"ANO'NG IBIG MONG SABIHING NAKALABAS NA? Bakit hindi ko nalaman? Bakit hindi mo itinawag sa akin kaagad?" Kulang na lang ay maghisterya ako habang kausap ko sa kabilang linya ang nurse ng papa ko. Tumawag ako rito upang kumustahin ang huli at sabihin dito ang binabalak ko sanang pag-uwi sa aming bayan. At gayon na lamang gulat at kabang dumapo sa dibdib ko nang sabihin nito sa akin na nailabas na nga raw ng ospital ang papa ko, noon pang makalawa. Mabuti naman na raw ang kalagayan nito, ayon pa sa nurse at binigyan na raw ng go signal ng doktor na maaaring sa bahay na lamang magpagaling. Napaghilom na raw ng gamot ang pumutok na ugat sa utak nito at malayo na raw sa kapahamakan. Kahit na papaano ay natutuwa ako sa ibinalita nito sa akin. Ang ikinaiinis ko lang, dapat ay sinabihan ako n

