XXII. Surprise "A-Ano.. 'to, Jo?" Nang awtomatikong bumuhos ang mga luha ko, hindi ko na lang alam kung bakit. Kung dahil ba iyon sa sobrang takot at pag-aalala sa binata o dahil sa bumungad sa akin ngayon. Ang eleganteng opisinang iyon ay napuno nang makukulay na mga lobong kinorteng puso, tumambad din sa akin ang mga bulaklak na nasa sahig — ni ayaw ko ngang matapakan. Bukod pa roon, may isang mesang eleganteng elegante ang dating na may mga kandila — a candle light... lunch? Medyo weird nga iyon pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Unang strum sa gitara, grabe na ang paghuhuramentado ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa dati. Sa kung paanong napasagot ako ni Josiah — sa isang harana. "Oh, thinking about our younger years There was only you and me We we're y

