XI. The Surname

1041 Words
XI. The Surname "Anong ginagawa mo rito, Sir?" Sinadya kong gawing pormal ang boses ko nang pinilit kong tumayo para daluhan ang lalaki. Sinenyasan ko si Ali na iwan na muna kami at dumerecho na muna sa sarili nitong kwarto kaya mabilis din itong sumunod. "Tanya, how are you?" Mabilis kong kinuha ang jacket na nakasabit sa likod ng pinto ng kwarto ko at sinuot iyon bago siya tuluyang harapin. "Okay naman ako, nagsabi na ako kay Direk AJ at sa sekretarya mo na hindi ako makakapunta—" "That's my problem!" agad na naningkit ang mga mata ko sa ginawa nitong pagtataas ng boses. "Bakit hindi ako ang sinabihan mo?" Natatawa, agad ko itong nilagpasan para magtuloy tuloy sa sala. Iyon lang ang pinunta niya rito? Iyong ego niyang natapakan dahil hindi siya ang sinabihan ko tungkol sa pag-absent? "Is that it? If 'yun lang ang problema mo, fine!" nag-ayos ako ng tawa at taas noo siyang hinarap. Nag-aaway ba kami ng lalaking ito? "Sir, I am sick. Hindi ako makakapasok, hindi ako makakapunta sa shooting niyo ngayong araw." tinaasan ko pa siya ng kilay. "There! I said it? Masaya na?" Marahas ang mga sumunod kong pag-iling. Umiinit lalo ang ulo ko sa lalaking ito! "Tanya, it's not that—" "Aba! Eh, ano pa bq ang gusto mo?!" Paniguradong kinakikinggan ni Ali ang usapan kahit sa likod ng pinto ng kwarto niya. Masyado na rin kasing malalakas ang pagsigaw ko kaya hindi na maiiwasan noong hindi makuha ang atensyon ng anak ko. "Nag-aalala ako sa'yo, Tanya!" "Why?! Eh, hindi ko naman—" "Because I like you. Ilang beses ko ba 'yung uulitin para makuha mo?" Natigilan ako roon. Magkakahalong emosyon ang agad kong naramdaman. Hindi ito ang unang beses na sinabi niyang gusto niya ako pero hindi ko pa rin alam ang ekspresyong ipakikita. Gusto kong matawa. Tumawa nang tumawa! Tawanan ang pinagsasabi ng lalaki sa harapan. "Why? Why are you laughing? Anong masama sa sinabi ko?" Doon ay sumeryoso tuloy ang mukha ko. Una pa lang, kailangan ko nang tapusin ito. Hindi ako papayag na maulit muli ang ginawang pag-aabandona ni Josiah sa amin ng anak ko una pa lang. Hindi ako papayag. "Do you think okay sa akin 'yan? No!" Stopping Josiah is also stopping myself to think further. Mas hinahayaan ko si Josiah, mas hinahayaan ko rin ang sarili kong mag-isip at umasa. Tama na ang isang beses na sakit, Tanya. Huwag ka nang maghangad ng isa pa. "W-What do you mean?" gulat nitong tanong. "Pupwede kitang magustuhan sa gusto mo sa hindi, Tanya." "Pero hindi ako papayag." Naihilamos na lang ni Josiah ang palad nito sa mukha, "Why?!" "Dahil matagal na tayong tapos Josiah." Well, that's a fact! Matagal na talaga kaming tapos at siya mismo ang nagtapos noon, hindi ba? Siya ang umayaw, siya ang nang-abandona! "Matagal na tayong hiwalay. Bago ka pa maaksidente, naayos na natin 'yun. Nagkaroon na tayo ng closure. Pumayag ka, pumayag ako. At isa pa," Sorry po, Lord. Magsisinungaling ako. "May bago ka ng girlfriend bago ka pa maaksidente," pagdadagdag ko. Naisip ko kasing tama ng rason iyon para hindi na nito ibaling sa akin ang atensyon. Kapag naisip nitong nagkanobya siya pagkatapos naming mahiwalay ay may posibilidad na ma-divert doon ang atensyon niya. "Girlfriend, huh?" Nagpanic ang buong sistema ko nang namataang malalim ang naging sumunod na pag-iisip ni Josiah. Bwisit naman, oh! Ganito ba talaga kahirap magsinungaling sa mga matatino? "Bago ako maaksidente, may naging girlfriend pa ako?" tanong niya kaya nag-aalangan akong tumango. Now, I regret lying! Hindi ko alam kung papaano ko paninindigan ang pagsisinungaling kong iyon. "I see. Pero naghiwalay rin kami bago ang aksidente, hindi ba?" tumango akong muli. Hindi na ninais na magsalita pa. Mahirap na, baka ilaglag pa ako ng sarili kong bibig! Buong akala ko ay magtatanong pa siya kaya ganoon na lang ang gulat ko noong ngumiti ito sa akin. "It doesn't matter, Tanya. I still like you." Bumagsak ang balikat ko na sinundan ng paghaba ng nguso. Akala ko pa naman epektibo ang mga sinabi ko! Babalik din pala ang lahat sa ganoon. "Anyways, I brought you some fruits. Nagtake-out ako ng pagkain from Isiaah's incase hindi pa kayo kumakain—" "Bingo!" Napalingon na lang kami sa biglaang pagpasok ni Ali sa eksena. Nang makita ko pa lang ang mga mata nito, alam ko na. "Is this ours? Thanks!" Mabilis na kinuha nito ang iilang putaheng naroon. Hindi na nakalagpas sa anak ko ang leche flan na nasa gilid pati ang chicken wings bago mukhang bumalik sa kwarto nito. Nakuha niya pa mga ang kumaway at magpaalam. Si Ali talaga. "H-He's.. so adorable," nakangiting sabi ni Josiah habang pinakatititigan ang pinto kung saan huling pumasok ang anak ko. Syempre mana sa'yo, eh. Halos mapukpok ko ang sarili ko sa naisip! Tanya, magtigil ka nga. Hindi magandang tinotolerate mo pa kung ano anong sinasabi ng kaharap mo! "He is," pagsang-yon ko. "Kaya lang parang mainit ang dugo sa'kin." Doon na ako natawa. Naalala ko kasi ang una nilang pagkikita. Nagpanggap pa talaga si Ali biglang kasintahan ko para lang mapalayo si Josiah. "Gano'n lang talaga siya madalas. Kaya hindi na rin ako nakapagboyfriend," pagkukwento ko. Kinuha niya ang lata ng kapeng kasama sa mga pinamili niya, binuksan at saka ininom. Inabutan niya rin ako pero agad ko ring tinanggihan. "Dapat lang 'yun, no. Atleast, ni-reserve ka ni Ali para sakin." Bumunghalit na ako ng tawa. Bongga naman pala ang confidence level ng lolo niyo! "How dare you say that?" Hindi pa ako natigil sa pagtawa kaya sumabay na rin siya. Wow, hindi ko in-expect na magiging ganito ka-light pa ang pagsisigawan namin kanina. "What's his fullname, by the way?" Sandali muna akong tumayo at kumuha ng malaking tsitsirya sa ibabaw ng ref. "Alesseo," sabi ko matapos makabalik sa pagkakaupo. "Alesseo?" "Tebrero." Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagsilay ng malawak na ngisi ng kaharap kaya awtomatikong tumaas ang isang kilay ko. "Hindi pala magiging mahirap ang proseso," sabi niya. Kinuha ko ang maliit na basong narooon sa mesa at nagsimulang uminom habang nag-aantay ng sunod nitong sasabihin. "'Di pala magiging mahirap kapag inilipat natin sa Jacinto."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD