One Hundred Forty

2018 Words

HINDI NAMAN naging kainip-inip sa akin ang mga sumunod na sandali, pag-alis ni Kael, kaninang umaga. Katulad nga ng sinabi ko, bibihira na lang umatake ang morning sickness ko. At ipinagpapasalamat ko na hindi isa ang araw na ito sa mga iyon. Wala kasing mag-aasikaso kay Nickos, kung nagkataon. Pag-alis ng lalaki ay kaagad akong nag-asikaso ng pagluluto ng almusal para kay Nickos. Hindi ko naman kinakailangan pang pag-isipan iyon nang mabuti, dahil pancake lang laman talaga ang gusto nito. Sa pagkakataong ito ay saging naman ang dinurog ko at inihalo sa mixture. Kanina bago umalis si Kael ay sinabayan na ako nito na kumain. At dahil nga mas pinili ako nitong unahin kaysa sa almusal namin, wala akong naihanda na kahit na ano. Paglabas namin ng silid ay kakaunting oras na lamang ang nati

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD