VII: Isaah

1307 Words
VII. Isiaah "Nako! Payagan mo na, Tanya. Sinubukan namin 'yang si Ali kanina, mas magaling pa dito kay Baste!" Nagtawanan ang lahat ng nandoon, napakamot lang ng batok si Ali na mukhang nahihiya. Samantalang si Baste naman ay agad na nalukot ang mukha. "Hindi ko alam kung iyan lang ang silbi ko sa mundo, eh. Kantyawan ninyo," sabi niya. Umaarteng nagtatampo. Pero imbes na pansinin ay muli lang bumaling si Direk AJ sa anak ko. Sanay na rin siguro si Baste roon dahil nagtuloy tuloy na ito sa pagkain. "Ano, Tanya?" pukaw ni Direk sa akin. "Basta hindi maaapektuhan 'yung pag-aaral ni Ali. Saka gusto ko sana kapag kolehiyo na." Sa sinabi ko ay impit na napasigaw si Direk, napayakap naman sa akin ang anak. Aba? Mukhang gusto na ni Ali ang mag-artista? Nasulsan na masyado ng direktor na ito. "Eat first." Sabay sabay kaming tumahimik at nalatingin kay Josiah. Tahimik lang itong muli na para bang hindi siya ang nagsalita. Nagkibit-balikat lang ang direktor, maya maya bumaling na naman sa aming mag-ina. "Don't get me wrong, T. Pero malakas ang feels kong bata ka pa. Nakita ko rin sa interview mo that you're just 33? And..." Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na rin naman ang tutunguhin noon. "I gave birth to Ali when I was just.." Pasekreto akong napabaling kay Josiah na nasa tabi ko lang, dahilan para mapatingin din ito sa akin. "Sixteen." Gusto kong ipagdukdukan sakanya ang katotohanan. Gusto kong magsisisi siyang iniwan niya kami noon. Gusto kong maramdaman din niya ang sakit ng ginawa niyang pang-aabandona. Gusto kong mangulila rin siya katulad ng pangungulila ni Ali sa ama nito noon. "Wow, Ali. You're mom is brave." Narinig ko pang sabi ni Direk AJ. Natahimik na ako at hinayaan na lang silang mag-usap. Hindi na naman kasi maganda ang mood ko dahil sa mga naaalala. "Indeed po," nagmamalaking sabi ni Ali. "Buti hindi naman nahirapan si Tanya." "Nahirapan po. There are times na kinakapos din kasi sa panggastos lalo na nung bata pa ako–" Ali grimaced when he was cutted off by Josiah. "Bakit anong ginawa ng tatay mo—" Funny how life works. Sakanya pa talaga galing ang tanong na iyan. Nakita ko agad ang pagtiim ng bagang ng anak. Oo nga at natanggap na niya ang sitwasyon pero nag-aalab pa rin ang galit nito sa ama. "He left us." Bumalatay ang pagkabigla sa mukha ng mga taong naroon. "Pero wala naman na kaming pakialam ni Mommy. Hindi naman namin siya kailangan." May tumarak na kung ano sa puso ko. Hindi naman kasi namin madalas na papag-usapan ni Ali iyon. Ngayon ko na lang ulit nalaman kung ano ang nararamdaman niya para sa ama. Purong galit. Nabigla ako sa pag-aming iyon ni Ali pero mas nagulat ako noong biglang tumayo at umalis doon si Josiah. Walang sabi-sabi maging sa sekretarya niya. Basta na lang umalis doon. I know right! Sinasabi ko na nga ba! Sinasabi ko na nga bang kilala niya naman talaga kami. Na naaalala niya kami. Pero bakit ganito pa ang ginagawa niya? Hindi man lang ba ito nagsisisi o kahit nakokonsensya man lang? Kasi bakit niya pa ako pinapalapit sakanya? Naguguluhan, pinilit kong tapusin ang pagkain. Nagutom din naman ako sa pabalik balik na byahe kaya hinayaan ko na lang muna ang mga iniisip. Kagabi ay wala kaming ginawa ni Ali sa kwarto kundi magkulitan at magtawanan. Sinigurado ko iyon dahil ayokong mamalagi sa utak nito ang ama. Mukhang effective namin dahil kung hindi pa kung hindi pa maglipat ng petsa sa kalendaryo ay hindi pa kami nakatulog. "Tanya, aprub ba sa scene na 'yan?" sinenyasan ko ang direktor ng aprub bago magsimula ulit ang pagsho-shoot. "Ma," sabi ni Ali. Nang lingunin ko ito ay halos malunod ang bibig niya sa mga pagkain. Hindi naman halatang paborito niyang gawin ay kumain, ha? "Naisip ko lang, ang astig ng career nating dalawa kapag nakataon. Ikaw nagsusulat tapos iaarte ko 'yung nasa libro mo—" "Alesseo!" pinanlakihan ko siya ng mata. "Joke lang, Ma." Aba at patawa tawa pa ang isang ito ha? Alam naman niyang romance story ang mga isinusulat ko, magbibiro pa siya ng ganon. Sesermunan ko na sana nang lapitan ako ni Andrew, ang sekretarya ng Josiah'ng iyon. "Miss. Sasama raw po kayo kay Sir Jacinto ngayon," tugon niya. At hindi iyon patanong man lang? "At bakit ako sasama sakanya?" mataray na sagot ko. "Importante raw po, eh." dumapo ang tingin ng sekretarya sa anak kong matikas na tumayo. Parang takot din kay Ali. "Kasama raw po ang anak niyo." Pagkasabi ay agad na umalis doon si Andrew. Uupo na sanang muli ako nang hilain naman ako ng anak. "Saan tayo?" "Let's show him what we got, Ma." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil dere-derecho ang lakad ng anak. Namataan ko na lang ang sariling nasa loob ng isang mamahaling kotse ng lalaking dapat ay iniiwasan ko. "What's so important about having lunch?" singhal ko sa lalaki noong naglalakad na kami at naghahanap ng makakain sa isang mall. "Because it's food, of course it's important." paliwanag niya. Ako lang ba? Ako lang ba ang mayroong nahahalata sa mag-amang ito? Parehas mahilig sa pagkain. "Saan tayo kakain?" ginatungan pa ni Ali. Sabi ko na nga ba! Kapag pagkain, nawawala ang galit nito. Pinandilatan ko ang anak but he mouthed, "gutom na ako, Ma." Kaya wala na akong nagawa. Kakain lang naman siguro, pagkatapos nito balik ulit sa dati. Pumasok kami sa isang magarang restaurant, kaya ganoon na lang ang pagkutitap ng mga mata ng anak ko. Hindi pa kami nakapunta sa ganitong klaseng lugar ni Ali. Siguro nga, ang paborito niyang kainang lugar na ang pinakasosyql na napuntahan namin. Malayong malayo rito. Inilibot ko ang tingin sa mga palamuti, magagara iyon na pupwede mong ilagay sa i********: anytime. "Tanya?!" nabalik ang atensyon ko ng tawag na iyon sa harapan. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko. Isiaah?! "Do you know her?" tanong agad ni Josiah sa kapatid. Humigpit din ang pagkakahawak sa akin ni Ali. "Ah! Nagkakilala kami sa isang event," he lied. Bakit naman nito kailangang magsinungaling? Nakilala ko si Isiaah dahil kay Josiah. Silang dalawa madalas ang kasama ko noong nasa Quezon pa kami. Kilala niya ako, natatandaan niya ako. Pero his brother asking him who I am? Kung kilala niya ba ako? That's... disturbing. Doon ko lang napansing may kasama rin pala si Isiaah'ng babae. "Anyways, Isiaah and Mae. This is Tanya and her son, Ali." "Her son?!" Ramdam kong halos mabuwal sa kinatatayuan si Isiaah. May alam kaya siya? "Yes, why?" inosenteng inosente si Josiah sa pagtatanong na mas lalo pang nagpagulo sa akin. "Tanya and Ali, this is Isiaah and his wife. Si Mae." Awkward ang lunch na iyon. Tahimik lang ako at halos ang magkapatid lang ang nag-uusap samantalang halos kainin naman ni Ali ang plato. "Anak, kanina ka pa kain ng kain!" "Ang sarap, Ma! Paborito ko 'to." Napairap na lang ako. "Lahat naman paborito mo." Mahina kaming nagtawanan na parang may sariling mundo. Ito naman talaga ang mundo ko, kaming dalawa lang ng anak. Walang kulang at wala ng papasok na iba. Mabilis natapos ang lunch dahil kailangan na rin namin agad bumalik sa set. Nalaman kong kay Isiaah pala ang restaurant na ito at marami na silang branches lalo na sa NCR. "Thank you... Isiaah." nahihiyang sabi ko. Nauna na si Ali sa labas pagkatapos magpaalam, ganoon din si Josiah. Akmang hahakbang na ako palayo noong hinigit ni Isiaah ang braso ko. Inaabot pala nito ang isang calling card. "I know you have a lot of questions in your mind. If you want to know the truth, call me." Nagmamadaling tinanggap ko iyon at tinago bago dumerecho na sa labas para puntahan ang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD