V: Para kay Ali
"Sigurado ka ba talaga, Ma?" Mas bilang ko na ngayon ang mga guhit sa noo ng anak. Noong sinabi ko kasi sakanya na kailangan kong magpunta sa Batangas kasama ang mga tao sa proyekto ay hindi na siya mapakali. Akala mo naman tatay ko. Natatawa na lang ako sa kinikilos ng anak.
"'Nak, 'di ba? You said you want to study in your dream—"
"Pero Ma, it doesn't matter! Kahit saan namang school, pagbubutihan ko po ang pag-aaral. Hindi mo naman na kailangang maghirap ng ganito." pahina ng pahina ang boses niya habang sinasabi iyon. Mataman ko kasi siyang tiningnan. Paulit-ulit ko siyang pinagsasabihan na senyales na ng pagrespeto ang hindi pagputol sa isang taong nagsasalita.
"Fine," pinal na sabi nito. "Just update me, Mom."
Hindi ko na napigilan ang pagtawa. "Sira! Ikaw dapat ang mag-update sa akin, anak kaya kita."
Pabirong inikot ni Ali ang mga mata. "I still have the rights. Lalo pa wala akong tiwala sa Josiah na 'yun."
Napailing iling na lang ako at tuluyan siyang sinundan papasok sa sasakyan. Ihahatid ko muna kasi siya sa school bago dumerecho sa meeting place naming napag-usapan nina Direk AJ.
"Basta, Ma." hindi na natapos ang kakapaalala ng anak.
"I know, Alesseo. I know," I said in a dismissive tone. "Isa pa, one day lang naman. Susunod ka rin naman bukas dahil wala ka nang pasok."
Ibinaling ko na ang tingin ko sa daan noong nagsimula na akong magmaneho.
"What if ngayon na mo na lang ako sunduin, Ma?" madali kong tiningnan kung seryoso ba ang anak. Taliwas kasi ang sinabi niyang iyon sa napag-usapan namin kanina na bukas ng umaga ko na siya susunduin.
"Ang iniisip ko nga, anak.. baka pagod kana after school tapos babyahe pa."
"Ma, I can sleep naman po sa byahe. Ayoko lang matulog sa bahay ngayon. Hindi po ako sanay na wala ka sa kabilang kwarto." natahimik ako. Nangingiti sa sinabi ng anak. Hindi ko nga lang alam kung nambobola lang iyon para pumayag ako.
"Okay lang po ba?" dagdag pa nito.
"No problem, same place. Pero mamayang gabi na."
Nang makarating kami sa eskwelahan nito, hindi pa halos magpaawat ang anak ko dahil sa paulit ulit nitong bilin. Na kesyo huwag daw akong magdididikit sa bago kong boss, huwag daw akong papayag kapag niyaya ako kung saan at marami pang iba. Parang ako na nga tuloy ang naging anak ni Ali.
Pamilyar na simoy ng hangin agad ang sumalubong sa akin pagdating ko roon. Naalala ko tuloy iyong tinirhan ko sa Quezon. I lowley hate that place before — doon ko kasi nakilala si Josiah at doon din niya kami nagawang iwan ni Ali.
"Tanya! Over here!" mabuti at narinig ko agad ang boses ni Direk AJ kung hindi baka malibot ko pa ang buong lugar sa sobrang pagkamangha.
Ang daan papunta sa mismong dalampasigan ay mabato, agad tuloy akong nagsisi at itong paborito kong pulang pumps pa ang suot ko. Katawa-tawa panigurado ang itsura ko dahil sa pakikipaglaban ng mga paa ko sa mga bato.
Hindi nagtagal noong makaramdam ako ng kamay na biglaang mahigpit na humawak sa kamay ko. Malaki ang mga iyon at mukhang kamay ng lalaki—
"Josiah!"
Sa gulat ay marahas na hindi ko ang kamay ko at muntik pa akong mawalan ng balanse.
"I expect you to call me Sir or boss but I think it's better to call me Josiah," sabi nito na may bahid ng pagngiti. "Just Josiah."
Inirapan ko na, pagkatapos ay minadali ko na ang paglalakad doon kahit ilang beses pa akong mawalan ng balanse.
"Cut! Nakuhanan mo ba 'yun Caesar?!" impit ang pagsigaw ng mga kasama namin kaya kaagad akong napakunot ng noo. Inabot pa ako ng ilang segundo para marealize kung ano ang ginawa nila.
"W-What.."
"You know what, mas nakakakilig kung kayo na lang nitong si Fafa Josiah ang gumawa." Awtomatiko akong napangiwi sa sinabi ng direktor na kaharap. Kapagkuwan ay bumaling ito kay Alice at Baste na siyang magiging magka-love team sa palabas. "Kayo, tsupe na!"
Nagtawanan ang lahat ng nandoon, ako lang panigurado ang hindi. Namataan kong ngumingiti-ngiti rin si Josiah.
"Magsimula na tayo." I swear sinubukan kong huwag maging masyadong mapait ang pagkakasabi noon pero may dumulas pa rin.
"Ay, affected much si author?" tumawa lang ako sa sinabing iyon ni Direk AJ.
"Hindi, ah." konting pagpeke ng tawa lang sigurado namang maniniwala sila. "Tara na."
Kailangan ko rin naman talaga magmadali dahil kailangan ko pang sunduin ang anak ko sa Manila mamaya.
The shoot went good. Minsan nga lang ay naiisip ko kung masyado bang minamadali nila Josiah ang movie dahil nagsimula itong agad sa pagshoshoot kahit mag-iilang linggo pa lang naman matapos kong mapirmahan ang kontrata. Pero wala namang nagiging problema doon.
Magagaling ang actor na kinuha nila, halatang bihasang bihasan na sa ginawang pagpapakilig sa harap ng camera. Paminsan minsan, lalo na tuwing nag pa-five minute break ay dinadagsa naman sila ng mga nagpapapicture. Karamihan ay doon sa lalaki.
"Baste, urong ka rito ng kaonti. Mamaya ka na lang pala magpunta dyan kapag medyo nagtagal na 'yung pagtitig ni Alice sa'yo."
Walang kahirap hirap na sinunod iyon ni Baste at nagsimula nang gawin ang sumunod na eksena. Totoong nakamamangha! Hindi kasi nila kailangan pang ulit ulitin ang pag-take dahil parang gamay na gamay na nila ang kailangang gawin.
"Brought these." Napabaling ako sa biglaang pagsasalita ni Josiah mula sa likod. Kapagkuwan ay tinapatan ang upo ko at inabot ang kape mula sa Starbucks.
Unang titig ko pa lang, napangiwi na ako. Hindi ako iyong taong tinutubig ang kape. Lalo namang hindi ang taong magkakape ng halos tanghaling tapat.
Ni kumakalam na nga ang tyan ko dahil gusto ko ng mananghalian!
"Hindi pa ba maglulunch?" hindi ko tinanggap ang inabot niya kaya pinili niya na lang munang ilapag iyon kung saan bago sagutin ang tanong ko.
"Padating na." Peke akong ngumiti pagkatapos ay dumerecho na sa pinanonood simula kanina.
Maganda rin pala ang ganitong trabaho, para sa akin lang ha. Sa unang araw ko kasi ay halos upo lang ang ginawa ko. Kung mayroon mang tanong si Direk o iilang cameraman ay doon lang rin ako sasagot.
Minsan kapag may nakakakilala sa akin at nakapagbasa na ng libro ay sumusubok ding magpapicture na pinagbibigyan ko naman.
Hindi na nagtagal ang pagdating ng kanina ko pa inaantay. Pero bago ako tuluyang nakisalo sa animo ay buffet na tanghalian ay tinext ko muna ang anak na kanina pa pala text ng text sa akin.
From: Baby Ali
Ma, nakarating ka na po ba?
From: Baby Ali
Mommy, bakit hindi ka nagtetext?
From: Baby Ali
Mommy, I'm worried.
Ini-scan ko pa ang iba at puro iyon pagbibilin at pamimilit na magtext na raw ako at i-update siya. Mayroon pa nga doon na parang sinesermunan na niya ako dahil sa hindi rin ako nagrereply.
Akmang magtitipa na ako ng mensahe nang hindi pa nakontento ang anak dahil talagang tumawag pa ito.
"Ali–"
"Mommy! Pinag-alala mo po ako. Ano, kumusta dyan?" may pahid ng pagkainis ang boses nito. Naiisip na naman siguro si Josiah.
"Okay lang ako rito, baby." bumaling ako kay Josiah na inaabutan na ako ng pagkain. Halos manubig naman ang bagang ko dahil sa halos lahat ng paborito kong pagkain ay naroon.
Hindi niya ba nakalimutan iyon?
"-ano, Ma?"
"Ha? Anong sabi mo, baby?" pinagdiinan ko iyon, muling pinaririnig sa katabing lalaki. Kinuha ko ang platong inabot nito at walang sabi sabing bumalik na sa sariling kwartong inuukupahan sa lugar na iyon.
Tig-iisa kasi kami para naman mas maging kumportable raw kami and at the same time ay may mapaglagyan din ng mga gamit.
"4pm po ang uwian namin, Ma. Sinasabi ko lang po. Pero willing naman po akong antayin kayo." sinugurado kong bago matapos ang tawag na iyon ay pinal ang mga bilin ko sa anak.
Alas tres ako makakaalis dito, kaya siguradong hindi ako makakarating doon ng alas kwatro kaya kailangan pa nitong mag-antay sa isang mall. Ang sabi ko ay basta huwag niya lang isasarado ang cellphone nito ay wala kaming magiging problema.
I composed myself noong nagsisimula namg magtawag ang direktor para sa pagpapatuloy ng ginagawa. Wala ng dalawang oras bago ako umalis kaya hindi na ako nagdalawang isip na bumalik sa lugar kanina.
Kaya lang, inaabala ako ng mga naiisip. Tama pa ba ito? Hindi ba mas inihuhulog ko lang ang sarili ko sa patibong ni Josiah?
"Para sa anak ko." Para kay Ali.