VIII. The heart never forgets
I deserve to know the truth. Kailangan kong malaman iyon pero hindi ko masasabi kung kakayanin ko bang malaman.
Sinubukan kong balewalain ang sinabi ni Isiaah noong nasa Batangas pa kami pero hindi rin ako nagtagumpay.
There's a part of me na nagsasabing kailangan kong malaman. Pero ang kalahati na naman noon — bakit ko pa kailangang malaman? Ano namang gagawin ko kung malalaman ko ang totoo? May magbabago ba? Wala naman.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Lunes ngayon at nakabalik na kami sa Manila. Kahapon pa. Kaya nga nasa eskwelahan na rin si Ali.
Ako lang mag-isa kaya kung ano ano na naman ang naiisip.
I need to try.
Kung ano man ang malaman ko ay babalewalain ko na lang.
Para rin siguro mabigyan din ako ng closure. Na pagkatapos nito, wala na talagang puwang para kay Josiah.
Dalawang ring lang ay sinagot ng ang tawag ko. "Hello?"
Ang asawa marahil nito ang sumagot. "Good morning. This is Tanya..."
"Oh! I'll go check on Isiaah."
Sandaling natahimik sa linya bago magsalita ang lalaking mayroong malalim na boses. "Tanya."
"C-Can we... meet?" huminga ako nang malalim.
"Sure, sure. Our house is free–"
"Nako! Nakakahiya naman kung sa bahay niyo pa."
Natahimik ulit sa kabilang linya, kapagkuwan ay si Mae na ang sumagot. "It's fine, Tanya. I'll text you the address."
Wala akong ibang nagawa kundi sumang-ayon. Nang patayin ang tawag ay mabilis na dumating ang text na sinasabi ng babae.
Nanginginig man at abot abot na ang kabang nararamdaman ay nagawa ko pa ring makapagbihis. Bahala na, andito na ako. Might as well face the truth.
Alas dies ng umaga, tinatahak ko na ang daan papasok sa mansyon nila Isiaah. Kung namangha na nga ako sa restaurant nito ay mas lalo pang nalaglag ang panga ko sa magarang mansyon nito.
Hindi ko nga alam kung mansyon pa ba dahil mas nagmukha iyong palasyo.
Nauna kong nakita ang batang lalaking patakbo takbo pa sa living room nila. Napahinto iyon nang makita ako at agad na tinawag ang mga magulang.
Si Mae ang unang bumaba, buntis ito. Akala ko namamalikmata lang ako nang makita ang umbok na tyan nito sa Batangas. Sumunod naman agad si Isiaah na nakapambahay na tshirt at shorts lang.
"Tanya," bungad nito. Nginitian ko lang ang mag-asawa nang makaramdam ng hiya.
"Take her to my office, love. Isusunod ko na lang ang snacks," sabi ni isiaah sa asawa.
Ganoon nga ang ginawa namin ni Mae, kaya lang ay kailangan talagang magdoble ingat sa paglalakad dahil mahirap na.
Ilang minuto pa, kaharap ko na si Isiaah. Seryoso na ang mukha na lalo pang nagbigay ng kaba sa akin.
Wala na rin doon si Mae na ginawa pang palakasin ang loob ko kanina.
Ano ba talaga ang nangyari? Pupwede namang sabihin agad na nakahanap na ng iba si Josiah dahil wala naman na akong pakealam—
"Car accident."
Agad na nangilid ng luha ko. Taliwas sa naisip kong magiging reaksyon.
"Malaki ang naging tama noon sa ulo ni Kuya kaya naging 50:50 pa. The doctors tried to save him. Many times. At sa huling subok, muling nagkaroon ng heart beat si Kuya. Kaya lang, nag-under go siya sa maraming operations. Nawalan na nga kami ng pag-asa noon, but he fought. Hard. Nang gumising siya after a month of coma, wala na kaming kasing grateful." tinapatan siya ng tingin ng mga mata ko.
"Kahit pa wala na siya ni isang maalala sa amin."
Nagtuloy tuloy na ang buhos ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nangyari na ito sa mga teleseryeng napapanood ko kaya clichè na ito para sa iilan kaya hindi ko maisip kung bakit hindi ko agad naisip iyon.
"Kaya ba..hindi niya rin ako..." hindi ko na itinuloy dahil obvious na ang sagot. "P-Pero bakit nahanap niya ako.."
"I guess the heart never forgets, Tanya."
As if on cue, naging mabilis ang pagtibok ng puso na parang naririnig ko pa ang mga iyon sa kabilang tainga. "Pero.."
Hindi ako makahanap ng mga salita sa sobrang pagkabigla. That's nearly impossible! Natatandaan niya ako! Pinaglalaruan lang niya kami ng anak ko dahil sa konsensyang nararamdaman niya siguro.
"Pero until now wala pa siyang alam, Tanya. Kaya isa lang ang hihingiin kong pabor sa'yo. 'Wag mong ipipilit na makaalala si Kuya dahil malaking risk 'yun sa brain niya. By that time, hindi na natin sigurado kung magigising pa siya."
The thought of having Josiah in my arms na hindi na humihinga ay halos magpatigil din ng t***k ng puso ko. Hindi ko kayang makitang magkaganon ang lalaki kaya mabilis ang naging pagtango ko sa kausap.
"H-Hindi.. hindi ko pipilitin," gagad ko kahit nanginginig.
Dahil hindi ko naman talaga alam kung gugustuhin ko pang makaalala si Josiah. Parang gusto ko na lang na ganyan siya para hindi niya tuluyang malaman ang totoo... tungkol kay Ali.
Hindi ko hahayaang makapasok pa ulit siya sa buhay namin.
"Ahm," napabaling muli ako kay Isiaah. Gulong gulo pa rin ang mga mata na parang marami pang hindi naiintindihan sa nangyayari. "Tanya.."
Nginitian ko siya, inaantay ang susunod na sasabihin. "S-Si.. Ali ba?"
Bumalik na naman ang malakas na pagtibok ng puso ko, kailangan ko bang sabihin sa kaharap?
Hindi naman siguro nito sasabihin sa kapatid lalo pa at ayaw niya itong piliting makaalala. Bumuntong ako ng hininga. Nakikipagtalo pa sa sarili kung ano ang dapat sabihin sa lalaki.
Well, he told me the truth... should I tell him the truth about Ali as well?
"Ali is.. Josiah's."
Nanlaki agad ang mata ni Isiaah sa nalaman. "What?!"
"But please, 'wag mo munang ipaalam kahit kanino. Please let the time do the thing. Alam kong walang sekretong hindi nabubunyag pero 'wag muna sa ngayon, Isiaah."
Nakahinga lang ako nang maluwag noong tumango ako. Kumbinsido rin sa sinabi ko. "Kahit sa asawa ko?"
"Of course, pwede kay Mae! Ayoko lang na mas marami pa ang makaalam. Walang alam ang anak ko tungkol dito, at kung malalaman niya man ay gusto kong sa akin manggaling." nanginginig ang mga labi ko habang nagsasalita.
Iniisip ko pa lang ang posibleng magkamuhing pwede kong matanggap galing sa anak ay halos manghina na ako sa msimong kinauupuan.
"Calm down, Tanya. Walang ibang makakaalam bukod sa aming dalawa ng asawa ko. You can trust me on this one, okay?"
Nakampante na ako sa sagot niyang iyon. Alam kong mabuti rin namang tao si Isiaah. Sana lang talaga ay mabigyan pa ako ng kaonti pang oras para maihanda ang anak.
Malapit nang mabunyag ang bagay na pilit kong ibinaon ng maraming taon, kailangan ko iyong paghandaan.