"D-DID YOU DO THE DNA TEST?" May kinig ang tinig na tanong sa akin ni Rhia matapos kong isalaysay dito ang lahat ng mga nangyari. Mahina akong tumango. Huminga ito ng malalim. Saka mabigat ang tinig na nagtanong. "At ano ang resulta ng test?" Pigil ang hiningang tanong nitong muli. Tumingin muna ako ng matiim dito bago sumagot. "Negative. Hindi sa akin si Hannah." Marahas itong nagpakawala ng paghinga. Parang nabunutan ng napakalaking tinik sa dibdib. "Pero natutunan ko nang mahalin ang bata. Pati si Nickos ay gayon na lang din ang pagmamahal at pag-aalaga rito bilang nakababatang kapatid." Mahinang tumango si Rhia. Katulad ng dati, kapag ganitong kalmado ito, mas lalo akong kinakabahan. Feeling ko kasi may niluluto itong kung anong balak sa utak nito. Lumapit ako sa kinauupuan ni

