"B-BABY..." Bakas ang pinaghalong pagkataranta at takot sa mga mata ni Kael habang pinagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at sa nakatatanda nitong kapatid, na hindi rin malaman kung ano ang gagawin sa tabi ko. Nasa mga mata rin nito ang guilt. Ngunit hindi ito sa akin nakatingin kung hindi sa talipandas nitong kapatid. "A-anong ginagawa n'yo rito?" Daig pa ang nakakita ng multong tanong pa nito. Sarkastiko akong ngumiti. "Bakit? Hind ba dapat ako nandito? Nagulat ka ba, kasi nahuli na naman kitang gumagawa ng kalokohan?" Sandali ko pang sinulyapan ang katabi nitong halata rin ang tensyon sa mga balikat. Mariin pa itong napalunok at halatang nag-aapuhap ng sasabihin. "Wala akong ginagawang kalokohan. Ano ka ba naman?" Depensa kaagad ng magaling na lalaki. Lalo namang nagsiklab ang k

