""AY, ANG BONGGA naman pala ng sister in law, mo, sis!" Anang baklang couturier na kaibigan ni Ate Krizel habang sinusukatan ako. "Pak na pak! Ang pretty!" Pumipilantik pa ang mga daliring dugtong nito matapos hilahin ang tape measure mula sa baywang ko at paikutin naman sa balakang ko. "Of course, bakla!" Ngiting-ngiti, at anyong buong pagmamalaki namang sagot ng hipag ko habang nakaupo at nakamasid sa amin. "Bawal ang pangit sa lahi namin, no!" "Naman! Kukuha ba naman ng pangit ang super yummy mong mga brothers? Meghad!" May pagtirik pa ng mga matang maarteng saad ng bakla. Sandali itong lumingon sa katabing assistant at idinikta ang nakuhang sukat. Kaagad naman iyong inilista ng babae sa tablet na hawak nito. "At preggy pa 'ika mo ang isang 'to, ha!?" "Uhmm..." Pinag-krus ni Ate Kri

