"BABY..." "Hmmm...?" Mula sa paghihiwa ng mga sangkap para sa lulutuin kong sinigang, na ulam namin mamayang gabi ay nag-angat ako ng tingin kay Kael. Kinunutan ko pa ito ng noo. Kanina ko pa ito napapansin na parang may gustong sabihin, hindi lang masabi-sabi. Kanina pa kasi ito ikot nang ikot dito sa kusina. Ilang beses ko na itong itinaboy na matulog na lang sa taas at tabihan si Nickos pero ayaw daw nito. Tutulungan niya raw ako na magluto. "Kael, kung may sasabihin ka, sabihin mo na," ani ko rito bago muling ibalik ang atensyon ko sa ginagawa ko. "Kanina ka pa diyan hindi mapakali." Umangat ang tingin nito sa akin ngunit tanging mata lang nito ang gumalaw. Waring tinatantiya pa rin ang mood ko. Huminga ako ng malalim at itinukod patayo sa sangkalan ang hawak kong kutsilyo. Muli

