XXVI. At fault "What the hell are you doing here?!" Iilang salita lang iyon pero halos maubos nito ang dugo ko sa mukha. "P-Po?" Nanginginig na pilit kong inuutusan ang sarili kong manatiling nakatayo kahit onting oras na lang ay bibigay na ang mga tuhod ko. "May gana ka pa talagang iharap ang mukha mo sa amin? Alam mo ba kung paanong nawasak ang anak ko dahil sa kalandian mo?!" Umalingawngaw ang sigaw na iyon ng ginang dahilan para tumigil ang mundo ko... Sinisisi niya ba ako sa isang bagay na hindi ko ginawa? Ni minsan, kahit mga bata pa kami at posible ngang lapitin ng tusko, pero hindi ko naggawang lokohin si Josiah. Ni hindi ko nagawang lumapit pa sa kung sinong lalaki. Malinis ang konsensya kong wala akong ginagawang masama! "H-Hindi ko po alam ang sinasabi niyo," nangin

