Criselda POv
Nabigla ako sa bago school na kina-bagsakan namin. Hindi ako makapaniwala na mayroon pala ganito school. Sa totoo lang marami prestigous school na ako napuntahan pero hindi sa ganito school.
Paano nagawa sa akin ni Daddy na dito sa lugar ako ipadala? Dahil ba kay Tito Cannor?
Throwback!
"Hanggang kailan ka magiging mahina, Criselda! Ang ating angkan ay isa sa makapanyarihan! Paano ang isang katulad mo, Hindi man lang magawa lumaban, Napaka-hina mo!"
Isang sampal ang natamo ko sa uncle ko na si Cannor Schiro, nakatingin lang ang ama ko si Ezio Schiro. Pero ang ganito klase pananahimik ang madalas kinaiilagan ng mga nasasakupan ng amin angkan.
"Kita mo na Ezio? Masyado mo ini-spoiled ang anak mo!"
Tumayo ako mula sa pag-kakasalampak sa lapag.
"Gusto mo ba mamatay, Cannor? Dumampi ang mga kamay mo sa nag-iisa ko anak na babae?"
Mahinahon ngunit nakakatakot ang boses nito. Kita ko ang takot sa mga mata ni Tito Cannor.
Yumuko ito, "patawad kuya! Pero hindi puwde maging ganito ang magiging tagapagmana ng ating angkan!"
Alam ng lahat na ako ang paborito anak ni Ezio Schiro. Dinala ako sa italy para doon pag-aralin tanging si Tito Cannor lang ang pilit na pina-pabalik ako dito sa pilipinas at pilit pinag-tratraining.
Pinag-tratraining dahil ako ang susunod na mag-mamana ng lahat ng ayoko manahin.
Mafia! Isang criminal ang aking angkan. Mga halimaw na pumapatay at nag-bebenta sa black market.
Kaibigan ng akin ama ang pinakamalakas na Angkan sa mafia ang Sakuragi clan at kalaban ng Fujiwara Clan.
"Naka-pagisip na ako, Criselda, mag-tutungo ka sa school na sa tingin ko magbabago ng pananaw mo."
PRESENT
Ito ba ang tinutukoy nito? Ang lugar kung saan puro p*****n? Kinikilabutan ako sa isiping magagawa ko pumatay para lang manatili ang angkan sa estado nito.
Napatingin ako sa taas kung saan may madilim na iskinita at may lalaki nakatayo doon. Nakasandal sa pader habang nakatingin sa akin. Nag-tama ang amin mga mata. Kumabog ng malakas ang akin dibdib, Ang pulang pares nito mga mata, tila ba nag-bigay sa akin ng kakaibang takot.
Hindi ito kumikilos pero nagawa nito ihagis papunta sa harapan ko ang Kunai na nakaimbraid ang cresent Moon, di man ako madalas makinig kay Tito Cannor, pero alam ko at familiar sa akin ang naka-Embraid sa kunai, Fujiwara Clan.
"Opsss... Mukha nandito ang President. " na-aamuse na sabi ng nag-sasalita sa mikropo.
Napatingin ako sa paligid ng marinig ang boses na iyon.
Huminto ang lahat ng nakikipag-laban pati ang tangka pagsugod muli ng babae nasalag at naihagis ko kanina. Lumapit sa akin si Siera, Binalik nito ang espada na dapat sa akin pero hindi ko kinuha. Pinsang buo ko si Siera, Anak ito Tito Cannor.
"Okay ka lang ba? Lintik! Kasalanan talaga ito ni Daddy! Nakakainis!" Ginulo nito ang wavy na buhok, ang gulo talaga nito, kanina ako ang sinsisi ngayon naman ang Daddy naman nito. Pero alam ko namang hindi ito maldita dahil sabay-sabay kami lumaki sa italy. At ginagampanan lang nito ang responsibilidad, ang bantayan ang tagapagmana ng angkan ng Schiro.
Lumapit din sa akin si David. "Okay ka lang ba, Criselda?"
Natawa naman ako sa mga ito. Mahahalata mo sa mga mukha nito ang pag-aalala.
Isang pag-aalala bilang kaibigan at bilang kanila Prinsesa ng Schiro Clan.
Muling may kung ano bumagsak sa aming harapan, isa pala ito kunai. Pagtingin ko sa taas, wala na doon ang lalaki may pulang mga mata.
