookshelves covered the walls. Maliwanag ang silid dahil sa malalaking salaming bintana kung saan pumapasok ang sinag ng araw.
Binalingan niya ako. "Arrange the books here according to Dewey Decimals. Alam mo ba paano?"
Agad akong tumango kahit inaalala pa kung ano iyon.
"Good. Huwag kang lalabas dito hanggat hindi ka pa tapos."
"Opo."
His gaze fixed on me for awhile before he decided to go out, pero bago pa man siya makalapit sa pinto, muli siyang tumingin sa akin.
"Kumain ka na?"
"H-hindi pa po."
"Padadalhan kita ng pagkain dito."
"Huwag na po." Agap ko, "A-ako na po ang bahala."
"No. Stay here until I say you can go out." Mataman niyang sinabi.
"Sir-"
"Don't argue, Denny."
Wala na nga akong nagawa kung hindi tanawin ang pagsara ng pinto sa paglabas niya. Ilang segundo rin akong nakatayo lang bago natantong hindi ko naman alam paano ba gagawin ang utos sa akin. Hindi ko memoryado ang Dewey Decimal classification! Maliban pa sa dami ng mga libro na nandito. Hindi kakayanin ng isang tao lang kung maikling oras lang ang ilalaan.
Now I am sweating. Nagpalinga-linga ako sa buong library, naghahanap ng solusyon sa problema ko. Lumipas ang ilang minuto pero wala akong nahanap na kasagutan. Naiiyak na ako. Sinapo ko ang noo at nagpalakad-lakad.
Ayaw kong magisip ng masama tungkol kay Sir, kaya lang hindi ko na maitanggi na may galit yata talaga siya sa akin kaya ginagawa niya sa akin ito. Iba naman kasi ang naka-assign na taga-linis at ayos nitong library.
As the minute pass by, I become more desperate and hopeless hanggang sa may naisip ako. Nagmartsa ako patungo sa pinto at binuksan ito, tama lang para sumuot ang ulo ko. I look around looking for someone to help me. Si Ate Carol ang naglilinis ng library pero baka naman may alam din ang iba. Baka si Joy, alam din niya.
Nang makitang tahimik at walang tao ang pasilyo, niluwagan ko ang siwang at lumabas. Kaya lang nasa gitna pa lang ng hallway, nahinto na nang makarinig ng mga yapak. I panicked and immediately retreated.
Ang sabi pa naman ni Sir, bawal akong lumabas!
Nagmamadali kong hinawakan ang knob para mabuksan ang pinto. Hindi paman ako nakakapasok ng tuloyan, may humawak na sa siko ko. Nagugat ako sa kinatatayuan ko.
I know who it is.
"What are you doing?"
Hindi ko na kailangang lumingon pa.
"S-sir... kasi po..." natigil ako nang makita si Joy sa likuran niya. May dalang tray na may lamang pagkain. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Lumipat ang tingin niya kay Sir tapos sa kamay nitong hawak pa rin ang siko ko.
"Go back inside." Aniya.
Agad akong pumasok nang bitawan niya ang siko ko. Naghintay naman akong pumasok din si Joy pero hindi siya pumasok, sa halip ay si Sir Raikko, hawak ang tray. Sinara niya ang pinto. He silently walk towards the wooden table ang placed the tray there before turning to me.
"Sir pasensya na po. Hindi ko po kasi memorize ang Dewey Decimal system." Nahihiya kong amin. "Uhm. Lumabas po ako... para sana magpatulong sa iba."
He arched his brow.
"Kaya ko naman po kung sana may kopya akong puwedeng tingnan."
He shook his head and raked his hair with his fingers.
"Kumain ka na."
"Sir?"
"Eat. Babalikan kita rito."
Iniwan niya akong nagtataka. He puzzles me. Why is he like that? Ako lang ba ang may issue sa kanya maliban sa ibang kasamahan? They seems okay with him tho. Wala akong narinig nareklamo tungkol sa kanya. Siguro ay napaguusapqn siya dahil sa maraming babaeng naii-ugnay sa kanya pero hanggang doon lang 'yon.
Why is he doing this to me?
I am pretty convinced he is holding something against me. Gusto ko sanang malaman at baka may magawa ako, nang sa ganoon ay hindi na ako laging balisa at kinakabahan dito.
Nagdadalawang isip din ako kung kakainin ba ang pagkain. It's weird eating alone at dito pa sa library. We have our own dining at doon lang kami kumakain lahat na trabahante rito. Isa pa ay lagi kong kasabay si Joy o ang iba. Sa huli ay kumain na nga ako nang kumalam ang tiyan. Hindi ko magawang makakain ng maayos kahit masarap naman ang pagkain dahil iniisip ko pa ang gagawin ko. Hapon na at kung ang lahat ng librong ito ay kailangan isaayos ayon sa gusto ni Sir baka hindi ko matapos. Talagang hindi ako matatapos!
Limang minuto pagkatapos kong kumain ay bumukas ang pinto. Tumayo agad ako nang makita ang pagpasok ni Sir Raikko.
"You done?"
Tumango ako.
"Sir, iyong kopya po sana ng Dewey Decimal." Dulog ko sa kanina pa pinoproblema.
"No need."
"Hindi ko po kabisado. Uhm... puwede po bang magpatulong kay Ate Carol? B-baka siya po, alam niya."
He sighed. "I'll help you do it."
"Hindi na po kailangan." Agap ko, natataranta na. "Kaya ko naman po kung mayroon lang sanang-"
"Tutulungan kita," may pinalidad sa tono niya.