Chapter 10

1652 Words
Shawron POV Nakaupo ako ngayon sa aking lamesa. Panay ang silip ko sa may pintuan sa kaliwa kung saan nandoon ang opisana ni Drake. Ilang araw ko na ito hindi nakikita, gusto ko sana puntahan ito pero naiisip ko lagi baka meron ito importante ginagawa. Nagulat ako ng may tumapik sa akin. Si Lorcan pala, "Oh, mukhang malalim ata ang iniisip mo," "Nakita mo ba si Drake?" Kunot-noo tanong ko dito. "Hindi, alam ko pinatawag siya ng kanya Ama. Nasa Hacienda ito ng mga Fujiwara. Alam mo naman hindi pwedeng malaman na wala ang Presidente dahil kapag nalaman nila wala ang Presidente baka magkaroon ng pagkakagulo sa loob ng school." Ani ni Lorcan na umupo sa katapat ko na table. "Pinatawag siya ni Don Denaro? Hindi kaya dahil kay Acyn?" Pinagsalikop ko ang mga palad ko at tinitigan si Lorcan na umupo sa chair nito. "Malamang, baka nga dahil doon. Kilala mo naman ang kapatid ni Don Denaro na si Olympus, hindi papayag iyon na ma-agrabyado ang nagiisang anak kahit halang ang kaluluwa," pinaikot-ikot nito ang upuan. "Kung sabagay, sino ba sa kinagagalawan na natin ang hindi halang ang kaluluwa," ngumisi ako dito. Umismid lang ito, "mukha namang wala. Ang iniisip ko lang kung parurusahan kaya ni Don Denaro ang sariling anak at nag,iisa tagapagmana ng angkan nila? Ang bukod tanging natatagalay ng Crimson Eyes?" Sumilay ang nang-uuyam na ngiti sa labi ko, kahit ano gawin ni Acyn hindi tinatablan ng kahit na ano si Drake kahit parusahan ito ng parusahan ng ama. Hindi nakakaramdam ng kahit ano sakit ang katawan nito dahil na rin siguro sa epekto ng crimson eyes nito. Ang malalang eksperemento ng mga Fujiwara ilang dekada ng nakakaraan kasabay ng ginawa ding experiment ng mga Akatsuki. Kakaiba talaga ang mga angkan na kagaya ng mga ito. Para manatili sa tuktuk at rurok ng tagumpay gagawa ng pinagbabawal na bagay sa mundong ito. Naniniwala naman ako makakaya ni Drake ang lahat ng gagawin sa kanya ni Don Denaro. Wag lang malalaman ng huli ang tungkol kay Criselda. Ang kahinaan ng kanya anak! DRAKE FUJIWARA POV Muling tumama sa aking katawan ang latigong may tinik. Kasalukuyan ako nasa underground at tinatamasa ang parusa ng aking Amang Si Denaro Fujiwara. Nakasilip sa salamin ang aking Ina si Mesina na hawak sa kamay ang pulang Wine habang naka-cross ang mga braso. Sa tabi nito ang kapatid ni Papa na si Olympus ang bunsong kapatid ng huli habang naka-upo si Acyn sa isang sulok naka-silay ang isang nanguuyam na ngiti. Tumingin ako sa mga ito, nang-iinsultong ngumiti ako, kasalukuyan ko suot ang contact lens ko kaya walang takot ang mga ito titigan ako. Napatayo sa kinauupuan si Acyn. Nag-ngingit-ngit ang kalooban nito habang tinitigan ako. "Anong klaseng halimaw ang anak mo, Mesina?" Nakasingkit ang mga matang tanong ni Olympus sa asawa ni Denaro. Ngumisi si Mesina at tinitigan si Tito Olympus na bakas sa mukha ang hindi pagkakagusto na kahit naka-isandaang libo ng palo ang aking Ama hindi mababakas sa aking mukha ang pagkapagod o kahit ano mang sakit. "Nakakalimot ka na ata, Olympus? Ano ba si Drake sa angkan ng mga Fujiwara? Isn't he the heir of the Fujiwara clan?" Tinitigan ng masama ni Olympus si Mesina, kitang-kita ko ang galit sa mga mata nito. Si Olympus ang bunsong kapatid ni Denaro at anak sa ibang babae. Ang ina nito ay dating katulong sa hacienda kaya mula pagkabata nakakaramdam ito ng pang-iinsulto sa lahat ng nakapaligid. Lalo ito nagagalit sa tuwing pinapamukha na ako ang Susunod na magmamana ng lahat ng pagmamay-ari ng pamilya. Na-unang ipinanganak si Acyn sa pamilya, Si Alexa na ate ko ay panganay na anak ni Papa. Ang ate ko ay mayroon isang pulang mga mata, at ang kabila namang mata ay Itim na itim. Dahil babae siya hindi siya pwedeng magmana sa lahat ng ari-arian ng pamilya namin kahit taglay niya pa ang kalahating Crimson eyes. Kaya inaasahan nilang si Acyn na ang magmamana ng lahat, pero ilang taon lang ang nakakalipas, kasabay ng pagbubuntis ni Xacharias Athena Sakuragi nagbuntis din si Mama, itinago ako nito sa lahat. Ang pagbubuntis nito ay isang lihim na alam naman ng aking ama. Dahil na rin sa ilang beses ito nakukunan sa hindi malamang na dahilan. Nawala noon kay Papa ang kakayahang mamuno sa angkan ng Fujiwara kahit gaano pa ito kalakas at kasinghusay ni Clyde Zeus Sakuragi. Dahil ang panganay na anak nito ay babae. Para sa angkan ng Fujiwara kapag babae ang namuno wala ng susunod na Fujiwara kaya ang aking Lolo na si Mauricio Fujiwara, mas pinaboran si Olympus dahil ang anak nito ay lalaki kahit hindi taglay ang crimson eyes na dekada ng hinihintay ng kanilang angkan na makita. Kahit anak sa labas si Olympus. Kaya nga ng maipanganak ako, laking tuwa ni Mauricio dahil taglay ko ang Crimson Eyes na kanyang hinihintay. Ang lahat ng kapangyarihan na humawak ay naibalik sa tunay na nagmamay-ari. At iyon ang aking Ama. Pinakilala ako sa lahat bilang susunod na tagapagmana ng buong Fujiwara. Walang nagawa si Tito, dahil ang inaasam nito pagtanggap sa mundo ng mafia ay hindi na nito makakamit pa, dahil sa akin. Nakita ko ang paglapit ni Tito Olympus kay Mama, mababakas sa mukha nito ang galit. Nabitawan ni Mama ang kupitang hawak at nabasag sa sahig dahil sa pagsakal ni tito Olympus. Kinuyom ko ang kamao ko, nagtatagis ang bagang ko sa galit. Magpa-salamat ang mga ito sa kadenang naka-pulupot sa aking mga pulso dahil kung hindi papatayin ko ang mga ito! Narinig ko ang pagtawa ni Mesina. Nakalimutan ko, ito nga pala ay isa ding beterano mamamatay-tao. Nang muli ko tingnan nakasubsob na si Tito Olympus sa lamesa habang hawak ni Mama ang braso nito sa likod habang nasa leeg ang isang matalim na basag na baso. Namimilipit sa sakit. Lalo pa diniinan ni Mama ang bubog sa leeg nito at nagkaroon ng kaunting dugo. Matalim ang mga titig ni Mama sa lalaki. Habang si Acyn nanatili naka-upo or pinaupo habang nasa likod nito ang isang baril. Nakatayo ang Ate ko si Alexa, wala ito contact lens. "Hayst, kahit kailan talaga napaka-hina mo, Olympus." Sabi ni Mesina na tinitigan ako sabay kindat sa akin. "Hinding-hindi ko makakalimutan na kailanman hindi kita dapat pagkatiwalaan. Remember, ikaw at ang ina mo na isang katulong ang dahilan kung bakit ilang beses ako nakunan. My innocent baby," Nagiba ang emosyon sa mga mata ni Mama. Makikita ang namumuo galit sa mga mata nito. "Wala ka pruweba, Mesina!" Sigaw ni Tito Olympus. "Ow come on," binitawan nito si Tito. At umikot at muling tinitigan si tito na kakatayo lang ay tinutukan agad ni mama ng baril. "Kailangan pa ba ng pruweba, sa mundo natin?" "Mesina," mahinahon tawag ni Papa na pinupunasan ang mga kamay na may bahid ng dugo mula sa akin. Tinitigan ni Mama si Papa, binaba nito ang baril. At binalik sa likod kung saan mayroon pocket na lagayan ng baril. Binaba ni Alexa ang baril, may lumapit kay papa na tauhan at binigay ang isang syringe. "Alam mo, Olympus. Kahit hatulan ko ng kamatayan si Drake, hindi papayag si Papa, alam ko alam mo na iyan. Drake is a precious things for him, Kaya bilang tugon sa gusto mo, hindi ko kinukunsinti ang kamalian ng anak ko na alam ang kanyang kahihinatnan ng kanya ginagawa." Alam ko na ang kasunod nito gagawin, lumapit ito sa akin at tinurok ang syringe sa leeg ko. Naikuyom ko ang kamao ko. Gumapang ang mainit na likido sa aking katawan. Ang lihim na formulang bukod tanging nagbibigay sa akin ng sakit. Ang likidong mayroong droga na magpapalabas ng kakaibang halimaw sa aking katawan. Makikita ang paglabas ng ugat sa aking buo katawan. Lumuhod ako at iniinda ang makamandag na lason sa aking katawan. Ang lasong ginagamit ng Fujiwara para patayin pansamantala ang mga cell function ng aking katawan. Napasigaw ako sa sobrang sakit, kapag hindi ako sumusunod sa gusto ng angkan ito ang natitikman ko. Alam ko mangyayari ito sa akin. Nang magdesisyon ako kalabanin at patayin ang lahat ng miyembro ni Acyn ito ang magiging kabayaran ng aking desisyon. Ang formulang itinatago ng aming angkan para wala ni sino mang makakakita. Maging si Olympus ay hindi alam ang formulang ito. Sa hindi kalayuan sa madilim na sulok nakatingin doon ang isang matandang lalaki na naka-upo sa wheelchair at sa likod si Alexa na kanina lang ay nasa likod ni Acyn. Mabilis ito umakyat sa ikatlong palapag ng underground para salubungin at tulungan ang lolong gusti makita ang paghihirap ko. Kitang-kita ko ang matatalim nito mga mata. Salamat sa Crimson Eyes ko, nakikita ko ng malinaw ang ekspresyon ng mga mukha nito. Lumapit sa akin si Papa tinaas ang ulo ko at bumulong, "Alam ni Papa ang tungkol kay Criselda, Drake. Kaya mas tinaasan niya ang dosage ng gamot mo." Nanlaki ang mga mata ko, tinitigan ko si Mama na mahahalata ang pag-aalala sa mukha nito pero pilit pinapatatag ang pustura. Isang mapanganib na ngiti ang binigay ko sa mga ito, isang ngiti na alam ko nakikita ni Mauricio Fujiwara. "My Precious Grand father!" Sigaw ko, alam ko alam nito na isa iyon babala para sa aking Lolo na humigpit ang hawak sa wheel chair. Tinitigan ko ang aking Ama, kahit namimigat na ang aking mata at ilang oras lang kakainin na ako ng halimaw sa katawan ko, maya-maya lang din darating ang papatayin ng halimaw. "Dont you dare touch her, Father!" Madiing bulong ko dito na ikinagulat nito. Tumayo ng tuwid si Papa at nakamulsa naglakad papalayo sa akin, sumigaw ako sa sobrang sakit. Damang dama ko ang mainit na parang humuhukay sa aking sikmura. Isang segundo lang nagsipasok ang mga traidor sa aming Angkan. Bakas sa mga mata nito ang takot ng magawa ko sirain ang kadenang kanina lang ay mahigpit na nakakapit sa akin at sinalakay ang mga ito. Ang halimaw na nagmamay-ari ng Crimson Eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD