"ANG BANGIS TALAGA!" Nagulat pa ako nang mula sa likuran ko ay sumulpot si Jack at walang pakundangan na ginulo ang buhok ko. "Ano ba?!" Nakasimagot na pinalis ko ang kamay nito. "1.5." Natatawa pa ring patuloy nito habang nauupo sa tabi ko. "Kamuntik mo nang na-flat one, ah." Ipinaikot ko ang mga mata ko at inirapan ito. "OA ka. Ang layo ko pa para sa flat one, noh! Saka hindi naman ganoon kahirap kasi ang course ko. Hindi katulad ng sa 'yo." Nakatikwas ang mga labi na nagkibit ito ng mga balikat. "Still. Nasa one pa rin. Pa-canton ka naman." Inirapan ko itong muli. "Ikaw? Kumusta ang grades mo?" Kapagkuwan ay tanong ko, bago walang paalam na hinatak sa kamay nito ang hawak na class cards. Napahinga na lang ng malalim si Jack. "Ayan, pumasa naman. At least makaka-graduate na 'ko."

