"A-ANO'NG---" Napaawang ng malaki ang mga labi ko nang buksan ko ang pintuan at makita ang mga tao sa likod niyon. Bumungad sa akin ang walang kangiti-ngiting mukha nina Senyor Alejandro at Senyora Milagros. Sa likod ng mga ito ay naroon naman sina Kuya Rafael at Ate Krizel. Kabaligtaran ng mga magulang ay abot naman hanggang tainga ang ngiti ng magkapatid nang makita ako. Maliit pang kumaway sa akin si Kuya Rafael. Alanganin ko itong nginitian. Hindi ko nga alam kung ngiti ba, o ngiwi ang gumitaw sa mga labi ko sa gulat, sa pagkakita sa mga ito. "Mommy Betty!" Mula naman sa pagitan ng Senyor at Senyora ay lumitaw si Nickos. Malawak na malawak din ang ngiti sa mga labi nito. Nakataas pa ang dalawang kamay na animo ginugulat talaga ako. Oh, well... kung ako ang tatanungin, gulat na gu

