One Hundred Twenty

1613 Words

"KUMUSTA?" Kay Kael nakatuon ang nang-uusig na mga mata ni Brianna. Ang lalaki naman ay nag-iwas ng tingin dito. Nakatiim ang mga bagang. Na labis kong ipinagtaka. Bakit? May pinag-awayan ba ang mga ito? Nakatingin lang ako sa mga ito. Nakikiramdam. Kanina ay kinambatan ni Brianna ang asawa nito at siya nitong pinapwesto sa counter upang mag-angat at magbayad ng kanilang mga pinamili. Pagkatapos ay ito naman ang lumapit sa amin. Noong huli ko itong makita ay ipinagbubuntis pa lamang nito ang kambal nito. Ngayon ay malaki na naman ang tiyan nito at mukhang ilang buwan na lamang ang hinihintay at muli na naman itong magluluwal ng panibagong sanggol. Bumaba rin sa tiyan nito ang tingin ng babae. Saka matamis na ngumiti. "Panglima." Taliwas sa mga ibinigay nitong tingin kay Kael kanina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD