Drake Fujiwara POV
Umarko ang kilay ko pataas habang nakatingin sa monitor. Nakikita sa monitor ang mga ginagawa saan mang sulok ng buo campus. Kasalukuyan ako nakatingin sa kaka-install ko lang na Tapo isang brand ng wi-fi cctv. Nagulat ako sa pinakita pag-uugali ng bagong transfery, paano nito nalaman na mayroon CCtv doon.
"Creed!" galit ko tawag sa vice president, masama ko tiningnan ang lalaki pumasok sa pintuan habang nakayuko ito. Nasisiguro ko ayaw nito makita ang crimson eyes ko.
"Paano nalaman ng babae na iyan na may cctv doon? hindi ba sabi ko itago mo? Napakamot sa ulo ang lalaki, maya-maya lang ay bigla ito natawa.
"nasa high-tech na tayo Press, kaya nasisiguro ko alam iyan ni Bb. Schiro."
" Basta Ipalipat mo iyan!" galit ko sabi dito. Kumamot ito ulit sa ulo, marahil alam na nito ang gagawin.
Tiningnan ko muli ang babae nasa canteen kasama ang dalawang tila ba body guard nito.
CRISELDA P.O.V
Nag-punta ako sa library para magresearch para sa assignment namin. Nasa tapat ko si Siera na natutulog lang. Kahit pala assassin school ito, may mga subject parin para sa normal na studyante.
Who's Joseph Lister? He's a British surgeon and medical scientist. Who were the founder of antiseptic medicine and a pioneer in preventive medicine? While his method, based on the use of antiseptics, is no longer employed, his principle—that bacteria must never gain entry into an operation wound—remains the basis of surgery to this day. He was made a baronet in 1883 and raised to the peerage in 1897.
Tahimik ako nagbabasa ng bigla may nagtiklop ng binabasa ko. Pag-angat ko ng ulo mga lalaki sa tantiya ko nasa kaedad lang ni Shawron Creed. Napansin ko ang Cresent Moon na hikaw sa kaliwa tenga nito. Fujiwara Clan!
"Hi. Totoo pala ang sinasabi ng lahat. Ang tagapagmana at nagiisa prinsesa ng Schiro nasa school na namin. " ngumisi ito sa akin at tinukod ang dalawang kamay sa lamesa. "Beautiful Prinsesa! Akala ko hanggang panaginip lang kita makikilala. Napaka-ilap mo kasi sa mundo ginagalawan natin. Balita ko nga tinatago ka ng Daddy mo para di mapakinabangan." Sinabayan nito ng naka-ka-aliw na tawa. Nagtawanan din ang mga kasama nito.
"Do I know You? Kung mailap ako, bakit mo ko kilala?" masungit ko sabi dito.
Tumawa ito. "Fujiwara ako kaya kilala ko lahat ng babae kalaban man ito at kakampi. Kaya alam ko kung sino ang quality at non-quality." Dumiretso ito ng tayo. Alam mo ba nasa black listed ka kung saan hindi ka dapat pinapalabas ng palasyo niyo. Sempre iba usapan ang Nagiisa din anak ng mga Sakuragi,Amasona kasi iyon." Naaaliw na mahina nito sabi sa huli salita.1
"Ano naman kung Fujiwara ka? Mukha ka naman kupal at kulugo.!" Uminat ng katawan si Siera at masamang tiningnan ang mga di kilalang tao, nangugulo sa tahimik nila buhay.
Natawa naman ang lalaki nagpakilala fujiwara. "Baka nakakalimot ka miss kung saan teritoryo kayo napapabilang nagyon."
Pinagmasdan ko ang lalaki nakatayo ngayon sa gilid ko. Dalawa lang kutob ko sa tao na ito. Hindi siya kagaya ng lalaki may pulang mga mata. Wala ako kahit ano takot na nararamdaman. Pero isa lang masisiguro ko, hindi ito mapagkakatiwalaan at hindi Mabuti tao.
"Wala kami paki kung sino man ang nagmamay-ari ng teritoryo ito. Nandito kami para mag-aral at hindi para makipagcompitensya sa mga angkan niyo. Kaya pwede ba ? maghanap na lang kayo ng mapagtritripan!" sabi ko at sinimulan ligpitin lahat ng mga gamit naming.