Kinuha ni David ang kunai na mayroon papel nakasulat doon ang mga salitang, no sonrías! (dont smile!)
"Ano ibig sabihin nito? Sino naglakas ng loob magsabi ng mga salita na ito?" Naiinis na sabi ni Siera.
"Fujiwara!" Na-ibulas ko.
"Huh?" Tiningnan ni Siera ang kunai saka napa-maang,
"Whoa! Oo nga no! Hehehe... Buti natataandaan mo ang mga embraid hehe." natatawang sabi nito habang napapakamot sa ulo.
Nakita ko nagsisi-alisan na ang mga studyante. Tiningnan ko ang babae nasa gilid at nakasandal sa pader.
Nakatingin ito sa akin, Maganda din ang kulay ombre nito buhok na kakulay ng akin.
Pasugod ulit sana sa akin si Tarice ng hawakan ito ng lalaking una sumugod sa amin, Ang nakalaban ni David.
Masasabi ko, Gwapo din ito. Napansin ko nakasuot ito ng na contact lens. Ang hikaw nito sa kaliwa tenga na naka-embraid ang isa sa palatandaan ng mga Sakuragi Clan. Ibig sabihin marahil anak ito ng kaibigan ni Daddy. Pero hindi ko kilala ang mga ito dahil sa Italy ako nagkaisip at lumaki. Tanging si Siera, at David lang ang kasama-kasama ko sa lahat ng oras.
"Gusto mo maparusahan, Tarice? Ang dalawang kunai na nasa stage palatandaan ng Presidente. Pinapatigil na niya ang pag-welcome sa mga bagong salta, pero kung gusto mo sumugod ulit sige gawin mo pero hinding hindi kita tutulungan para ng sa ganoon matitigok ka na!" Tiningnan ako ng lalaki bago ito umalis at nag-sipag sunod na din ang mga kasama nito.
Masama ako tiningnan 'nun Tarice bago ito sumunod sa lalaki at kumapit sa mga braso.
"Kararating palang natin, mukha pag-iinitan ka nalaman, Criselda Mariz. Tsk! Lapitin ka talaga ng mga ingetera Frog!" Naka-irap na sabi Ni Siera.
Natawa naman ako sa sinasabi nito.
"Para sa mga bago natin studyante. Maligaya pagdating... Salamat sa Nakaka-amuse na ngiti binibi Schiro, maaari na kayo magtungo sa in'yong magiging doorm!"
Nakarinig ako ng nakakabingi tunog mula sa mikropono. At pagbagsak ng kung ano sa sahig, maaring sa kinaroroonan ng nag-sasalita.
"Do you want to Die, Sawron Creed!" Huling salita narinig ko sa mike bago marinig ang nakakabingi ugong ng mikropono. Ang nakakakilabot na boses na iyon, Para bang ayoko na muli pa marinig.
"Are you okay, Cris? " tiningnan ko si David na kunot ang noo.
Ngumiti ako, "Im okay, David, No te preocupes!"
"Muy bien, Señiorita!" Inalalayan ako nito tumayo.
Siguro nga, sa lugar na ito magbabago ang pananaw ko. Sicarrius Academy.
Crisanta POV
Muling tumaas ang kilay ko sa dalawang kunai na nasa stage na malapit sa babae naka-hood kanina. Alam ko nagtama ang mga mata namin pero agad ito umiwas ng tingin at muling binalik ang tingin sa pinang-galingan ng mga kunai ni Drake.
Walang tao doon, mukha nalaman ng Criselda kung nasaan ng Presidente pero ni hindi ko man lang naramdaman o nakita ang presensya nito.
Sobrang ilap nga naman talaga ng tagapagmana ng mga Fujiwara.
Napa-irap ako sa isiping mayroon tinatago ang tao na ito.
Muli ko tiningnan si Miguel ng magsalita ito kay Tarice. Napa-ngisi ako ng sigawan nito ang babae, deserve be.
Masyado kasi epal sa buhay. Kinakarir ang pagiging sipsip. Kung tutuusin wala talaga ito maibubuga. Hindi na nga kagandahan, parang hipon ang katawan wala na din utak nagmamagaling pa, Tsk! Kung si Mommy Athena ang nakasama nito sa buhay ngingitiian siya nito. Ngiting hindi niya gugustuhin, dahil panigurado buhay ang kapalit ng matamis nito ngiti.
