X. He's sorry
"A-Anong ginagawa mo?!"
Doon ko lang siya naitulak palayo kahit hindi pa rin natitigil ang pangangatog ng tuhod ko. Hinalikan niya ako, ano bang pinag-iisip ng lalaki ito?
Gulat ang bumalatay sa mukha niya, "I'm sorry. Hindi ko sinasadya..."
"Bakit mo ginawa 'yun, Josiah?" matiim ang mg titig ko. Gusto kong may malaman. Baka.. baka may naaalala na siya.
Baka pupwede ko na siyang tanungin sa rason niya—
"Hindi ko alam. I just feel like doing it,"
Nalaglag ang panga ko, "Wow! Napakagandang rason 'yan para basta na lang akong halikan."
Pinaikot ko ang mga mata ko pagkatapos ay padabog na umalis doon. Bakit pa ba kasi ako umaasang may makukuha akong impormasyon sa lalaking ito?
"Look, Tanya. Hindi ko talaga alam pero pakiramdam ko... kilala kita."
Nang lumingon akong muli, purong frustration ang namataan ko sa mukha ni Josiah.
"Seven years ago noong naaksidente ako at nagka-amnesia," dagdag pa ito na naging dahilan ng paglapag ng palad ko sa bibig.
Pitong taon pa lang ang nakakalipas?
Ibig sabihin, sampung taong gulang na si Ali noong naaksidente siya. At sampong taong wala siyang ginawa para puntahan ang anak ko?
He left us. Kumpirmado iyon — pero bakit niya ginawa?
"Kung.. kung may nagawa man akong masama sayo noon, kaya galit ka sa akin–" kumunot lang ang noo ko, ngayon ko lang nakita si Josiah na apektadong apektado sa isang bagay.
He's always calm and collected. Ni pagpapanic noon ay hindi mo siya kakikitaan.
Nakakapanibago lang ang lahat ngayon.
"–kung ex man kita at nakagawa ako ng masama, I'm really really sorry. I-I'm making it up to you."
Nakayukom lang ang kamao ko noong nagsimula ulit siyang sakupin ang distansya namin.
"Tanya," anas niya. Wala pa ring pagbabago sa mukha. Para itong nagsisisi sa isang kasalanang hindi niya naman maalalang ginawa.
"You are sorry for the things you don't remember?"
Hindi na siya nakapagsalitang muli. Nakatutop lang ang mga labi nito na para bang napakahirap noon ibuka.
"Umuwi na tayo," I said in a dismissive tone. Okay na rin iyon dahil ayoko na ring mag-antay pa sa sasabihin niya.
Dali-dali akong nagtungo sa lugar kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Hindi ako dapat magmadali, nagawa ko ngang hindi alamin ang totoong nangyari sa loob ng labing pitong taon. Madali na lang iyon lalo pa at abot kamay ko na lang si Josiah.
"Tanya," muling pagtawag nito.
Nararamdaman ko na ang pagkairita sa sistema ko. Well, it's kind of disappointing. Sino ba namang hindi? Nagtiis na ako ng labing pitong taon na hindi alam ang totoo.
"I-I need to tell you something."
Hinarap ko siyang muli nang nakataas ang isang kilay. Let's see then.
"Hm? What is it?"
Matagal itong nakatitig sa akin. He seems hesitant at first pero matapos ang ilang ulit na pagbuntomg hininga ay pinili na nitong magsalita.
"Naguguluhan ako, really. Alam kong malaking kawalan ang mga alaala ko pero the more na makita kita, mas lalo kong ginugustong makaalala."
Pinakatitigan ko ito, nag-aantay ng sunod niyang sasabihin. Ako rin, Josiah. Gustong gusto na kitang makaalala para naman maisampal sa iyong hindi ka na dapat lumalapit sa matagal mo nang iniwan.
Itinatago mo lang sa sarili ko ang lahat ng gusto kong sabihin sa lalaking kaharap. Kahit papaano ay nangako pa rin naman ako kay Isiaah.
"I...I like you, Tanya. Hindi ako pupwedeng magkamali. This feeling with you is very familiar na parang naramdaman ko na 'to noon pa lang."
Tumaas ang isang sulok ng labi ko sa narinig. Gusto kong matawa. Gusto kong sumigaw at magwala.
Gusto niya raw ako. Gusto niya raw ako!
Mali ka, Josiah. Ang sabi mo pa sa akin noon ay mahal mo ako pero nakuha mo pa rin kaming iwanan ni Ali... ng walang dahilan.
Pinagdikit ko lang ang mga labi ko, pinipigil magsalita. Alam kong kapag nagsimula akong ibuka ang mga bibig ko, hindi ko na mapipigilang ilabas ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko.
"Help me, Tanya. Please, gusto kong makaalala. Sampung taon na wala akong improvement tungkol sa mga naaalala ko kaya..."
Hindi ko na nagawang habulin ang hininga ko. Naninikip ang dibdib ko na parang hindi ko maintindihan ang nangyayari. Dali-dali akong sumakay sa sarili kong sasakyan, pagkatapos ay mabilis na nilisan ang lugar.
Ano ba itong ginagawa ko? Hindi ko na dapat ipinasok muli ang sarili ko sa buhay ng lalaking iyon!
"Ayoko na, ayoko na."
Hinayaan kong tumulo ng tumulo ang luha ko sa mukha pababa kahit pinipilit ang sarili kong magmaneho. Ayoko na.
"This is what I am talking about, Ma." agad na dumalo sa akin ang anak at inayos ang kumot ko.
"Kaya nga po ayoko 'yung masyado kayong maraming ginagawa kasi mabilis kayong mapagod," dagdag niya pa.
Ngumiti lang ako at umiling. "'Nak, ilang beses na 'tong nangyayari nakakaya naman ni Mommy. 'Wag ka na nga mag-alala dyan!"
Inikot lang ng anak ko ang mga mata bago nagmamartsang umalis doon. Siguro ay napikon na dahil sa kakapaulit-ulit magsermon.
Sa hindi na mabilang na pagkakataon, hinawakan kong muli ang noo ko. Nakakapaso pa rin ang init noon at hindi man lang nabawasan sa mga nagdaang oras.
Bakit naman kasi ngayon pa ako nilagnat? Hindi tuloy ako nakasama sa shooting ngayon ng pelikula pero nakapagsabi na rin naman ako.
Buti nga at andito rin ang anak ko dahil Sabado kaya todo tuloy ang pag-aasikaso nito sa akin.
"Alesseo, ang sabi ko ayos lang ako. Unahin mo na muna mga homeworks mo!" ilang beses na rin akong nangumbinsi pero hini-hindian lang ako ng anak.
"Magpagaling ka po muna," sabi niya pa.
Inabutan ako nito ng isang basong tubig na siyang kailangan ko raw at saka pinaubos iyon sa akin. Hindi naman na ako nahihilo ngayon, talagang nilalagnat na lang.
Bakit ko naman kasi naisip noong nakaraang magpaulan at mag-emote? Ayan tuloy naabala ko pa ang anak ko pati ang iilang tao sa set.
Pagkatapos ng araw na iyon, noong nakuha kong makipagsagutan kay Josiah ay hindi ko na muli itong nakita. Hindi na rin kasi nagtawag ng meeting para sa movie. Ngayon sana, pero ganito naman ang nangyari sa akin.
It's not that I want to see him, ha!
Baka lang kasi kailangan ako nila Direk AJ doon.
Hindi ko makalimutan ang napag-usapan namin doon. Hindi ako halos pinatulog ng posibleng dahilan ng pag-iwan nito sa aking dalawa ni Ali noon pa.
At mas lalong ginambala ako ng mga halik niya.
Labing pitong taong wala iyon sa isip ko. Pero ngayon hindi na mawaglit sa isip ko kung anong lasa ng mga halik na iyon.
Nakakuha ng atensyon naming dalawa ni Ali ang katok. Sino naman maaari iyon? Magsasabi naman si Cassie kung magpupunta siya.
"Titingnan ko lang, Ma. Baka si Tita Cassie," ani Ali bago dumerecho na sa pinto.
Doon ko pa lang halos ilubog ang sarili ko sa hinihigaan. Bakit hindi pa rin maalis si Josiah sa isip ko?
Hindi niya tinupad ang mga pangako niya noon!
Iniwan niya kami ni Ali!
Dapat mas magalit pa ako sakanya ngayon dahil nakumpirma ko na ang bagay na iyon pero bakit hindi ko na magawang magalit?
Parang nag-iba bigla ang ihip ng hangin. Parang ako yata ang biglang nagka-amnesia tapos nakalimutan ang pagkamuhing nararamdaman para sa lalaki.
"Bakit ba? Ano bang ginagawa mo rito? I said my mom is okay?"
Kumunot agad ang noo ko sa narinig. Sino naman kaya ang kausap ni Ali at parang galit na naman ang anak?
Susubok na sana akong tumayo para sundan ang anak noong narating na nito ang kwarto ko.
"Hey!" sigaw pa ni Ali.
"Anak, why are you shou—"
"Tanya.."
Pupwede bang hilinging nananaginip na lang sana ako at hindi ko kaharap ngayon ang mag-amang parehang pareha ang mga mata?