FLASHBACK "Alam ko po, sir, ma'am, na maraming beses ko nang nasaktan si Rhia..." tiklop tuhod, at yuko ang ulo kong pahayag sa ama at tiyahin ng babaeng pinakamamahal ko. Lingid sa kaalaman ni Rhia, mag-isa akong bumiyahe patungong San Clemente upang lihim na hiningin ang kanyang kamay sa kanyang ama. Ang akala nitong biyahe ko para mag-asikaso ng tungkol sa negosyo ay sinabi ko lang para magawa ko ang mga dapat kong gawin nang hindi siya naghihinala. Gusto kong ipakita sa kanyang ama, na kahit kasal na kaming maituturing ay hindi ko pa rin binabalewala ang papel niya bilang ama ng asawa ko. Walang kaalam-alam ang babae na pasikreto akong nagpe-prepera para sa aming kasal sa simbahan. At alam ko na ang unang-unang hakbang na kailangan kong gawin ay makuha ang basbas ng nag-iisa na la

