Chapter 2

1480 Words
CRISANTA POV Nakaupo ako sa tabi ng bintana habang kinukut-kot ko ang akin mga kuko. Nakakaramdam ako ng pag-kabagot, i-dagdag mo pa ang mga kaklase mo napaka-ingay. Ilang taon na nga ba ako sa lugar na ito? Ah, tatlong taon na nga pala? Nakakatawang sa loob ng tatlong taon ko dito ni hindi ko parin makita o malaman ang pinapahanap sa akin ng aking magulang. Ang signatura ng aming angkan ika nga ng akin Ina, nakakairitang sabihin pero kahit nga ang kapatid ko si Miguel na sobrang tagal na dito ay di parin din malaman ang tinutukoy ng aming Ina. "Crisanta!" Sigaw ng maingay na babae na ito sa akin pangalan. Habang humahangos na lumapit at umupo sa likod ko. Alam kasi nito ayaw ko may umuupo sa tabi ko, Teka! sino nga ba ito? Gris? Gres? Ah, Basta isa ito sa mga i-kinaiinisan ko feeling close, kasi alam nito galing ako sa makapangyarihan angkan kaya sumisipsip. Tsk! Poor girl! Akala naman nito basta ako papanig? Hindi ako kagaya ni Miguel na bumuo na ng grupo sa school nito ang naging Bida-bida. "What?!" "Alam mo ba balitang-balita may bago transfery daw, ata Babae pa. " Umismid ako nakakairita naman talaga, ano ba paki-alam ko kung sino mang poncio pilato ang bago magtra-transfer sa kagaya nito na lugar, Sinamaan ko ito ng tingin, Ano ba paki alam ko? "So what?" Ngumiti ito parang Demonyo. "May bago nalaman paglalaruan!" Inirapan ko ito, Naalala ko ganoon din dapat ang gagawin ng mga ito sa akin noon una dating ko. Bu-bullyhin nalaman nila ang mga bago salta. Mga mayayabang, eh sa akin pa nga lang mga wala ng binat-bat! Mga kapit lang talaga sa malalakas. Gusto nga nila ako isali sa grupo nila. Pero the hell, ayoko sa mga pipitsugi at mga mahihina nilalang. Tumayo ako at hindi na ito nilingon. "Grace, mukha di ka pinansin. " sabi ni Allona, Isa pa mahina. Narinig ko sinipa ni Grace ang upuan kanina ko lang inuupuan. Tiningnan ko ito ng masama. Nakita ko ang pag-katakot sa mga mata nito. "May gusto ka ba sabihin sa akin mahina nilalang?" "W-wala, Crisanta!" Hinila nito si Allona palabas ng room. Umismid ako, Ano nga pangalan ng Grupo nito? Allesana? Ahh..Alliance Group, apat na babae si Allona na magaling humawak ng Katana, Si Tarice na magaling sa combat, si Ricelyn na magaling sa espada. At ang babae na ito, na si Grace wala alam kung hindi ang mang-bully pero wala naman binat-bat. Mga grupo kumakapit sa pinakamalakas na Pangkat. Ginagamit ang katawan para lang katakutan. Tsk! Kadiri! Lumabas ako ng room dahil nag-bell, pinapapunta ang lahat sa welcome hall. Welcome hall? Baka may i-we-welcome na bagong salta na wala alam na impyerno ang pinasukan. Kahit ayoko pumunta kailangan ko mag-tungo at baka ang presidente ang makita ko sumundo sa akin. Pero pabor sa akin 'yon kasi never ko pa nakita o nakilala ng personal ang ma-ilap na Presidente ng council. Pero para bang may nagtutulak sa akin mag-punta ngayon sa welcome Hall. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. May naguudyok sa akin mga paa na maglakad patungo doon. Nang makarating ako sa hall na may magarang chandelier, Sumandal ako sa pader at hindi pinansin ang mga Studyante nag-sipag upo. Napansin ko sa may dulo si Miguel, Ang kuya ko na hindi sa akin nakatingin kung hindi sa babae naka-hood na itim na nasa stage. Kasama pa ang isa babae mayroon espada sa likod at isang lalaki na naka-kunot ang noo, tila ba nagmamasid ito. Muli ko binalik ang tingin kay Miguel, nagsalubong ang dalawa ko kilay sa nakikita ko sa mukha nito. Ang mga mata ng kuya ko, tila ba mayroon kakaiba... Hindi pag-hanga ang nababasa ko sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bagong salta sa lugar na ito. Para bang kilala nito ang babae naka-hood. O baka naman talaga natitipuhan nito ang babae. Tsk! Ang hilig talaga sa babae! Gusto ko na talaga isumbong ito kay Mudrabells eh, "Lady's and gentlemen, gusto ko ipaalam sa iniyo, may bago tayo Studyante sa Sicarius Academic, Give them a very very hot welcome!" Kilala ko ang boses na Iyon. Ito rin ang nagwelcome noon sa akin, Ang Vice President ng council. Kita ko ang pag-ngisi ng mga studyante sa school. Muli ko binalik ang tingin sa stage, kita ko ang pag-punta ng lalaki nasa gitna sa harapan ng babae naka-hood na para ba ito ang panangala sa mga studyante hinahanda ang kunai para ihagis sa mga ito. Kita ko rin ang gulat sa mga mata nung babae