Chapter 11

1550 Words
ALEXA FUJIWARA POV Nilapitan ko ang nakakabata ko kapatid at pinatong sa higaan nito sa underground, sa tuwing gumagawa ito ng reckless na desisyon ang underground ang nagiging kulungan nito. Pero nakakapagtaka, dahil ilang taon na ang huli nitong parusa. Dahil ba sa babaeng iyon? Lumabas si Drake at sinuot sa harapan ko ang pang itaas na damit. Bakas ang nga latigo sa katawan nito. Bumuntong-hininga ako at umupo sa kama nito. "Anong meron sa kanya, Drake? Dapat ba ako mainis sa kanya o dapat ako matuwa? Mainis dahil gumagawa ka ng isang bagay na hindi mo pinagiisipan, o matuwa dahil finally may naka-kuha ng pansin mo?" "Nag-aalala ka ba sa akin, Alexa? O nang-iinsulto ka?" Sabi nito habang sinusuot ang rolex na relo. Natawa naman ako, iba talaga magisip ang bunso ko kapatid. Parang hindi ako Ate kapag kinakausap. Iniisip ko sa mga oras na ito na sa mga edad nito ngayon panigirado uusbong ang paghanga. Akala ko hindi ito normal dahil ni kahit anong emosyon hindi ito nagpapakita. Para sa iba isa ito halimaw, kinatatakutan dahil sa Crimson eyes nito. Pero ako ang nag-alaga sa nakakabata ko kapatid kaya alam ko ano klaseng tao ito, halimaw man ito matuturing pero alam ko may busilak parin puso. "Gusto ko tuloy siya makilala ng personal, ano sa tingin mo, Drake?" Nilaro-laro ko sa kamay ang hawak na kunai. Nagulat ako ng mabilis lumapit sa akin si Drake at sinakal ako. Pero ang pagkakasakal nito hindi ganoon kahigpit, parang isang pagbabanta. Pinagmasdan ko ang mapupula nitong mga mata. Alam din nito hindi ako basta-basta matatakot dahil meron din ako mapulang mata. "Tell to old man, don't you dare touch her!" Natawa ako, inalis ko ang kamay nito. Tumayo ako sa kama, habang inaayos naman ng binata ang pantalong nagusot. "Masyado ka namang seryoso, Drake. I just want to see her, gusto ko lang siya makilala, as a new Principal of Sicarrius Academy." Napabalik ang tingin nito sa akin, "what did you say?" Matalim ko ito tinitigan, pinasok ko sa bulsa ang mga kamay at tinitigan ito ng mabuti. "Alam mo ba ang iniisip ng mga matanda, Drake? They know what you can do because of that girl. There is no room for the weak in our family." Tinapik ko ang braso nito, "It's not bad to like a girl, but you have to be able to stand up for yourself." Sinilip ko ang mukha nitong walang emosyon, talaga naman magaling magtago ng totoong nararamdaman. Naglakad na ako papuntang pintuan, "ipinapaalala ko lang sa'iyo, Drake. Ikaw ang iniaasahan nila Papa para hindi mawala sa atin ang kapangyarihang tinatamasa natin. Alam mo naghihintay lang sila Acyn na lamangan ka, hinihintay na magkamali ka. Kaya wag mong bibiguin sila, Papa. Tss! Akalain mong iisang babae lang ang kinababaliwan niyo? Ano kayang klaseng babae siya?" Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito, sinara ko na ang pinto at naglakad papalayo sa kwarto nito. Naalala ko ang sinabi ni Lolo Mauricio noon pinaparusahan si Drake. Throwback Mabilis ako umakayat sa ikatlong palapag ng mag-beep ang relo ko. Nakita ko doon ang message ni Lolo at pinapaakyat ako. Wala sana ako balak iwan si Mama sa mag-ama traidor na ito, pero mas kailangan ako ng Matandang siya nagbibigay sa amin ng kakayahang mamuno sa buo mafia. "Alexa," mahinahong tawag ng matandang lalaki na nakaupo sa wheel chair at puti na ang buhok. "Lo, Yoi tsuitachi" bati ko sa matanda. "Koko kara kono kyõdai no sugata ga miemasu ka, Alexa?" Ani nito sa salitang Japanese. Tinanggal ko ang isa ko contact lens, nakikita ko ang paghihirap ng bunso ko kapatid. Lumunok ako pansamantala, "Hai!" "Kakaiba ang iyong kapatid, Alexa. Dahil sa taglay niya ang Crimson eyes na pinilit ng mga angkan natin malikha sa pamamagitan ng eksperimento. Ngunit natatakot ako sa kahihinatnan ng kanya mga desisyon. Hindi siya natatakot gawin ang isang bagay dahil sa kanya kakaibang kakayahan." Tahimik lang ako nakikinig sa matandang ito, gusto ko mang kitilin na ang buhay nito pero hindi ko maaaring gawin. Narinig ko sumigaw si Drake, "My precious Grand-father!" "Keikoku," bulong ni Lolo. Tama, ang sigaw na iyon ni Drake ang isang babala. Napansin ko ang pansamantalang pagnginig ng matanda. Kahit alam ng lahat na matagal ng hinihintay ng mga Fujiwara ang isang kagaya ni Drake, para malampasan ang tinuturing na karibal ng pamilya ang Akatsuki-Sakuragi. Malinis ang pamilya Sakuragi, walang bahid na kahit ano eksperimento sa angkan ng mga ito, subalit hindi normal ang lakas na pinapakita ng pamilya na iyon. Kaya nga ang pamilya Sakuragi ang napili ng Akatsuki clan para maging kabiyak ni Xacharias Athena, ang