"CONGRATULATIONS, MR. AND MRS. DA SILVA!" Masayang bati sa amin ni Dra. Salve, ang OB GYNECOLOGIST na inerekomenda raw ni Brianna. Ito diumano ang doktor na nagpa-anak sa babae sa lahat ng mga anak nito. Abot pa rin hanggang tainga ang ngiting bumaling ito sa akin. "According dito sa pregnancy test kit na ginawa natin, it's positive. You are pregnant!" Kanina ay may iniabot itong pregnancy test kit sa akin at itinuro kung papaano gagamitin. At makalipas nga ang ilang sandali ay lumabas na ang positibong resulta. Hindi ko maintindihan kung ano ang mararamdaman ko. Kahit pa nga ba sabihing inaasahan ko na ang balitang iyon, pakiramdam ko ay ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko pa rin maiwasang panikipan ng paghinga. Maaaring sa excitement... o, labis na kaligayahan. Wala sa

