XXI. Fixed "Ma, tara na po. Nag-aantay na raw po sila Direk at Josiah," nagmamadaling sabi ni Ali na handang handa na — ako na lang ata ang hindi. Nagmamadali kong kinuha ang maliit na sling bag at dumeretso na sa pagsasarado ng pinto. Bakit ba naman kasi ngayon pa kami nahuli ng gising? Dalawang buwan matapos ang gulong iyon, masaya ako dahil hindi pa nadadagdagan pa. At hindi ko na hihilingin! I can feel that everything is falling into its proper places. Kung pupwede nga lang matapos na ito sa ganito. Magdadalawang buwan na rin pala noong aminin ni Josiah sa akin na nililigawan niya ako — sa pangalawang pagkakataon at sa mismong harapan pang muli ni Ali. Iniisip ko ngang magagalit na naman ang anak ko pero nakakapagtakang hindi. Tinutotoo talaga niya ang rason nito sa akin. I

