Chapter Seven

1002 Words
David Pov: Nakakatuwa nakipag-hand-shake ako kay Miguel Sakuragi. Yes! Were best of friend, Remember magkapanalig ang angkan naming at angkan nila. Ginawa lang nila ang pagsalubong noon unang araw para wala ng iba pa makisali. Kung hindi nga lang sa kunai na lumapad kay Criselda noon baka nagtagal pa ang laban namin. Medyo namiss kasi namin ang isat-isa. "kamusta pre! Namiss kita, my gosh!" sabay yakap dito na hindi nito kinatutuwa at agad ako sinuntok sa tiyan. Medyo mahina lang naman yakang-yaka kaso napaubo ako, Sobrang hina ba naman kasi ng suntok nito. "Puta! Bakit nandito kayo? Hindi mo 'man lang sinabi sa akin na darating kayo sa school na ito! Alam ba ito nila Mommy?" Bigla ako nakaramdaman ng kaseryosohan. Mukha nasa delikado kami na sitwasyon. "Sa totoo lang hindi ko din alam, Eh. Basta bigla na lang ako tinawagan ni boss Ezio at pina-enroll na pala niya kami dito. Bantayan ko daw ng maigi si future wife, Hahaha" "Hindi dapat kayo nagpunta dito! Lalo na ang sinasabi mong future wife mo na kapatid ni Alfie. Saka anong future wife? Eh, sa pagkakatanda ko sa akin pinapa-kasundo ni Uncle Ezio ang anak niyang babae, Kaya anong future wife ka diyan!" Bigla naman ako nalungkot. Ang dami talaga nagkakagusto sa future wife ko. Saka alam ko namang hindi rin magkakagusto sa akin ang kagaya ni Criselda. Para siyang isang Bituin mahirap abutin, haist! Natawa naman ang kaharap ko, napansin ata nito ang pagka-lungkot ng mukha ko, "Biro lang!" tinapik nito ang braso ko."Pero alam mong totoo ang sinasabi ko, Narinig ko na kasi minsang nag-uusap sila Daddy at Uncle Ezio about sa arrangement wedding, si Daddy kasi ang nag-open noon, pero sinabi ni Uncle na ang anak niyang babae ang magpapasya at hindi niya kailanman panghihimasukan ang bagay na iyon. " Tama, kahit ano pang pilit ng mga angkan namin hindi papayag si Criselda magkaroon ng kahit ano communication o makapag-asawa pa ng isang mafia. Mas gustohin pa nito mamuhay ng payapa at hindi makikisawsaw sa larangan ng mafia. Isang pagkakamali ang nagawa ng sumakabilang-buhay na ina nito. Ginawa nito mabuti at sinilang ang isang anghel sa mundo ng mga demonyo. Sayang nga lang at nawala si Alfie, kung hindi ito marahil namatay sa isang am-bush na nanatili sana ngayon si Criselda sa italy at pinagpapatuloy ang pagdodoktor. Napatigil kami sa paguusap ng may humahangos na lalaki ang biglang sa amin ay lumapit. "ikaw ba iyong kasamang lalaki noon magandang babae na may mala-anghel na mukha?" Sabi nito na nagpakunot ng noo ko, "oo ako nga bakit?" bigla ako kinabahan, Baka napaano na si Criselda. Noon nasa italy kasi kami, lagi napapag-diskitahan ng ilang kalalakihan ang dalaga dahil sa taglay nito kagandahan. "naku, Hinihila siya ni Acyn palabas ng library! " "who's Aycn?" takang tanong ko. Nagulat pa ako ng maunang nawala sa paningin ko si Miguel. "Acyn Fujiwara, Pinsan Ni President!" Fujiwara? f**k! Sinasabi ko na nga ba, dapat talaga lagi akong nasa tabi ni Criselda. Mabilis ko din tinakbo ang lugar kung saan sila naroroon. Hindi na ako nakapagpasalamat pa sa lalaking nagsabi sa akin. "You're late, Knight and shinning Armor!" Bungad sa akin ng malditang kapatid ni Miguel na nakasandal sa hambana ng pintuan ng library. Humahangos pa na huminto ako sa tapat ng library. Buhat-buhat ng isang lalaki si Criselda habang nakasunod ang nag-aalalang si Siera. Nang Makita ako ng babae masama ako nito tiningnan na para bang tinatanong kung saan ako galing. Humarang ako sa lalaki nag-bubuhat kay Criselda. "Move." matigas ang bawat salita nito na nagpaalis sa akin sa harapan nito. Pakiramdam ko napakawalang kwenta ko dahil hindi ko man lang naipagtangol ang babaeng napakahalaga sa akin. Nakakainis isipan na mayroong mas nauna sa akin ngayon sa pagliligtas kay Criselda, samantalang dati ako ang nasa tabi nito. "Napaka-arte! Huhuli-huli kasing dumating tapos sasama ang loob, Napakabagal kumilos, tapos mag-eemote, Tsss..." naka-irap na sabi sa akin ng malditang kapatid ni Miguel bago ito umalis sa pinag-pwestuhan. Diko ko alam kung comfort ba iyon, Pero natawa ako sa isipan. Mahilig talaga magtago ng emosyon ang mga Sakuragi. Tinapik naman ni Miguel braso ko. "wag ka sana magkagusto sa suwail ko kapatid, David. Hindi mo kakayanin ang tantrums niyan!" natatawa sabi ni Miguel bago umalis sa harapan ko. "tss! Asa magkakagusto ako sa malditang na iyan, Napaka-sama ng ugali!" Natawa lalo si Miguel. "Wag mo sana kainin ang bawat salita mo, parekoy!" Napakamot ako sa ulo ko. Saan kaya dadalhin ng lalaki na iyon si Criselda? Kinuha ko phone ko at tinext si Siera. "dito kami sa clinic kasama si vice-press! Napaka-irresponsible mo! Asan ka ba kasi kanina? Muntik na magang-rape ng Fujiwara na iyon si Criselda! Baka gusto mo mapatay tayo ni Tito! Buti na lang talaga at dumating si vice! Saka dapat tayo ang nag-proprotekta sa kanya! alam mo naman hindi ito marunong lumaban at may pagka-tanga! Haist, nag-aalala ako may pasa siya sa mukha wala pa siya malay! Hay naku, naman talaga oh, Pumunta ka na dito baka di mo pa alam saan ito kakaltukan na talaga kita!" Haist, napakahaba talaga mag-chat ang babae na ito buti na lang talaga at hindi ko ito kaharap, naku parang patutina pa naman ito kung manermon. Kumyom ang kamao kong maalala isang Fujiwara ang kanina na-engkwentro ng dalawang babae Schiro, Ang mga Fujiwara na kilala sa hayok sa laman ng babae. Ang pagkakaalam ko mayroon ako nabasa na isang black list kung saan nan-doon ang mga pangalan ng mga babaeng galing sa mga matataas na pamilya na mayroong magagandang anak at isa si Criselda sa babaeng nasa blavk list. Kung paano nakakuha ang mga ito ng picture ng babae gayong never itong pinakikilala in public dahil na rin sa pag-iingat ni Uncle Ezio at ni Alfie. Alfie! Kung buhay ka lang sana! hindi malalagay sa ganito sitwasyon ang nakakabata mong kapatid. Lahat ng sakripsiyong ginawa mo para lang mapangalagaan si Criselda nawalang parang bula. Sana isang panaginip lang ang lahat, naiinis ako isiping nahihirapan ang babaeng una ko minahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD