"BEA, MATAGAL KA PA BA?" Hanggang itaas ng bahay ay dinig ko ang malakas na tinig ni Jack na kanina pa ako minamadali. Isang huling pasada pa sa salamin ang ginawa ko bago ko dinampot ang sling bag sa ibabaw ng tokador at saka patakbong lumabas na ng aking silid habang isinusukbit iyon sa aking katawan. "Beatrice!" Muling sigaw ni Jack mula sa labas ng bahay namin. "Nandiyan na! Wait lang naman!" Balik sigaw ko naman dito. "Grabe naman. Makapagmadali akala mo naman c*m laude siyang ga-graduate. Tss." Bubulong-bulong ko pang turan habang may pagmamadali na sa pagbaba ng hagdan. Mula pa noong isang linggo ay hindi na ako nito tinigilan sa kakukulit tungkol nga sa pagsama sa graduation niya sa Maynila. Noong una nga, ang sabi ko ay tutulong na lang ako sa paluluto sa bahay nila para sa m

