"AND I FINALLY MADE IT..." huminga ng malalim si Kira at nag-angat ng tingin sa akin. May maliit na ngiti sa mga labi nito, ngunit wala naman sa anyo ang galak. "Nagawa kong saktan ka. Nagawa kong mapaalis ka sa buhay ni Franz." Bahaw akong ngumiti rito. "Yeah. Nakuha mo rin ang gusto mo." Punung-puno ng panunumbat ang mga matang tumingin ako rito. "Sumaya ka ba?" "At first, oo." Matabang itong ngumiti. "Sabi ko sa sarili ko, baka may chance na ulit ako. Baka pwede na ulit." "Tss." Ismid ko rito. Pero katulad kanina, ay hindi nito ininda ang panunuya sa anyo ko. "Kaya lang..." sandali itong tumigil at tumingin sa akin. "...hindi na pala pareho ng dati ang nararamdaman ko." Pinilit kong panatilihing blangko ang mga mata kong nakatingin dito. "Iba na pala ang gusto ng puso ko." Si Bo