naka-hood. Pati din ang babae nakapula nakahanda na para protektahan ang babae. Kumunot ang noo ko, Nakakapagtaka naman? Ano meron sa babae naka-hood? Ako nga pinadala dito ng wala kasama, Isa rin ito marahil sa mga babae mahihina. Mukha dito na mamatay ang babae na iyan. Sabay-sabay na nag-labas ng weapon ang mga studyante at akma ihahagis na ng pumagitna sa harapan ang grupo ni Miguel. Napaismid ako, Mukha gusto ata nito labanan iyon lalaki nag-proprotekta sa naka-hood. Nag-papakita gilas nalaman si Hudas! Lumayo ang lahat ng studyante, Para ba nakakita sila ng isang magandang show. "Mukha gusto ng Bloody sila ang mag-welcome sa mga bago, siguro naman alam na ng mga bago salta kung ano ang school na ito." Kung makikita ko marahil ang vice president, naka-ngisi ito na parang demonyo. At gusto ko punitin iyon! Nagtagis ang mga ngipin ko, inikot ko ang aking mga mata. "Welcome to our academy, transferee, David Genovese, Siera Schiro, and Criselda Schiro. " Hudyat na iyon na naglabas ng kunai si Miguel at lumapit sa lalaki nasisiguro ko si David dahil siya lang naman ang nag-iisa lalaki, "Wag ka aalis sa tabi ko, Cris! " Narinig ko sigaw nung David sa babae naka-hood. Napa-irap ako, ang sweet ah! "Makinig ka mabuti Cris! Ikaw ang dahilan kung bakit tayo pinatapon dito ni Daddy! Haist! Kung nakinig ka lang sana ---" "Siera!" Na-ilagan pareho ng dalawa ang mga kunai na hinagis ng grupo ni Miguel. Habang ang lalaki nangangalang David hawak ang isang kamay ng babae naka-hood. Masasabi ko magaling ang David na ito, maging si Siera na nagagawa ilagan ang mga espada ng babae si Arosa. Ang pinakamagaling sa grupo ng Bloody pagdating sa espada. Mukha masasabi ko rin magaling sa sandata ang babae nangangalang Siera. Dahil agad nito nahawakan ang espada nasa likod at nailagan ang paparating na pagsugod sa mga ito. Kitang-kita ko ang blue moon na naka-embraid sa espada nito. Napapabilang ang mga ito sa makapangyarihan din na angkan. Schiro? Saan ko nga narinig ang apelyido na iyon? "Criselda!" Narinig ko sigaw ni David dahil si Miguel na ang lumalaban sa mga ito. Nabitawan din nito ang kamay ng babae naka-hood. Mukha makikita ko na kung marunong lumaban ang babae naka-hood na siya naka-agaw ng pansin ko. Nahawakan ni Miguel sa braso si David na babaliin na niya sana ng mabilis na nagawa baliktarin nito ang sitwasyon. Pero hindi matatawag na Mafia Prince si Miguel kung matatalo lang siya nito ng ganoon-ganoon. Nagawa nito untugin ang likod ng ulo sa ulo ni David kaya nabitawan siya. "s**t!" Angil ni David. Lumapit naman si Tarice. Ang higad na iyon, Nag-papansin nalaman. Di naman grupo ng Bloody pero papansin. Sinugod nito ang naka-hood na babae. Natanggal ang pag-kakahood nito, bumagsak ang mahaba at makintab nito may halo gold and black na buhok. Marami sa kalalakihan ang napa-singhap sa ganda taglay ng babae. Ang mga mata nito na brown na para ba hindi makakagawa ng kahit ano, Tila ba isang maamo anghel na pinababa mula sa langit. Na-amaze ako ng magawa nito salagin ang suntok ni Tarice. Base sa pagkilatis ko sa galaw nito, makikita ko may alam ito sa pakikipaglaban. Lalo nangigil si Tarice sa nangyayari, Mukha marunong din ito lumaban pero ang pinagtataka ko,bakit naman parang over protective naman ito David? Ibinalibag ni Criselda si Tarice at naihagis ito pababa ng hagdan. Pero nakikita ko parin ang pag-kabalisa sa mukha 'nong Criselda. Naiinis ako! Nag-papaka inosente ba ito o nagkukunwari lang wala alam sa mga nangyayari? Lalapit na sana ako sa mga ito ng may lumilipad na kunai sa gitna ng stage malapit sa babae naka-hood na ang pangalan ay Criselda. Ang Kunai ng Fujiwara clan. "Opsss...Mukha nandito ang President." na-aamuse na sabi ng nag-sasalita sa mikropono. Bigla ako na-curios sa mukha ng presidenteng never ko pa nakikita. Ibig ba nito sabihin nagawa ng mga bago transfere makuha ang atensyon ng mailap na presidente ng council? Noon ako ang winelcome halos ilang babae ang lumaban sa akin at halos mapagod ako pero walang presidente ng council ang nagpakita, ni hindi naramdaman ang presensya nito. Ganoon din sa ibang mga bagong salta na dumating pa pagkatapos ko. Kaya nakakapagtaka, iniiling ko ang ulo at luminga-linga. Pero maski anino nito hindi ko makita, Sino ba ang mga ito at nagawa makuha ang atensyon mo, Drake Fujiwara?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD