"HE'D RATHER NOT SAY THAT HE LOVES YOU, kaysa paasahin ka niya na mahal ka niya, kahit hindi naman talaga." Hindi ko maiwasang mapait na mapangiti sa sinabi nito. Katulad ng palagi kong sinasabi... naniniwala naman ako na mahal ako ng lalaki. Iyon nga lang masyadong malaki ang puso ni Kael. Kaya nitong magmahal ng dalawang babae ng sabay. "I heard, inalok ka na niyang magpakasal?" Napatingin ako rito. Ganoon ba talaga sila ka-close, para mai-kwento ni Kael ang bagay na iyon dito? Pabuntong-hiningang alanganin akong tumango. "And?" Nangunot ang noo ko at nagtatanong ang mga matang sinalubong ang tingin nito. "Nag-no ka?" Bakas na bakas ang kuryosidad sa tinig at mga mata nito. Kung titingnan ang babae, para lang itong tsismosang kapitbahay na nangangalap ng tsismis, first hand, s

