XXVIII. Need to see her Balikan natin ang nangyari pagkaalis ni Josiah sa bahay nila ng araw na iyon. Third person's point of view Nagmamadaling dinaluhan ni Josiah ang nag-susuntukang mga staffs ng Styrax. Hindi niya pa alam ang dahilan pero halos manlumo sa kung anong nakikita. Ano kaya marahil ang mga problema ng mga iyon at opisina niya pa ang napagbuntungan ng mga issue nito sa buhay? "Tumigil na kayo!" dumagundong ang sigaw na iyon ni Josiah sa lugar. Karamihan sa mga naroon ay natigilan pero ang dalawang lalaking nagkakainitan ay tuloy tuloy pa rin sa pagtatalo. "Leave." Tinitigan niya roon ang lahat ng tao na nagsiyukuan sa kanya tapos ay kanya kanya nang kilos paalis doon. "You?" tinutukoy ni Josiah ang dalawang nagtatalo pa rin sa harapan niya na parang hindi na napa