Tila hindi nagustuhan ng lalaki ang sinabi at ginagawa ko. Kaya hinila na nito ang braso ko. Nanlilisik ang itim na itim nito mata. Ang pagkakaalam ko sa behavior ng mga fujiwara mabilis uminit ang mga ulo nito. Kaya lagi ito at ang Sakuragi nagsasalubong.
"Hindi ko akalain may pagkabastos din pala ang mgakagaya mo. Hindi mo gugustuhin makalabang ang kagaya ko. Wala ako sinasanto sa mga kagaya mo kahit mukha ka kagalang;galang."
Nagpumiglas ako. Maski si Siera na akmang tatayo sa inuupuan ng hawakan ng dalawang lalaki na kasama ng mayabang na ito.
"Bitawan mo ko! Wala ako oras para sa kagaya mo!"
Hinila ako nito palabas ng library Nakita ko pumiglas si Siera at lumaban sa dalawang lalaki. Nang mapatumba nito ang dalawang lalaki agad ito sumunod sa amin. Hinawakan ako sa leeg ng lalaki mayabang na isang fujiwara. At tinapat sa akin ang hawak nito kunai. Naramdaman ko ang hapdi dahil sa daplis ng dulo ng kunai.
"Don't move! Or else! She will Die!"
Makikita sa mukha ni Siera ang magkahalo takot at pangangamba kung ano dapat niya gawin.
"Bakit mo ba ginagawa ito!? Ano ba kailangan mo sa akin?"
Tumawa ito. "You know what I need! Matagal na ako humahanga saiyo. Masydo ka lang tinatago ng magaling mo kuya. Kaya siguro Nawala siya dahil masyado siya mahina!"
Sa sinabi nito, nainsulto ako dahil sa sinabi nito. Kailan man hindi naging mahina si Kuya! Siya ang kuya ko lagi ako pinagtatangol at masasabi ko wala binat-bat sa kahit sino. Ang tanging tao nagturo sa akin ng mga combat skill at lumaban.
Huminga ako ng malalim saka ko mabilis hinawakan ang kamay nito nakasakal sa akin at sinipa ang binti nito saka pinilipit ang braso nito. Masasabi ko mabilis ang nagging pagkilos ko. Pero sa klase ng tao kaharap ko ang tangka pagpilipit ko ng kamay nito nagawa nito icounterpart. Nagawa ako nito hilahin at suntukin sa sikmura.
Napadaing ako sa sakit sa harap ng mga tao sa loob ng library nasaksihan ng mga ito ang nangyari pero ni isa wala naglakas ng loob kalabanin ang lalaki nasa mataas na angkan. Malakas na sampal ang binigay pa nito sa akin na nagpadugo ng labi ko at napalupaypay ako sa sahig. Sa mga sandali na iyon nakalapit na sa akin si Siera. Pero sinabunutan ito ng isa sa mga kasamahan ng lalaki mayabang na ito.
"b***h!" sinabunutan din ako ng lalaki sumapal sa akin. Napabitaw lang ito sa pagkakasabunot sa akin ng may tumagos mula sa kung saan ng isang kunai papunta sa kamay ng nakasabunot sa akin. Kung hindi lang marahil nito agad nabitawan ang buhok ko malamang tumama ang kunai sa likod ng kamay ng lalaki. Nabawasan ang buhok ko dahil tumagos sa buhok ko ang kunai.
"s**t! Bastard! Tuminigin ito sa pinanggalingan ng kunai. Lumapit sa akin si Siera at pinunasan ang nagpapawis ko mukha na may bahid din dugo. Nag-aaalala ito , ngumiti ako para mabawasan ng bahagya ang pag-aalala nito. "Im sorry, hindi kita napagtanggol!"
"I-Im Okay!"
Nakita naming papalapit si Shawron sa amin. Iisipin ng lahat na marahil kay Vice President nang-galing ang kunai na iyon. Pero alam ko, kahit nanlalabo ang paningin ko, nasisiguro kung kanino nanggaling ang kunai na iyon. At bago ako mawalan ng ulirat tiningnan ko muli ang kunai.
Thank you, Crimson Blood! For saving me again!