"PA, HA, TANDAAN MO yung mga bilin ko sa 'yo..." pahabol kong bilin kay Papa, habang tinatapik-tapik ang likod ng palad nito na hawak ko. Doon din nakatuon ang tingin ko. "Kapag may mga importanteng ganap, tawagan mo kaagad ako. Or, patawagan mo ako para naman hindi ako nagugulat at nag-aalala." "Opo, 'Nay..." nag-angat ako ng tingin dito dahil sa isinagot nito sa akin. Para lang makita na nakatingin ito sa akin na may pagka-aliw sa mga mata. Ngayon na ang araw ng balik namin ni Kael sa Maynila. Ang buong pamilya nito ay noong isang araw pa nakauwi. Dumaan pa ang mga ito rito sa bahay bago umalis upang magpaalam sa papa ko. Pero ayon kay Kael, ang mga pinsan niya ay kahapon lang yata nakaluwas. Masyado yata ang mga itong naaliw dito sa lugar namin at naisipan pang mag-extend. Katulad n