babaeng halimaw kung pumatay. Ang natatago nito kagandahan, ang dating kaibigan ni Mama, ay mayroon sakit sa pagiisip. Natatakot parin si Lolo kay Drake, dahil ang unang tao sa angkan ng Fujiwara na sinabak sa Eksperimento ng Crimson Eyes ay pinatay ang buong angkan namin. Si Albert Axton Fujiwara, ang ninuno ng angkan ay inubos ang lahat ng pamilya dahil sa hindi nito makontrol ang namumuo halimaw sa katawan. Salamat sa nilikha ni Dr. Asim na formula para maibsan ang halimaw sa katawan ng isang Crimson eyes. Pero may dalawang uri ng formula ito ginawa, ang isa ay para lumabas ang natatagong halimaw sa katawan ng isang may Crimson Eyes, pero nakokontrol ito ay tinawag na formula B. Ang isa namang formula ay para patulugin pansamantala ang halimaw sa katawan, tinawag na Formula B1. At ngayon, ang hawak na syringe ni Papa ay ang formula B. Pasimple ako huminga ng malalim. Iisang tao lang ang pakikinggan ni Drake sa oras na ito, Si Papa lang, Si Denaro Fujiwara na siyang namumuno ngayon sa angkan. "Ayaw mo ba maging halimaw ang kapatid mo, Alexa?" Nagulat ako ng magsalita muli si Lolo, ano naman pinagsasabi ng matandang ito? "Ano po ibig mo sabihin, Lolo?" "Gusto ko bantayin mo ang kilos ni Drake, Alexa. Dahil ayuko sa susunod na dadalhin dito sa underground si Drake, si Olympus na kanyang papatayin." Nahihimigan ko ang pagkaseryoso sa boses ng matanda. Pagod na ba ito sa buhay? May nalalaman ba ito sa pinag-gagawa ni Tito Olympus? "Ang taong lumalason sa akin, ay si Madrigal." Nagulat ako sa sinabi nito, Si Madrigal na Nanay ni Olympus? Hayop talaga ang pamilya na iyon! "Kaya sobra ang disappointment ko sa papa mo ng ikaw ang una niya anak," Naikuyom ko ang kamao ko, inutil para sa matandang ito ang mga babae, kaya nga nagpakamatay ang aking Lola dahil sa Matandang ito, hindi nito inalagaan si Lola. Dahil hindi daw nito nagawang bigyan siya ng anak na mayroong Crimson Eyes! f**k! Ano klaseng mindset ang meron ang taong ito? "Lason ang mga babae, Alexa. Kaya nasisiguro ako, baka malason ng sobra ang bunso mo kapatid." Kung hindi ko lang ito siguro Lolo baka pinatay ko na ito! Mabuti na lang at hindi kagaya ni Papa ang matandang ito, dahil kahit hindi si Mama ang una nitong minahal, nanatili ang respeto nito sa babae. "Pero si Drake, my Precious Drake," umiiling ang matanda. Alam naming lahat na si Drake ang pinakapaborito nito apo hindi lang dahil sa Crimson Eyes nito, kung hindi dahil hawig nito si Lolo Adrian, ang namatay nito kapatid na pinatay ng hindi kilalang tao. Ibang tao nga ba ang pumatay sa nagiisa nito kapatid? O kakilala lang din ng pamilya? "I want you to be the headmaster ng Sicarrius, Alexa. Starting tomorrow. Alam ko din nasa school ang anak nila Xachrias, gusto ko bantayan mo sila, ng sa ganoon hindi na muli pang maging halimaw ang kapatid mo. And I want to know more about Criselda Schiro." PRESENT Akala siguro ng mga matanda kaya nilang manipulahin ang lahat ng bagay basta magdesisyon ito at ipatupad. Tsk! Kasalanan ito lahat ni Acyn, kung hindi sa baby damulag na iyon hindi magugulo ang tahimik ko buhay sa Japan. Napabalik tuloy ako dito sa pilipinas dahil sa mga ito. Matagal na ako graduate sa Sicarrius Academy ngayon babalik nalaman ako? At makikita ko nga pala ang panganay na anak ng mga Sakuragi na hanggang ngayon nakikipaglaro parin at hindi sineseryoso ang pagiging taga-pagmana ng pamilyang ito. Ang tanong, ay kung ibibigay kaya ni Xachrias kay Miguel ang titulong tagapagmana na hanggang ngayon ay obsess parin sa kwintas nito na ninakaw ilang taon na ang nakakalipas. Hindi ko namalayan at nasa opisana na pala ako. Mayroon ako opisana sa underground bilang kanang-kamay ni Drake sa pamamahala sa lahat ng ari-arian ng Fujiwara. Pinindot ko ang secret passage at bumukas ang pintuan ng opisana. Pumasok ako at umupo sa aking upuan. Pinindot ko ang intercon at may nagsalitang lalaki, "Kamusta, Mr. Valesco. Naayos na ba ang lahat ng gamit ko sa magiging office ko diyan sa Sicarrius?" "Yes po, Madam Alexa." Maikli nito tugon. "Thank you, Mr. Valesco. Gusto ko ilagay mo sa lamesa ko ang tungkol kay Criselda Schiro, I want to see her background. And ano mga rules ngayon ng school." "Masusunod po, Madam." In-end ko na ang tawag. Tinitigan ko ang picture namin ni Drake may hawak ito baril sa kamay at naka-yuko, habang naka-akbay ako at naka-peace sign. Nasa eight years old ito, nakayuko ito para itago ang Crimson Eyes. My little brother, hindi kita hahayaang suluhin ang bigat ng pagiging taga-pagmana ng pamilya. I will protect you in silent,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD