"HMMM..." Kahit nakapikit ang mga mata ay kumunot ang noo ko nang may maramdaman akong mainit na bagay na dumadampi-dami sa iba't ibang parte ng mukha ko. Sumimangot ako at pinalis iyon, saka pumakabila ng higa upang makaiwas. Antok na antok pa ako. Hindi ko na alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi. Hinahanap-hanap ko ang presensya ni Kael. Parang hindi na ako sanay nang hindi ito katabing matulog. Hinahanap-hanap ko ang init ng katawan nito sa balat ko. Mabuti na lang talaga at mamayang tanghali pa ang pasok ni Nickos. Makakahabol pa ako ng kaunti pang tulog. Half-sleep, inabot ko ang comforter na nakabalot sa akin at itinaas hanggang ilalim ng baba ko, at inipit iyon doon. Muli na naman akong nahimbing. Nang muli kong imulat ko ang mga mata ko ay mataas na ang araw nang tum