Bawal ang mahina sa angkan ng Akatsuki-Sakuragi Clan. Dahil kahit ang akin Ama si Clyde kahit napakamahinahon magsalita nakakatakot parin. Tumanda man sila pero ang kanila galing ay hindi mo maikukumpara.
Iyan ang dahilan kung bakit ang aking angkan ay nasa top parin sa buhay ng Mafia.
Nakita ko palabas na si Miguel sumunod ako sa mga ito at sinitsitan ito.Tiningnan lang ako nito pero hindi pinansin.
"Ayos ito matandang ito! Akala mo kung sino famous!" Malakas ko sabi para marinig niya.
Pero wa-epek sa kumag. Dire-diretso parin ito naglalakad at hindi talaga ako pinansin.
"May Araw ka din, Miguelito Sakuragi! Bwiset ka!" Sigaw ko dito na may halong pang-gigigil.
Narinig ko nagsalita ang isa sa mga miyembro nito.
"Boss, tawag ka po ata ng kapatid mo "
"Hayaan mo ang maldita na iyan!" Malakas din sigaw ni Miguel.
" ah! Ganoon ah," tinaas-baba ko ang dibdib bago bumuelo pasugod sa kapatid at pumasan sa likod nito.
"Ano ba?" Sigaw din nito at pilit ako inaalis sa likod.
"Ayaw mo ko pansinin na kumag ka ah," kinagat ko ang kanang tenga nito.
Napasigaw ito sa sakit saka ako hinagis. Namumula ito sa galit,
"Ikaw na bwiset ka--" duro nito sa akin. "Kulang-kulang ka talagang babaita ka!"
Nag-ble lang ako dito, saka tinaas ang gitnang finger ko.
"Deserve, Kuya." Huling sinabi ko bago tumakbo papalayo.
Akamang hahabulin ako nito ng tawagin ito ni Shawron, Ang Vice presidente na mayroon sugat sa gilid ng pisngi.
"Taena, may araw ka din sa akin Crisanta!"
"Lagi kaya may Araw, shunga talaga." Bulong ko sa sarili bago huminto sa pagtakbo at tinanaw ang dalawa,
Bakit kaya tinawag ni Shawron si Miguel? Ano kaya paguusapan ng mga ito?
Biglang nag-ring ang cellphone ko, lumabas sa screen ang mukha ni Mommy Athena. Bumalik ang kabog sa dibdib ko, bakit kaya ito tumawag? Nalaman ba nito para lang kami naglalaro ni Miguel?
Luminga-linga ako sa paligid. Iniisip kung sino ang espiya ni mommy sa school na ito.
"Mommy," pag-sagot ko narinig ko ang mahaba nito buntong-hininga. Pinipigil nito marahil ang tinitimping galit. Kasunod ang pagputok ng baril.
"Fucker!" Narinig ko sabi ni Mommy.
Kinabahan ako, sino kaya ang binaril nito?
"Narinig mo ba ang tunog ng baril, Crisanta? Napakasarap sa pandinig, hindi ba? Alam ko ba kung ano kasalanan niya?"
Gusto ko sana sumagot at sabihin ano ba pakialam ko, pero baka lalo lang ito magalit.
"Hindi po, Mommy."
"Betrayal! Isang bagay na ayaw na ayaw ko, Tama ba ako Crisanta?"
Napalunok ako, ano ba gusto nito sabihin? Kahit sino namumuno ayaw ng tinatraydor.
"May bago transferee ngayon diyan, Crisanta. I want you to look at them, and inform me about what are they doing, understood?"
Marami naman ito espiya bakit kailangan ko pa imonitor ang mga bago salta na iyon. Napa-irap ako, nakakainis talaga magkaroon ng ganito magulang.
"Yes, mommy,"
"Goods, I know na this time we well have na ang pinapahanap ko sa iniyo ni Miguel, Right Crisanta?"
"I will mommy," pagkasabi ko ng mga salita na iyon tunog ng beep ang narinig ko, mukha binabaan na ako ng sarili ko ina.
Mariin ko pinikit ang aking mga mata bago muling dumilat, napansin ko ang paglalakad ng mga bagong salta.
Naiinis talaga ako isipin kung ano ang meron sa mga ito at nagawa ng mga ito maagaw ang lahat ng atensyon ng mga tao.