XXVII. Not so happy ending "Sagot!" Buong buhay ko ay malaki ang pagrespeto ko sa mga magulang. Sila nga ang role model ko, eh. Sila ang lahat para sa akin. Alam kong malaki ang utang na loob ko sa mga magulang ko pero hindi ko na kaya pang lokohin ang sarili. Hindi ko na kayang magtimpi. "A-Anak, kumalma ka." Imbes na tumitig sa ina dahil sa sinabi nito ay mariin lang akong napapikit. "I want the truth. Please... please, tell me the truth." nanlulumo kong sabi. Alam kong may karapatan pa rin naman akong magalit sa nagawa ng mga ito sa akin... bakit hindi ko magawa? Bakit ipinapasok ko pa rin sa kokote kong kailangan kong mas pagpasensyahan ang mga magulang? Wala akong ibang ginawa kundi mag-antay habang inuubos ang sarili sa pag-iyak. Nagbabaka sakali pa rin ako. Nagbabaka sakali

