KANINA PA AKO paroo't parito. Mula pa lang nang ibaba ni Kael ang tawag ay hindi na ako mapakali. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nito kapag nagkita na kami. Though, sinabi nito na hindi naman ito galit, kaya huwag na akong mag-alala... alam ko naman na kahit papaano ay sumama ang loob nito sa ginawa ko. Hindi ko tuloy alam ngayon kung papaano ko ito aamuin, pagdating. "Beatrice, maupo ka nga ritong bata ka, at baka mapa-anak ka nang wala sa oras sa kauuli mo riyan." Narinig kong mahinahong saway sa akin ni Papa. Nakalabing nilingon ko ito. Isinampay ko ang dalawa kong kamay sa magkabila kong baywang at huminga ng malalim. "Kinakabahan po ako, Pa." Pag-amin ko rito. Iwinagwag ko pa sa ere ang mga daliri ko. "Paano kung galit po pala talaga sa akin si Kael?" Ani ko, pagkatapos ay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


