HINDI KO NA MABILANG KUNG ILANG buntong-hininga na ba ang nagawa ko. Hindi na rin maipinta ang mukha ko. Kanina ko pa napapansin na parang masama ang gising ko. Mula pa kaninang pagkagising ko ay may hindi maipaliwanag nang inis na namamahay sa dibdib ko. Mag-isa lang ako rito sa bahay pero para akong may ka-silent war kung magsisimangot ako. Idagdag pa, na kanina pa ako tawag nang tawag kay Kael, pero lagi na, ay ang sekretarya nito ang sumasagot sa akin at ang laging sinasabi ay nasa gitna pa raw ito ng isang mahalagang meeting at hindi maaaring abalahin. Gaano ba kaimportante ang meeting na iyon at hindi ito maaaring nakausap kahit isang minuto lang? Saka isa pa, twelve thirty na. Lunch time na, kung tutuusin. Hindi ba sila nagugutom? Ako nagugutom na. Pero hindi ko naman alam kun

