VI: Child

1295 Words
VI. Child "Why are you doing this?" Matalim ang mga sumunod kong titig sa lalaking kanina pa sumusunod sa akin at wala pang sabi sabing sumakay ng kotse ko. Talagang iniwan niya ang set para lang masunod ang kung ano mang gustuhin niya. Naiwan doon si Direk AJ, ang mga actors, maging ang iilang staffs ng Styrax pati ang sekretarya ni Josiah. Josiah just then, shrugged. Parang hindi nito nahahalata ang panginginig ng sistema ko. "To look after you. Ayokong mag-isa ka." Sa kagustuhan kong huwag nang makipagtalo ay hinayaan ko na lang siya. Tutal naman ang ganda na ng pagkakaupo nito sa sasakyan ko at magsasayang lang ako ng oras kung papaalisin ko pa siya. Hindi ko naman hahayaang pag-antayin ng matagal ang anak ko. Kung pupwede nga lang na paliparin ko na itong kotse ay gagawin ko na dahil malapit na ring mag-alas tres y media. Nasa kalagitnaan ng daan ay biglang tumawag si Ali. Pupwede ko sana iyong i-connect sa speaker sa sasakyan pero hindi ko ginawa. Baka kung ano pa ang sabihin ng anak at marinig pa nitong Josiah'ng ito. "Baby," agad na sabi ko. Humigpit din ang kapit ko sa manibela dahil sa sobrang pag-iingat. "Ma, ingat. I'll just pass my reflections to my teacher and dederecho na muna ako sa mall." "Alright, nasa daan na rin naman ako." Napakunot ang noo ko nung may biglang inilapit na papel si Josiah sa akin, nakalagay iyon malapit sa manibela kaya malaya ko iyong mababasa nang hindi naiwawaglit ang tingin sa daan. Don't use that while driving. Ilang minuto pa akong nakipag-usap sa anak, binalewala ang sinabi niya. Noong nakuntento ay tinigil na rin namin at sinabing magkikita na rin naman maya maya lang. "So, it's Ali? Huh?" Noong una hindi ko nakuha agad ang sinasabi nito. Buti agad ko ring naalalang nakakapit pa rin ang lalaking ito sa kaisipang boyfriend ko ang anak ko. Diyos ko! Kung ano ano kasi ang pinaggagagawa ni Ali. "Ah," wala akong ibang masabi. Isa pa hindi ko naman talaga forte ang pagsisinungaling. "He'll join us." Hindi iyon tanong kaya hindi ko na rin sinagot. Tumikhim na lang ako para simulan ang paliwanag. "Hindi naman kami dadagdag sa gastusin. Isang kwarto lang naman ang gagamitin—" "You'll sleep with him?! One bed?!" naniningkit ang mga mata ko nang tiningnan siya. Haru jusko! Magkakasala pa ata ako ng wala sa oras. Syempre magtatabi kami dahil anak ko iyon! Pero hindi ko magawang masabi dahil huli na para mabulilyaso pa kami. Halos magkasalubong na ang kilay ko noong napagtantong kahit paniwalang paniwala itong si Josiah na may nobyo ako ay hindi pa rin tumitigil sa pangungulit. Paano pa kaya kung malaman nito ang totoo? "Bakit? Ano namang problema do'n, aber? Magkasama naman kami sa tinitirhan." Bumagsak ang mga balikat niya at nanahimik na. Alam niyo, hindi ko rin talaga makuha ang isang ito. Hindi ko makuha kung bakit pa ba lapit nang lapit ng lalaki kahit siya naman iyong nang-abandona sa amin noon. At nakaya naming wala siya! Nakaya namin kahit mag-isang kahig, isang tuka pa. Muli ko tuloy naalala ang mga panahong sa sobrang hirap dahil hindi pa ako nakakakuha ng trabaho ay lugaw na lang ang kinakain namin ni Ali maghapon. Wala ng pera pambili ng kung ano, kahit ng itlog o kaya hotdog. Yet we survived. Kaya siguradong sigurado akong kakayanin naming wala ang tatay ni Ali hanggang sa malagutan man ako ng hininga. Ngawit na ang kamay ko sa pagdadrive nang makarating kami sa Manila, buti nga at hindi na ako nahirapan sa paghahanap ng lugar kung nasaan ang anak. Nasa café lang kasi ito na nasa highway kaya hindi ko na kailangang humanap pa ng parking. Agad akong lumabas ng sasakyan, iniwan si Josiah na nasa passenger seat lang at tahimik na nakatulala. Kung ano ano siguro ang iniisip. "Ma!" sigaw ni Ali mula sa kabilang kalsada. Sinenyasan