One Hundred Fifty Five

2309 Words

"HINDI KO NA ALAM KUNG SAAN PA AKO NAGKULANG!" Hinagpis ni Kael, habang may mapait na ngiting nakapaskil sa mga labi. "Tng ina! Ginawa ko naman na ang lahat, ah!" Sandali itong tumigil sa pagsasalita at tumungga sa hawak na bote ng alak. Para lamang lalong mapangiwi sa pait ng lasa niyon na gumapang sa lalamunan niya. "Ginawa ko na ang lahat, para patunayan sa kanya na nagbago na ako, at kung gaano ko siya kamahal! Sabihin n'yo..." baling nitong muli sa kapatid at mga pinsan. "Saan ako nagkulang? May kulang pa ba? May kulang pa, ha?! Pvtang ina!" Kulang na lang ay mag-igtaran sa gulat ang mga pinsan nitong nakapaligid sa kanya nang ibato nito sa pader ang hawak na bote. Gumawa iyon ng malakas na ingay, bago bumagsak sa sahig ang pira-pirasong mga bubog. Nagkahulan ang mga aso sa kapitb

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD