"BABY, ARE YOU OKAY?" Bakas ang pag-aalala sa tinig at mga mata ni Kael nang bumaling sa akin. Isang mahinang tango lang, habang may maliit na ngiti sa mga labi ang isinagot ko rito. Mula pa kanina, pagbalik namin ni Kira sa loob ng mansyon ay panay na ang tanong nito sa akin kung ano ang pinag-usapan namin ng babae. Pero lagi na, ay isang kiming ngiti lang ang isinasagot ko rito. Alam ko nag-aalala ito dahil pagkatapos ng naging pag-uusap namin ay kapwa kami naging tahimik ni Kira. Maging si Bogs ay nakita kong tinanong ang babae kung okay lang ba ito. At katulad ko, isang kiming tango lang din ang isinagot nito rito. Huminga ng malalim si Kael at muling ibinaling ang tingin sa daan. Kapwa kami tahimik hanggang sa makarating sa bahay. Gayon pa man, sa gilid na mga mata ko ay nakikit