ako noon na siya na lang ang tatawid kaya sumang-ayon na lang din ako at nagtyagang mag-antay. Nang makatawid ay agad niya akong niyakap, "Uy, 'nak. Miss na miss ako, ha?" Tumawa lang ito at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap. Halos umabot naman ang ngisi ko hanggang sa tainga, paniguradong naglalambing ang anak. Baka may hihingiin na naman na kung ano. "Mommy," pagpukaw niya sa atensyon ko. "I brought this for you!" sabay taas niya sa isang frappe na hawak. Tsokolate iyon! Paborito ko kaya mabilis kong hinablot iyon sa anak. Kapagkuwan ay nagtawanan kami. "Kumusta, anak? Pasado ba yung reflections? Nag-effort tayo doon, ah!" Nag-aprub sign ang anak ko saka humalakhak. "Ako nga ang may pinakamagandang journal. Syempre, kasing ganda ng mommy ko." Mahina ko siyang tinampal ako tumawa nang tumawa. Ganoon na rin ang ginawa nito. Kapag kami talaga ang magkasama ng anak ay parang wala kaming pinipiling lugar kung saan magkukulitan. Balewala sa amin kahit gaano pa karaming tao ang kaharap. "Nambobola ka, ah. Anong kailangan mo?" Malaki ang naging pagngiti ni Ali at doon pa lang ay tama na ang naiisip ko. Akmang sasabihin na ng anak ang gusto nang makarinig kami ng malakas na pagsarado ng pinto ng kotse. Nanlalaki ang mga matang bumaling ako sa likuran. Paano ko nga ba nakalimutan ang kasama? "K-Kanina ka pa ba dyan?" Tahimik ang naging byahe namin pabalik doon. Ni hindi kami makapag-usap ni Ali kahit pa na magkatabi kaming dalawa sa likuran ng sasakyan. Si Josiah kasi ang nagpresinta na siya na ang magmamaneho pagkatapos noong nangyari pagkatapos ay hindi na nagsalitang muli. Sa lagpas dalawang oras na byahe, halos mapanis ang laway ko lalo pa noong nagawang makatulog ni Ali. Mas lalo akong walang nakausap. Hindi ko alam kung nakatulog din ba ako pero nagpapasalamat na rin noong hindi ko namalayan ang pagdating sa resort. Ginising ko si Ali upang tuluyan nang makababa at namataan agad namin si Direk AJ na matamang nag-aabang sa pagbaba namin. Malaki ang ngisi noon nang makita kami ni Josiah na bumaba sa sasakyan pero hindi rin nakatakas sa paningin ko ang biglaan niyang pag ngiwi noong lumabas si Ali at mahigpit ang naging yakap sa akin. Ganyan kasi talaga ang anak ko kapag antok pa o kulang sa tulog. Kung hindi ko aalalayan ay matutumba ito kung saan at hindi man lang magigising. Mahihinang niyugyog ko ang balikat ng anak, "We're here. Greet them, 'nak." Itinuro ko ang direksyon ng staff na nag-aabang. Nauna na si Josiah, umariba na naman ang pagiging bugnutin dahil dumere derecho lang ang lakad na akala mo ay pasan ang daigdig. "Tanya!" bati sa akin ni Direk AJ pero sa anak ko nakabaling ang tingin na ngayon ay may matikas ng tayo. "Direk—" "Boyfriend?" hindi ko na napigilan ang pag-usyuso ng direktor na kaharap. "Anak ko po," magalang na sabi ko. Binalingan rin ang iba pang nandoon. "Anak mo?! Aba'y ang gwapo ha! Mas matangkad pa sa'yo. Mukha kayong magjowa!" Nagtawanan ang nandoon, nakisali na rin tuloy kaming dalawa ng anak. Sandali pang in-interview ng mga kasama ang anak noong nagpaalam ako para mag-ayos ng gamit sa kwartong gagamitin ngayong gabi. Inayos ko na rin ang hihigaan pati ang mga gamit ng anak. Panigurado kasing aantukin na iyon lalo pa at nabitin ang tulog. Nang nakuntento na ako sa pag-aayos ay nagpasya na akong bumaba. Baka kasi mamaya ay pinapirma na ng kontrata ni Direk AJ ang anak ko ng agad agad. Napailing ako at tinawanan ang sarili. Nagsasarado ako ng kwarto noong may biglang nagsalita sa likuran ko, muntik pa nga akong mapatalon. "He's your child..." Napalingon at napalunok na lang ako sa narinig mula kay Josiah. Eto na ata talaga ang simula.. ng labing pitong taong pinilit kong iwasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD