"I DON'T THINK, BIBILHIN NI KAEL ang dahilan na 'yan..." Nakangiwi kong ani kay Brianna habang tulak-tulak ang push cart na naglalaman ng ilang grocery. Kaka-grocery lang naman kasi namin ni Kael noong linggo kaya puno pa ang pantry namin, kahit ang ref. Parang sinamahan ko lang talaga si Brianna, at namili na rin ng kaunti. Dinampot ko ang isang karton ng pancake mix at binasa ang label. Hindi kasi iyon ang regular na binibili ko para kay Nickos. Out of stock daw. Nang makita kong okay naman, ay naisip kong subukan. Nagkibit ako ng mga balikat at kumuha ng dalawa pa, saka inilagay sa cart. Okey na rin, kaysa wala. Lalagyan ko pa naman ng real fruits iyon kaya mas mapapasarap ko pa, kung sakali. Akmang itutulak kong muli ang cart nang mag-vibrate ang cellphone na nasa loob ng sling bag

